hugis puso ba ang mundo?


Inakala ko na lubusang mali ang pamamaraan ng pagmamahal na itinanim at umusbong sa utak ko. Inakala ko na kailangan ko pang matuto at hanapin sa kung saang lupalop ng mundo ang tamang pagmamahal na sinasabi.

Ng isipan ko ang mga bagay na iyan, ay nalaman ko na ako pala ang mali sa pagiisip na hindi wasto ang aking pamamaraan. Marahil ay may mga mali, may labis, o may pagkukulang, pero hindi naman ito sukdulan. Hindi ako perpekto at kailangan ko rin matuto. Hindi ako Diyos na alam ang lahat.

Masama bang mangarap na ika’y makasama ko habangbuhay? Masama bang iparamdam ko at ipakita na sayo ako kumukuha ng lakas? Masama bang ibigay ko ang lahat ng kaya kong ibigay para lang sa pagmamahal? At higit sa lahat, masama ba na gamitin ang puso sa pagmamahal ng higit sa utak?


Maaring mali ng minsan akong sumandal sayo at tuluyang makalimutan na may ibang tao sa paligid ko na maaring pagkunan ng lakas. Pero ang ibigay sayo ang lahat ng kayang kong ibigay ay lubusan kong pinaniniwalaang tama. Dahil alam ko na sa pamamaraan mo ay nakukuha ko rin at boluntaryo mo itong naibibigay - ang enerhiya na nawawala sa akin dahil sa paglipat nito sayo.

Maaring mali na mag-ilusyon ako na tayo’y panghabang buhay, ngunit tanging ang mga sinabi mo lamang at ang mga nagyayari sa akin ang naging basehan na kaya kong ibigay ang “habang-buhay” ko sayo at lubusang inakala na gagawin mo rin ito.

Tama ka. Nakalimutan ko na malawak ang karagatan at hinayaan ko ang sarili kong anurin sa kawalan. Tama na kahit ano mang tingin natin sa paligid ay mananatiling dagat ang masusulyapan natin. Ngunit mali ng sabihin mo na ano mang pagtatangkang languyin ang magkabilang dulo, ay walang katapusang tubig ang ating mararating.

Alam natin na kung ating susubukan lamang ay may lupa tayong tatapakan pagkatapos ng malawak na karagatan. Huwag lang tayong panghihinaan ng loob. Huwag lang tayong mabubulag sa asul na tubig na ating nakikita. Bilog ang mundo kaya’t hindi mo pa nakikita na may lupang sinasablayan ang tubig dagat.

Nabuhay tayo hindi para pasanin ang lahat ng problema sa mundo. Isa-isa natin itong susubukang lutasin. At habang ginagawa ito, unti-unti tayong natututo at nalalaman ang tamang paraan ng pag-resulba ng problema, at ang mga natutunan natin ay maaring magamit natin sa mga mas malalaking pasanin na darating.

Maaring nagkamali ka sa kung ano man ang naging desisyon mo. At maaaring hindi rin naman, dahil ito ang pagkakaunawa mo sa dapat na itakbo ng buhay mo. Pero sa mga ganitong pagkakataon, kailangan ay unawain ang anumang desisyon o pangyayari sa paligid ntin. Tulad nga ng nabanggit – “hindi tayo Diyos”. Nagkakamali tayo. At tulad ng Diyos, dapat ay marunong tayong magpatawad. At bilang tao ay marapat lamang na alamin natin ang ating mga kakayahan. At sa bawat pagkadapa natin, ibang tayo ang muling dapat na bumangon ng walang sinisising iba.

Bilog ang mundo. Hahayaan na lang ba natin na paulit-ulit ang mangyayari sa atin?

Bilog ang mundo. Hahayaan na lang ba natin na tayo ay masaktan dahil sa ating pagkakamali? Hindi ba tayo matututo?

Bilog ang mundo. Hahayaan na lang ba natin na patuloy tayong makasakit ng kapwa? Bilog ang mundo. Hindi ka ba sasabay sa pagikot nito? O tatayo ka na lang sa kinatatayuan mo at hahayaang iikot ang mundo ng hindi mo ginagawa ang bahagi mo bilang tao.

Bilog ang mundo.

8 Comments:

  1. Mel Avila Alarilla said...
    Wow, nagbalik na yung dating Kurdapya na nakilala ko. Welkam back my frend. Nababatak ang kahusayan mo sa pagsulat pag nanggagaling sa puso mo ang sinusulat mo. Nangyari na rin sa akin nuon na binabalanse ko ang post ko kung ano yung mabenta o kung ano ang nilalaman nang puso ko. Mas magiging tutuo ka kung ang nilalaman nang puso mo ang isusulat mo dahil ikaw iyun, walang halong pagkukunwari. Ang mga kwelang post ay mabenta sa una pero sa kalaunan ay pagsasawaan din. Pero ang artikulong galing sa puso ay hindi kailanman masasayang dahil ito'y sumasalamin sa tunay na damdamin.
    At ang puso ay nakakaunawa sa kapwa puso. Kaya mamaya Miss Kurdapya ay maghanap ka nang kilawing puso nang saging para mas maging madamdamin ang artikulo mo. He, he, he, Hindi na baleng puro windang ang artikulo mo. Bagay ka naman duon. He, he, he. Masarap kasing magpakatutuo, hinde bah? Bye muna and sana wala kang nasagasaang kaluluwa sa sementeryo nuong undas. God bless.
    Hindi-nagpakilala said...
    Ano ito?

    Tapos na ang undas pero nagluluksa ang iyong puso.

    Madalas sinasabi nila na mas dapat sundin ang utak kaysa puso dahil iyon ang talagang dahilan kung bakit inilagay na mas mataas ang utak sa puso...pucha! asan ang logic don?

    at sabi rin nila na kung walang puso, wala ri ang utak? yan na ang panggulo...

    pero ang mahalaga, ang puso ang nagpapahayag nag tunay na damdamin ng isang tao. hindi pwedeng lokohin o di kayay paglaruan ng minsay mapag kunwaring utak...
    david santos said...
    My friend, Please!

    Send an email to the Brazil embassj your country and repor the injustice that the brazilian courts are making with this girl
    Release on Flavia’s accident and status of the process.

    The resignation is to stop the evolution. (David Santos in times without end)

    Thank you
    Hindi-nagpakilala said...
    anak ng pitumput pitong puting tupa.
    ang lalim non ah.
    di ko madig mare.
    hahaha

    hindi ba
    kapag nasasaktan ang puso
    utak ang pinapagana?
    sa totoo lang
    kawawa ang utak
    hahaha

    sabaw na utak ko e
    dahil laging nasasaktan
    ang puso
    kapow.
    hahaha

    meron lang talagang
    mga tamang panahon
    para gamitin
    ang tamang parte
    ng katawan.
    hahaha
    Miss Kurdapya said...
    Kuya Mel,

    Alam mo naman ako.. kung sino talaga ako.. kapag nakanti ang puso ko, eh.. lumalabas lahat ng laman nito..hehe.

    pero, alam mo din ang pagiging clown ko..hehehe... kaya hindi maiwasan na maglagay ng nakakatawa..

    musta na pla si TUKMOL??? wala na ako balita ha?
    Miss Kurdapya said...
    HI KINGDADDYRICH,

    ikaw ba yan? oo tapos na nga ang UNDAS pero, alam ng karamihan na matagal ng nag lulusa ang aking puso.. cguro nakukubli lang ng iba kong artikulo dahil gusto ko na magbago..

    Pero, ikaw ay tama.. na kahit gusto ng utak,, kung ayaw ng puso.. mahirap talaga!

    God Bless.. guru!
    Miss Kurdapya said...
    DaviD Santos,

    thanks for the post...and for the information..

    have a nice day David.
    Miss Kurdapya said...
    XIENAHGIRL,

    hahaha! parehas tayong sabaw ang utak? dahil laging nasasaktan? masarap din yun parang taho..

    nyek.. ano ba yun? hehehe

Post a Comment