TRANSLATION:
MD: Nagkaregla ka na ba?
TERI: Oo, noong isang linggo pero tatlong araw lang.
MD: Sigurado ka ba na dugo yun?
TERI: Uhm, parang, kasi mapula-pula siya na parang kechup ng Jollibee
(Tawa mode!!! Hahaha!!!)
MD: Uhm, nagpaopera ka pala?
TERI: Teka sandali!!! Prangkahin mo nga ako, nagdududa ka ba kung babae ako o hindi?
MD: Teri, hindi mo ako masisisi na magduda sa pagkatao mo, sa record mo kasi wala kang matres, wala kang boobs, pero may Adam’s apple ka naman.
TERI: Hoy, hoy, hoy!!! Linawin mo nga sa akin. Baka hindi mo alam, isa akong sikat na artista sa America.
MD: Pero wala akong nakikitang matres.
TERI: Hindi yan totoo, kasi babae ako!
kakaiba talaga ang pinoy.. kapag rumesbak! hehe....
Anthony Castelo
-1-
nang dahil sa pag-ibig
tayo ngayo'y tao
nang dahil sa pag-ibig
tayo ay may puso
-2-
minsan ang mata natin ay may luha
minsa'y patawa-tawa
nang dahil sa pag-ibig
-3-
nang dahil sa pag-ibig
tao'y nagbabago
nang dahil sa pag-ibig
nag-iibang anyo
-4-
kung mayroon
pag-ibig sa bawat puso
mawawala ang galit sa mundo
-5-
nang dahil sa pag-ibig
mundo ay may kulay
nang dahil sa pag-ibig
pag-asa ay buhay
Pag-ibig nga naman...ano nga ba talaga ito? Sabi sa bibliya, pag-ibig ay pangkapayapaan. Eh, bakit kahapon lang may nabasa ako sa diyaryo, Sabi, "Ng dahil sa pag-ibig... pumatay!!!" ano ba yan? Minsan, sabi sa diyaryo: "Ng dahil sa pag-ibig ...pinatay!!! "Ano ba yan?..at ..eto pa ang isa..."Pag-ibig ang dahilan kaya nagpakamatay!!!"
Pag-ibig...pangkapayapaan...... dahil maraming papatay, namamatay, at nagpapakamatay. Eh, pag patay nga naman ang isang ta, payapa na di ba? Pero, eto nga ba ang tunay na pag-ibig? Sabi sa bibliya, "ang tunay na pag-ibig ay hindi mapag-imbot at di nagseselos.."
Yong kapitbahay namin...binugbog ng asawang lalaki,dahil pakiramdam ng lalaki, di na siya mahal ng babae dahil hindi raw marunong magselos... Paano ba yan? Umibig ka na nga...sumunod sa sinasabi ng biblia, e bugbog ka naman..
Gusto mo ba ito? Hindi di ba? kahit sino'ng tao ayaw mabugbog...masakit yan..Subukan mong pukpukin ng bato ang ulo mo...o kaya sampalin mo ng ubod lakas ang mukha mo..o di ba masaket?...Yon pa kayang ibang tao ang gagawa neto sa yo...
Pag-ibig...corny 'no?Sabi sa diyaryo..."ginahasa sa tindi ng pagmamahal!!! "Minsan... "Gumahasa sa tindi ng pag-ibig" Pero, ewan ko, wala pa akong nabasa na "Nagpagahasa dahil sa pag-ibig." Pero, bakit tayo masaya rito?Alam na natin ang kahihinatnan nito, pero..sige pa rin tayo...alam ng mabubuntis o makakabuntis. .. sige pa rin...masarap kasi..eheste ...masaya kasi ang feelings...pero ang tanong handa ka ba?
Ooops!...uuuy! nag-iisip siya....tama ba ang nasabi ko?...dapat sa pag-ibig..maging handa ka...Paano ba ito? ano ba ang ihahanda ko? magastos yata ito? Pagkain ba?...
Tumingin ka sa paligid mo...ang mga taong in-love daw kuno..o? ano sa palagay mo ang itsura nila..para silang baliw di ba?Kahihiwalay lang .... tatawag agad sa telepono...tapos magsasabi ng kung ano-anong kabulastugan...yun bang tinatawag na "sweet nothings"...Kung maglakad, akala mo mga talangka...
kapitan ng kapitan..
Sa sine... parang mga ibon...tukaan ng tukaan...himasan ng himasan...kamut dito ...kamot doon...Yakap dito... yakap doon.
ngayon ...ano ang dapat mong ihanda?
Di mo pa rin alam? Ay sus!
Ihanda mo ang sarili mo, bulsa mo, tanungin mo kung may kakayahan kang gumastos, magpakain, magpasensiya, maging matulungin, maunawain, mapaglambing, mapag-alala, mapagtiwala, ng walang takot at bahid dungis ng malisya, pang-iimbot, pagnanasa, pagkamasarili, at pagkasakim...
kaya mo?...kundi mo kaya, mag isip mabuti bago kung ano ang balak gawin, mag isip mabuti sa bawat init na dadaloy sa ating katawan, mag isip mabuti sa bawat sakit ng puson na mararamdaman, magisip mabuti sa bawat biglang liko na pupuntahan..
Yan ang dahil sa pag ibig... gumulo ang mundo mo...
"Sabado, Tayo'y biglang nagkatampuhan,
At pagsapit ng linggo giliw ako'y iyong iniwan "
depende sa kung pano natin nadadala ang mga sakit at pait na dulot ng pag-ibig pagkatapos ng tuwa't saya na naidulot nito sa una.. minsan nasisira tayo, minsan mas lalo tayong lumalakas... depende nga kung pano mo ito nadala sayong sarili... mahirap, masakit, nakakasira ng buhay... sa ingles, 'extremes' ang idinudulot ng pag-ibig... minsan, labis na tuwa at saya, minsan naman nakakasirang pighati at pait... kung namamatay siguro ang puso, pipiliin nating mamatay na lamang ito pagkatapos ng hinagpis na naidulot ng pagmamahal... pero hindi, mali... kelan man hindi namamatay ang puso... at kelan man hindi hinagpis o ano mang sakit ang idinudulot ng pagmamahal... kung nasasaktan man tayo, yun ay dahil hindi pa siguro nararapat at hindi pa ito ang pag-ibig na ukol para sa atin. para din yang lotto, kahit ilang ulit ka mang tumaya, kapag hindi mo pa panahon na manalo, di ka talaga mananalo...
"paalam na aking mahal.. kay hirap sabihin.."
kung magpapaalaman na, mas mainam kung magpapaalam ng maayos... mas masakit yung bigla ka na lang tatalikuran... kukurot nga sa puso pero maiintindihan mo naman ang paglisan ng iyong minamahal kung may maayos na pagpapaalam... masama yung bigla na lang tatalikod na wala man lang pasabi... para kang bata na iniwan ng nanay.. ngangawa ka talaga to the max... hanggang maputol ang mga litid mo sa leeg... at mababaliw ka sa kaiisip kung ano ang dahilan bakit ka iniwan... pangit ba ang hairstyle mo? madumi ba ang kuko mo? o iniwan ka dahil kinain mo yung banoffee na tinira nya para sa sarili nya... mababaliw ka nga naman.... kaya dapat kung maghihiwalay, o hindi mo like ang may like sayo, magpaalam ng maayos...
"sanay maulit muli..
ang mga oras nating nakaraan.."
oo nga naman... kung maari lang gawing video tape type ang mga pangyayari ng buhay kung saan lubos ang kasiyahan na naramdaman at abot langit ang mga namutawing ngiti sa mukha, siguro masaya at makulay lagi ang buhay... syempre, kokontrahin ko.. di pwede noh! kahit pa na-i-video mo ang mga masasayang pangyayari, iiyak at iiyak ka pa rin kapag napanood mo ito... malakas ang naging hagupit ng tadhana ng pag-ibig, na kahit pa alalahanin mo ang masasayang sandali, masasaktan ka pa rin... ang magandang gawin, bumili ng pirated dvd's ng kung anu-anong horror at comedy films, at mag-movie marathon na lang pag weekends.
"kapag tumibok ang puso,
wala ka na magagawa kung hindi sundin ito" kung nabibili lang ang puso, tulad ng puso ng saging, pag-iipunan ko talaga ito upang mabili ko lamang ang puso ng taong gustong gusto ko... pero di naman nabibili ang puso... kahit bayaran mo pa ng limpak limpak na salapi, kapag tumibok na ito sa isa pang puso na nais niyang maging karugtong, wala ka ng magagawa kundi sundin ito.
"But still it’s a mystery of how you ever came to me, Which only proves Love moves in mysterious ways "
umibig ka ngayon.. umibig ka bukas... umibig ka ng umibig...wag mawawalan ng pag asa.. habang may buhay may pag asa, siguraduhin mo lang na sa bawat pag-ibig na dinadaanan mo, kapag ito'y hindi ukol, at least meron ka man lang napulot na aral.. at least meron ka man lang natutunan... at sana naging mas matatag ka at mas malakas... para sa susunod , go go go fight pa rin .
sabi nga ni kris, "i have loved, and i have been hurt.. but ill love again, and again, and again.." oh diba? kung kaya ni kris aquino kaya mo rin..kaya ko rin...
" Lead me Lord, lead me by the hand
And make me face the rising sun
Comfort me through all the pain
That life may bring
There's no other hope
That I can lean upon ."
nagbibigay pag-asa sa mga broken hearted... tama nga naman.. dapat sa susunod na iibig ka, alam mo na ang dapat gawin...at lagi natin isama sa ating relasyon si LORD... wag lang puso ang pairalin kundi pati utak... hindi masama ang magpakatanga sa pag-ibig, masama lang kung aabusuhin mo ang pagiging tanga... kaya the next time you fall in love, wag natin kakalimutan si Lord sa kasayahan, dahil madalas naaalala lang natin Siya twing nasasaktan na atyo at nasasabi.. "Lord, tulungan mo na ako, Mahal ko si siya"..
.
Inakala ko na lubusang mali ang pamamaraan ng pagmamahal na itinanim at umusbong sa utak ko. Inakala ko na kailangan ko pang matuto at hanapin sa kung saang lupalop ng mundo ang tamang pagmamahal na sinasabi.
Ng isipan ko ang mga bagay na iyan, ay nalaman ko na ako pala ang mali sa pagiisip na hindi wasto ang aking pamamaraan. Marahil ay may mga mali, may labis, o may pagkukulang, pero hindi naman ito sukdulan. Hindi ako perpekto at kailangan ko rin matuto. Hindi ako Diyos na alam ang lahat.
Masama bang mangarap na ika’y makasama ko habangbuhay? Masama bang iparamdam ko at ipakita na sayo ako kumukuha ng lakas? Masama bang ibigay ko ang lahat ng kaya kong ibigay para lang sa pagmamahal? At higit sa lahat, masama ba na gamitin ang puso sa pagmamahal ng higit sa utak?
Maaring mali na mag-ilusyon ako na tayo’y panghabang buhay, ngunit tanging ang mga sinabi mo lamang at ang mga nagyayari sa akin ang naging basehan na kaya kong ibigay ang “habang-buhay” ko sayo at lubusang inakala na gagawin mo rin ito.
Tama ka. Nakalimutan ko na malawak ang karagatan at hinayaan ko ang sarili kong anurin sa kawalan. Tama na kahit ano mang tingin natin sa paligid ay mananatiling dagat ang masusulyapan natin. Ngunit mali ng sabihin mo na ano mang pagtatangkang languyin ang magkabilang dulo, ay walang katapusang tubig ang ating mararating.
Alam natin na kung ating susubukan lamang ay may lupa tayong tatapakan pagkatapos ng malawak na karagatan. Huwag lang tayong panghihinaan ng loob. Huwag lang tayong mabubulag sa asul na tubig na ating nakikita. Bilog ang mundo kaya’t hindi mo pa nakikita na may lupang sinasablayan ang tubig dagat.
Nabuhay tayo hindi para pasanin ang lahat ng problema sa mundo. Isa-isa natin itong susubukang lutasin. At habang ginagawa ito, unti-unti tayong natututo at nalalaman ang tamang paraan ng pag-resulba ng problema, at ang mga natutunan natin ay maaring magamit natin sa mga mas malalaking pasanin na darating.
Maaring nagkamali ka sa kung ano man ang naging desisyon mo. At maaaring hindi rin naman, dahil ito ang pagkakaunawa mo sa dapat na itakbo ng buhay mo. Pero sa mga ganitong pagkakataon, kailangan ay unawain ang anumang desisyon o pangyayari sa paligid ntin. Tulad nga ng nabanggit – “hindi tayo Diyos”. Nagkakamali tayo. At tulad ng Diyos, dapat ay marunong tayong magpatawad. At bilang tao ay marapat lamang na alamin natin ang ating mga kakayahan. At sa bawat pagkadapa natin, ibang tayo ang muling dapat na bumangon ng walang sinisising iba.
Bilog ang mundo. Hahayaan na lang ba natin na paulit-ulit ang mangyayari sa atin?
Bilog ang mundo. Hahayaan na lang ba natin na tayo ay masaktan dahil sa ating pagkakamali? Hindi ba tayo matututo?
Bilog ang mundo. Hahayaan na lang ba natin na patuloy tayong makasakit ng kapwa? Bilog ang mundo. Hindi ka ba sasabay sa pagikot nito? O tatayo ka na lang sa kinatatayuan mo at hahayaang iikot ang mundo ng hindi mo ginagawa ang bahagi mo bilang tao.
Bilog ang mundo.