OA kung OA




ayoko ng mainit, ayoko ng masikip, ayoko ng mabahooo, ayoko ng putik. 'yan ang linya ni maricel soriano sa isa sa mga pelikula n'ya.

kung ako ang tatanungin, ayoko din n'yan. higit sa lahat, ayoko ng mainit. lalo na ang mainit na sikat ng araw. masakit sa ulo. kaya nga kapag tanghaling tirik na tirik ang araw at kailangan talagang lumabas, nagdadala ako ng payong at nagsusuot ako ng salamin sa mata. eh ano ba kung makakasalubong ako ng mga tao at titingnan nila ako na para bang gustong sabihin: "ang OA naman nito, nakapayong na, naka-shades pa!" OA na kung OA. basta ba di masakit ang ulo ko eh.

pero isang araw, nasopla ako ng pamangkin ko, na apat na taon pa lang nu'ng mga panahong 'yun, dahil sa hidden (pero minsan lantad) grudge ko sa init ng araw. maliligo ako noon isang tanghaling sobrang init talaga ng panahon. sa banyo namin, may blinds ang bintana. pumapasok ang sikat ng araw sa loob ng banyo kaya isinara ko ang blinds, sabay reklamong halatang di natutuwa: "ano ba naman 'tong araw na 'to, sobrang iniiiit!!!!!" di ko namalayan, nasa likod ko pala ang pamangkin ko na ugaling-ugali nang sundan ako kahit nasa loob na 'ko ng banyo. di ko pala naisara ang pinto. biglang nag-dialogue. "bakit, Diyos naman ang gumawa sa araw ah! galit ka ba sa Diyos?"

ano pa ba ang maisasagot ko dun kundi "syempre hindi!" pero di ko na s'ya sinagot. di na ako nakakibo. oo nga naman. may punto s'ya dun. bigla tuloy akong nahiya sa kanya, at sa Kanya. o sige na nga, ok na sa akin ang init ng sikat ng araw. papalitan ko na ang dialogue ko. eto na lang: ayoko ng mabahooo! hindi mo lang alam...dahil wala kang alam!!! pero s'yempre, ibang istorya na 'to.

parang kayo, pero hindi

.. nahalungkat ko lang bigla ito sa dati kong blog at naisip ko na parang maganda i post ngayon..bakit? dahil cguro.. NATATAKOT AKO.. baka ETO NANAMAN AKO...kakatpos lang ng unos sa buhay ko.. pero sa aking palagay bakit ganito nanaman ako ngayon...

Eto ang "parang kayo, pero hindi" ... bsahin nyo n lng...

Ang karamihan ang tawag dito ay MU or mutual understanding.
Pseudo-relationships.Pseudo-boyfriends,Pseudo-girlfriends. Flings.

Parang isang relasyon, pero hindi.
Ito ay isang stage na ang dalawang tao ay nag tuturingan ng higit sa magkaibigan, pero less than lovers, Puwedeng may verbal agreement, puwedeng wala. One or both of you may have admitted your feelings, possible ding hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo mag-dyowa. Pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi..( ay! ang gulo simula pa lang!)

Itong klase na relationship na ito, pwedeng mangyari sa ibat ibang pangyayri sa buhay ng tao.
Pwede mangyari pagkatapos ng break-up. Mahal niyo pa ang isat isa , at gusto niyo pa magkasama kayong dalawa pero, nag break kayo dahil meron rason. At sa kung ano man ang dahilan ng pag hihiwalay niyo, ayaw niyo na muna magkabalikan.

It can also happen before a relationship, iyong pareho kayong nakikiramdam. Possible din n ayaw niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna. Testing lang. (tama ba un?!)

Puwede ring, hindi puwedeng maging kayo kasi isa sa inyo may ka-relasyon na.

Kaya habang hindi pa siya nakikipag-break doon sa karelasyon niya (sabi niya makikipag-break siya soon pero di naman niya ginagawa) wala muna kayong relasyon para nga naman hindi siya nangangaliwa, kasi "hindi naman kayo."

Sa simula ng ganitong klaseng relastion, masaya, nakakakilig, ayos!, ok, walang commitment. Lalo na kung naghahanapka lang naman ng "KALARO."Pero huwag ka lang mag-e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan. Eh, bakit ang daming nagse-settle sa ganitong set up ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan? Iba't ibang dahilan.Puwedeng for fun lang. Puwedeng "buti na iyan kesa wala" o puwede na iyang "pantawid-gutom." Ibig sabihin, habang wala pa iyong the real thing. Doon muna sa kunwa-kunwarian.

Para sa mga na walang pang seryosong relasyon, iniisip nila minsan na pwede na ang ganitong klaseng relasyon kesa sa wala. Masaya! as in sobrang saya kung ang habol mo lang ay ang "kilig" . Pero, nalaman ko na kahit pala ito ay isang pseudo-relationship, the emotions were real.
sa madalit salita..

TOTOO na NARARAMDAMAN MO!
( HOY! BASAHIN MO ITO!...totoo nararamdaman ko!)

AT kadalasan, sa ganitong set-up, merong malulugi.. "ung na in love na.. "Una, you can't ask him to commit. Dahil it's not really a relationship, you can't demand commitment from your partner. Ano ba kayo? Hindi mo alam kung ano ba ang papel mo sa buhay niya. You can't expect him to be always there with you.

AT kapag dumating na ikaw ay magselos sa ibang babae, kimkim mo sa dibdib mo hanggang sumabog na lang, dahil wala ka karapatan mag selos. Ano ka ba niya para magselos? Pangalawa, papano kung talagang sobrang na in love ka na sa kanya? Wala kang din kasiguraduhan na parehas kayo ng nararamdaman, Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya...pero hindi naman pala.

At kahit gigil na gigil ka na at parang mamamatay ka na para sabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman mo na mahal mo siya, hindi mo naman magawa. Dahil, hindi mo lalo alam kung magugustuhan niya ang sasabihin mo o deadmahin ka lang niya. Baka mapahiya ka lang.

Etong klase na relasyon na ito, lagi ka na lang nagiisip, wala ka na katahimikan sa katagalan, kung.. nasa relasyon ka ba ngayon or meron ka ka relasyon.

Pangatlo, what if you become attached too much?
Paano kung binuhos mo ang 101% ng emotion mo sa kanya, tapos yung lalaki hindi naman pla ganun? Paano kung naging solid fan ka niya? ( loyalist baga!) tipong hindi ka na nakikipag date sa iba at tumatangap ng ligaw? Tapos, malaman laman mo, kaliwat kanan ang date niya sa ibang babae.

Isa pang downside ng pseudo-relationships, it is fleeting. (hindi ko alam sa tagalog! ..sorry po!)

Kapag nagkaroon na ng pagtatalo, o ang isa ay nanglamig na at nagsawa na sa ganitong resyon.. O kaya'y nakahanap ng ibang kaututan dila. TIGOK ka na!..yun na ang katapusan ng masasayang araw mo...Iiyak ka nanaman ng hindi niya nalalaman.

Hindi mo alam kung saan ka lulugar sa isang pseudo-relationship.

Wala kang pinanghahawakan.

Kasi sa pseudo- relationship,


there is no " US." Meron lang "YOU and ME" .Hindi "US".

" ferpek"


Hindi Ako "Ferpek".... Alam nyo, takot ako sa salitang "ferpek". Napakabigat na word. Grabe! Kaya naman siguro yan ang dahilan kung bakit tanging sa Diyos lamang nararapat ang pang-uri na yan, dahil Siya lamang ang makakabuhat ng mga problema at kasamaan ng buong sangkatauhan.

Nais ko ring maging "ferpek"...as in "ferpek" 10 baga ang katawan. Sinusumpa ko na yong malasalbabida kong taba na palaging nakaharang sa jeans, at laging nagpi-peek-a-boo sa blusa malapit sa aking tiyan. Hello!!---pakilagay naman ng safety pin at nakikita ako.

Gusto ko ring "ferpek" ang buhok ko kaya expirement kaagad sa lahat ng uri ng shampoo at conditioner na para lang sa kabayo o aloe vera o mayonnaise o kung anu-ano pa diyang serum, eh yon pala, gata lang ng niyog ang hinahanap.

Gusto ko ring "ferpek" ang skin ko kaya naliligo ako ng condensada...a este evaporada, at nagri-rinse ng mineral water. Di ba, panalo? Gusto ko rin yong mga kilay ko "ferpek"-ly trimmed. Yan ang ginagamit ko na pang akit ng mga kalalakihan..hehehe!:).

Pati yong lips ko nangangawit na sa kaka-pout dahil hindi naman talaga pout, pinapa-pout lang. Yong kuko ko, yong ilong ko (never mind, kapag nag kapera ako..tatangos din yan!), yong aking daliri at yong mala-siopao kong mukha. Hayy naku, ano ba itong paglalarawan ko sa sarili ko---ang pangit-pangit ko. Pero.....kahit siguro isilang ako muli, Mahal ko itsura ko na "pangit" and "imferpek".

Ilang ulit na rin akong nabigo sa pag-ibig noon dahil cguro, hindi ako kananais i-dekorasyon ng mga lalaki. Kaya nga dinadala ko na lang sa pag-i-smile ko kasi gumaganda ang tao pag galing sa puso ang isang ngiti. At saka nagkaka-cheek bones ako pag mag-smile ako.

Samadalit salita, ang aakalain nyo nawawalan ako ng self-esteem ngayon? Hindi uy!!! Nag-re-reality check lang po, dahil ito ang nagpapapakumbaba sa atin. Siguro yan ang dahilan kung bakit bawat isa sa atin may kapintasan sa katawan at sa ugali kahit na very successful na tayo.

Hinahayaan tayong magkamali at magbago ng Diyos hindi lamang dahil na mahal Niya tayo, kundi para hindi natin husgahan ang ating kapwa-tao. Kung may emosyon ako, may emosyon din sila na tulad ko. Kung may hiya ako, may hiya din sila. Patas lang.

Pero kahit na isinilang akong di singganda ng mga Miss Universe, mapalad pa rin akong ako ay ako. Binigyan ako ng mga bagay na para sa lipunan ay mediocre lang, pero para sa akin at sa Diyos ay malalaking bagay na. Ang hangad lamang Niya na tayo'y malapit sa Kanya.

Naku, basta ito lang yong philosophy ko, "ferpek" or "imferpek" basta huwag ka lang makaapak ng iba, lalo na yong may mga kalyo sa paa.

Anyway, okay lang kung ang goal mo ang magiging "ferpek" dahil sabi ni Papa Jesus, "be ferpek as the Heavenly Father is ferpek" di ba?

Oo nga pala, alam ko po ang correct spelling ng "perfect". =)

Tinalo ako ni Inday



Hindi ko alam kung paano nag simula ang INDAY jokes, bigla na lang ako nakatanggap ng ganung klaseng joke at nagakasunodsunod na......wala ako hilig mag send to all ng mga text na pinadadala sa akin..Bakit? hindi kasi ako marunong mag UNLITxt.. kaya sayang sa load sayang pa sa oras.. pero, minsan masarap pla makigulo sa latest craze ng jokes sa cellphone.

Natalo ako ni Inday, sa lalim ng mga Ingles nya.. hindi ko nakaya...nagdugo ang ilong ko!..Nakakatuwa pero, Ang galing kung sino man ang nakaisip nyan! MISMO ka kapatid! Eto ang mga tao na cguro.. hilig na hilig sa pag tetext at nagsawa na sa mga love tots..hehehe

eto ang nakalap kong tsismis tungkol kay inday…

Dahil sa tindi ng kahirapan sa probinsya, namasukan si Inday bilang katulong sa Maynila.
Habang ini-interview ng amo…

Amo: Kelangan namin ng katulong para mag ayos ng bahay, magluto,maglaba, magplantsa, mamalengke, at magbantay ng mga bata. Kaya moba ang lahat ng ito?

Inday: I believe that my trained skills and expertise in managementwith the use of standard tools, and my discipline and experience willcontribute significantly to the value of the work that you want, mycreativity, productivity and work-efficiency and the high quality ofoutcomes I can offer will boost the work progress.

Amo: [nosebleed]

Pumasok si Inday bilang katulong nina Ederlyn last June lang.. Baguhan siya kaya medyo wala pang masyadong alam sa pagiging katulong.. Isang araw, inutusan ni Ederlyn si Inday:

"Ederlyn: Inday! Pagkatapos mong maglaba, linisin mo buong bahay pati kisame at kaskasin mo yung tiles ng dalawang pool! Paliguan mo na yung tatlong aso at magluto ka na ng hapunan dahil maya-maya lang, darating na ang sir mo. Tapos, pumunta ka kina Mrs Rosales, dalhin mo yung apat na malalaking kahon. Bumili ka na din ng isang galing mantika, ketchup, toyo, 10 sardinas, 20 corned beef, 30 century tuna, 15 maling, at isang sakong bigas. Oh, heto pera. Sakto yan. Maglakad ka na lang at strike mga tricycle ngayon, okay?

Inday: **** INA MO!

Simula nun, nabuwisit na si Ederlyn sa kanya. Pero sa halip na sisantihin niya si Inday ay pinag-alsa balutan niya to at ipinadala sa Inglatera para doon mag-aral ng good manners and right conduct.Makalipas ang 2weeks, dahil crash course lang naman ang kinuha ni Inday (kagaya nang kay Angel Locsin) ay bumalik na ito at muling sumabak sa pagkakatulong.

Ngunit isang napakabagong Inday ang nasaksihan nina Ederlyn.

Ilang sa mga nakakadugong sagot ni inday:

The consistency was fine. But you see, it seems that the increased amount of sodium chloride (NaCl) affected the taste drastically and those actions are irreversible. I do apologize.

- nag-explain si Inday kung bakit maalat ang ulam.

" It's not that I don't like you. It's just that I feel we're still too young to entertainthoughts of fornication in the domicile of our employers. In fact, it's very immature to
insinuate that I don't reciprocateyour emotions just because I declineto perform an act of coitus with you. "
* Inday, niri-reject si Dodong na makipag-sex.

" Higher stock index and low flow of investments triggered inflation, thus, the peso is weak. "
* Dahilan ni Inday kung bakit mahal ang bigas.

Amo: Inday ! bakit nagka-rashes ang balat ni Junjun?!!!

Inday: "It's because the allergens triggered the immuneresponse. Eosinophilic migration occurs to the reaction site and there's a sudden release of chemotaxis and anaphylotoin including histamine and prostaglandins.These substances results to increase circulation to the site thus promotingredness...

"Amo: tissueeeee!!!dumudugo ilong ko.....!!!!

I'm still a human being, attracted to anyone my heart beats on, and I have my limitations in
contrlling my feelings. I have to push myself into not loving him. This is so wrong...
Si Inday na-inlove sa amo. Ibang level na talaga...

Physical stress and excessive work may result to serious damage to one's body.It is therefore essential that once in a whille,we take a break from our usual routine to replenish the lost energy we once had..
- sabi ni Inday sa amo nung humingi sya ng day off...

Amo: Inday bakit nagkalat ang basura sa likod na bahay?!

Inday: A change in the weather patterns might have occuredwreaking havoc to the sorroundings. The way the debrisare scattered indicates that the gust of wind was goingnortheast causing damage to the path it was heading for.

Amo: nosebleed to death....

"Don't limit my capacity in the 4 corners of this luxurious abode. Expose me to the real
challenges of the outside world. I want to grow as an individual with dynamic experiences."- Inday, nagrereklamo dahil ayaw isama sa Enchanted Kingdom.

The statute restricts me to love you but you have the provocation. The way you smile is the
proximate cause why I love you. We have some rules to think of. We have no vested rights to
love each other because the upper household dismissed my petition!"
- ganito nakipagbreak si Inday kay Dodong (driver ng kapitbahay)

sources: pinoyexchange, candymag

Tama na! Pagod na din ako..hehehe...

ang Hinaharap

Warning : RATED PG (Parental Guidance)


Kailangan ba talagang malaki ang boobs ng isang babae para magustuhan siya? Pano kung singlaki lang ng pisong pandesal? May manliligaw pa rin kaya?

Sa sariling opinyon ko, hindi naman talaga kelangang malaki ang boobs ng babae. Oo, asset na kung asset kung malaki. Pero hindi yun ang magiging basehan kung liligawan ka o hindi. Dapat, CARRY MO sister!

Sa totoo lang, may maling pananaw din kasi ang mga babae (at lalake) na kung malaki ang boobs ng isang babae, patok na patok siya sa lalake. Kumbaga, kelangan daw malaki ang boobs para magkaroon ka ng epekto sa mga male species. Pero hindi naman talaga di ba mga lalake? Di ba? Di ba? ( Ngyek! Hindi ba?)
Kahit anong sukat ng hinaharap mo, okey lang yan. Basta carry mo girl, rerespetuhin ka. Kung malaki ka man, be proud! But always make sure you don't disgrace yourself. Hindi boobs mo ang magbibigay sayo ng character mo. Kundi sarili mo.

At kung liligawan ka rin dahil sa boobs mo, naku sister, batukan mo na lang at hintayin ang Prince Charming mo. Obviously, may ibang gusto ang lalaki na yun sa iyo. At teka, kung malaki sayo, malaki rin ba kay boy? O ha, di ba! Dapat naisip mo yun! Hehehe. Para patas di ba.Hahaha!

At hindi naman mahalaga sa isang lalake ang malaking boobs eh. Di ba guys? Di ba!? (umaastang susuntok) hehehe!!!

PATAWAD Bro. MEL! sa artikulo ko ngayon! :)

;;