hirit pa?

Una sa lahat.. PATAWAD.. at matagal ako bago nakapag update.. at lalong patawad dahil, mas matatagalan ako makakapag update dahil NAG SUSUNOG AKO NG KILAY ngayon. hehe.. mga ilang buwan din ako mamamahinga, pero kung merong maganda at nakakatuwa na mangyari, asahan nyo, ako ay lilitaw naparang bula.. hehe..

tulad nito... hindi kinaya ng powers ko..




nakakapangliit ito....

Paolo Bediones: Janina, how are you?

Janina San Miguel: I'm fine.

Paolo Bediones: Alright, so you won two of the major awards - Best in Long Gown, Best in Swimsuit, do you feel any pressure right now?

Janina San Miguel: No, I don't feel any fressure right now.

Paolo Bediones: Confident! Alright! Please choose a name of the judge.

Paolo Bediones: We have Miss Vivienne Tan.

Vivienne Tan: Good Evening.

Janina San Miguel: Good Evening.

Vivienne Tan: The question is, what role did your family play to you as candidate to Binibining Pilinas?

Janina San Miguel: Well, my family's role for me is so important becos der was da wa- they're, dey was da one who's... very... Haha... Oh I'm so sorry, Ahhmm... My pamily... My family... Oh my god... I'm... Ok, I'm so sorry... I... I told you that I'm so confident... Eto, Ahhmm, Wait... Hahahahaha, Ahmmm, Sorry guys becos dis was really my pirst pageant ever b'coz I'm only 17 years old and ahahaha I, I did not expect that I came from, I came from one of the taf 10. Hmmm, so... but I said dat... my family is the most important persons in my life. Thank you.


....asan na ang sagot sa tanong? at sana nag dala sya ng interpreter ng hindi sya nahirapan sa tanong.. aheheheh! yan ba ang magrereprisinta sa Pilipinas? tsk..tsk.. hay naku! dapat hinigpitan pa ang pag scan ng mga candidates.


Minsan ayos lang kase free na free ka gawin kung ano ang gusto mo o kaya makakapunta ka kung saan mogusto pumunta pero kung minsan, lalo na't malamig ang hanging o kya maganda ung view, magwiwish ka na sana may yumayakap sa yo, hahalikan ka sa noo at tititignan ka ng parang ikaw na ata ang pinakamagandang babae sa mundo. nakakamiss yun. kaya heto, susubukan ko bilangin ang mga dahilan kung bakit single pa tayo. Gaano katagal na ba tayo walang nagiging boyfriend/girlfriend?

1. Masyadong independent baka naman masyado mo napoproject na kaya mong mabuhay ng wala silang lahat, ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila kaya dun nalang sila sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi.

2. Mataas ang standards mo siguro hindi na natanggal sa isip mo ung pangarap mo nung bata ka pa. aba, kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal guy. ok cge, kung makita mo nga ung hinahanap mo na gwapong matalino na mayaman na mabait pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala pantay ang kuko niya sa hinlalaki o kaya naman sobrang bad breath niya sa umaga o kaya naman daig pa ang tambucho sa lakas manigarilyo. ..oh eh di turn-off ka na? kung lahat ng tao ay katulad mo na mataas ang standards, malamang wala ng magboyfriend at maggirlfriend ngayon. puro friends nalang.

3. ubod ka ng kasungitan maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong mukhang nangangain ng tao tapos liligawan pa? dapat kc kahit konti maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan, madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama.

4. masama ang ugali kung papipiliin ako kung sa masungit at sa masama ang ugali, dun na ko sa masungit! ang masungit kc, hindi likas na itim ang budhi nyan, may taglay na istorya sa likod ng simangot niya. sabihan mo lang yan ng 'peek-a-boo' BAKA ngitian ka na. ibang istorya na kase ang masama ang ugali dahil mula pa yang ugali na yan sa kaibuturan ng kanyang mga balunbalunan. sa una mabait pero madidiskubre mo na parang trapo ang tao kung tratuhin nito. tsk tsk tsk. pero hindi pa naman huli ang lahat, kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarilli mo magbago. magdasal ka kay lord. ng mataimtim ha.

5. nagkukulong sa bahay walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na beauty mo kung nagkukulong ka lang sa bahay. ok, nanjan nga ang nanay mo para sabihin na maganda ka pero im sure umay na umay na rin yan sa pagmumukha mo kaya mas maigi kung lumabas ka...pagkagaling sa office, pwede ka magmall o kya gumimik kasama mga officemates mo, o kaya naman sumali sa mga organization sa simbahan or sa neighborhood.

6. mukha kang losyang ito ang kadalasang krimen ng mga single. hindi ka nagbibigay ng panahon para ayusin ang sarili physically. at bakit pa nga ba e wala ka naman dahilan para mag-ayos, diba? MALI !!! dapat nga lalo ka mag-ayos para makita ang marketability mo. hindi krimen ang maging vain kahit konti. did u know na ang ratio ng lalaki sa babae ay 4:1? kaya lola, magsimula ka na mag-ayos! at baka yung crush mo ay maagaw pa ng mga intrimitida sa paligid mo.

7. masyadong magaling medyo sensitive itong tapic na ito dahil nasasagasaan na ang male ego dito eh. oo, may ibang lalake na nabuburaot dahil mas magaling at mas marunong ang babae sa kanila. hindi na natin ito problema dahil malamang insecurity nila ang bumubulong sa kanila pero minsan kase hindi na makatarungan na laging nai-inferior ang lalake. kailangan maramdaman din nila saiyo na hindi mo sila ia-under the saya if maging girlfriend ka nila. hindi ko rin sinasabi na icompromise mo ang talents mo, ano bang magagawa ko kung likas na talentadong bata ka pero ang tamang gawin ay wag naman ipagdukdukan na sobrang galing mong tao. wag na wag mong kalimutan ng may 2 klaseng yabang dito sa mundo. wag kang mang-intimidate kung ayaw mong maintimidate.

8. sobrang busy alam mo ba ung kantang 'Narda'? ganyan ang mangyayari sa iyo, hanggang kanta nalang ang aabutin ng nagkakagusto sayo dahil maski pagpluck ng kilay mo wala kang time.

9. dala ang bigat ng kahapon may kasabihan nga, "how can u look forward when u keep looking back?" walang mangyayari sa love life mo kung dala mo pa ang kabiguan na dinulot ng nakaraan mo. walang sense ang magpakabitter dahil in the end, lalo ka lang papanget. panget na nga, bitter pa. tsaka wag kang matakot masaktan kung gusto mo magmahal muli. laging kaakibat ng love ang pain dahil hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. at isa pa, wag ka ring matakot na kunin ang pagkakataon kung nandiyan na sa harap mo. pano mo malalaman na masarap ang chocolate kung hindi mo titikman?

10. masyadong masyado masyado maganda, masyadong matalino, masyadong talented, at masyado mayaman. minsan ito ang mga nagiging factor kung bakit walang gustong manligaw sayo. pero hindi mo naman ito kasalanan diba? katulad din ito ng scenario sa #7. siguro mas maigi kung humble lang ka, wag mayabang, at imbis na maging hambog, share nalang the blessing. hindi ka lang maganda/matalino/ talented/ mayaman, mabait pa. im sure, lahat mahuhumaling sayo. at eto ang pinakamatindi sa lahat:

11. Wala sa guhit ng palad mo ang magkaboyfriend ang saklap naman nito kung ganun nga. hindi purkit na hindi ka na magkakaboyfriend ay loser ka na. malamang may nakalaan na plano sayo! si Lord kaya gusto niya na wala kang boyfriend. siguro kaya wala kang boyfriend dahil kelangan ang full attention mo sa pagtulong sa pagtaguyod ng pamilya mo, baka yayaman ka at magiging tagapagmana mo mga pamangkin mo, baka kelangan ang full time and support mo sa organization mo...maraming dahilan eh pero nakakasiguro naman ako na walang bagay na nangyayari sayo na hindi kagustuhan ng nasa itaas. laging may greater purpose kung bakit nangyayari ang nangyayari. kaya kung halimbawang may darating, wag na pakyeme. kung hindi mo type ang lalapit sayo, let it go gracefully dahil mahirap na at baka balikan ka ng karma. kung nandyan na, gawin nalang ang best para magstay siya sa buhay mo at hindi ka na nagtataka pa kung bakit single ka.



happy valentine's na lang sa lahat! sana ..wag dumami ang populidad natin sa susunod na nine months! ssssshhhhhh

eto nanaman


tatlong taon na ako'y napapaisip sa twing sasapit ang araw ng mga puso..


paano nga ba ang mag mahal ng tunay? ito ba ay may kahalong katangahan?

Mr. Pogi


Oo nga. Sa tingin ko mas bagay ang maiksing buhok sa yo. Etong P200, magpaparlor ka dun sa David’s. Siguro maganda ang krapt kat sa iyo. Tama! Yun. Ok kaya kahit anong maiksi. Basta wag yung ganyan. Medyo di kanais-nais ang pagkakagupit ng barbero sa kanto eh. Tara patayin natin.

Tapos, hmmm, ahitin mo yang bigote mo mister. Hindi bagay sayo, mukha kang marusing. Tama! Ahitin mo ha! Teka lang. Kukuha ako ng bleyd. Eto. Tsaran! Tara dun sa banyo. Ahitin natin yan.

At sa tingin ko mas bagay kung bawasan natin ng konti yang kilay mo. Ha? Konti lang pramis. Para wag sya masyadong makapal. Teka. Kuha ako ng tsane. Sandali lang. Wag kang aalis ha.

Grabe mister. Ang pogi mo talaga! Ikaw ay isang Adonis! Pero sa tingin ko mas bagay sa’yong naka muscle syert. Tama. Wag na yang mga malalaking t-syert. Tsaka yang pantalon mo, palitan na natin ha. Maganda sa’yo tingnan yung uso ngayon, skinny pants ba yun? ! Pramis! Ang pogi mo nun!

At saka ano ba yan?! Parehas ata kayo ng brip na ginagamit ng lolo mo. Anlalaki! Mister, mag bents ka! Parang yung gamit ni Goma at Piolo. Mura lang yun! Tara, samahan kita mamaya. Punta tayo sa grinhils. Sa mga tsangge dun.

At ano ba yan? Tawas! Uso na ang deo-stik! Marami dyan. Merong sikret, merong reksona, merong seypgard, at iba pa. Naku naman. Makaluma mo naman masyado.

At saka tanggalin mo na yang salamin mo ha. Mag kontaks ka na lang.


Tapos, tapos… sige yan na lang muna.

Yun lang naman mahal. Pero alam mo. Sobrang pogi mo talaga. Para kang mga tala sa langit. Perpektong-perpekto. Konti lang naman ang gusto kong isingit sa kapogian mo. Pero hindi kita binabago. Walang dapat baguhin sa’yo pagkat ikaw ay sadyang adonis. Yun lang, sana wag mo masamain ang mga suhestyon ko. I lab yu!

sya nga pla, illusyon ko ang larawan na yan..hehe

bahid ng nakaraan

karaniwan pagkatapos ng pasko tayo ay nananaba dahil sa dami ng handaan at isa ako sa mga taong tinamaan ng ganyang uso, kaya naisip ko na magpapapayat na ako..dahil sa wala ng magkasya na tshirt sa akin..para na akong suman sa sikip! kaya sinimulan ko kahapon ang pagpapayat ko. eto ang mga ginawa ko kahapon.

1. hindi ako kumain ng kanin - medyo nglambot ako, pero sabi sa simula lang daw yun.
2. hindi na ako nag softdrinks - kayang kaya!
3. nag exercise ako sa hapon -hmm... hindi ko ata magagawa ng dibdiban ito
4. nag fit and right - napanood ko sa tv na nakakapayat daw..hmmm....tignan ko kung epektib. .. pero, kumulo ang tyan ko mga ilang oras pagkatapos ko inumin ang tatlong lata nito..hehehe... masakit na masakit.. nakakapang lambot! woooooooo!
5. nag xenical ako- asus!.. buong araw hanggang ngayon na naglalangis ang pwet ko!.. madulas sya...madilaw kapag nagbabanyo ako.. at merong bahid ng nakaraan sa aking panty..ahehehehe!..

at dahil sa mga experince ko kahapon, hindi ako nakapasok ngayon at dahil dun, naisip ko na maganda naman ako.. chaka na cguro pagpapapayat!..hehe!

subukan nyo ng ma experince nyo na experience ko...ako magpapapayat?hmmm.... bahala na!

;;