Nang dahil sa pag ibig

Nang Dahil Sa Pag-ibig
Anthony Castelo

-1-
nang dahil sa pag-ibig
tayo ngayo'y tao
nang dahil sa pag-ibig
tayo ay may puso
-2-
minsan ang mata natin ay may luha
minsa'y patawa-tawa
nang dahil sa pag-ibig
-3-
nang dahil sa pag-ibig
tao'y nagbabago
nang dahil sa pag-ibig
nag-iibang anyo
-4-
kung mayroon
pag-ibig sa bawat puso
mawawala ang galit sa mundo
-5-
nang dahil sa pag-ibig
mundo ay may kulay
nang dahil sa pag-ibig
pag-asa ay buhay

hay naku! una sa lahat, ako'y nahirapan para hanapin ang kantang yan. naalala ko pa ako ata ay grade 1 o 3 ng naririnig ko yan na sikat na sikat sa telebisyon at ng mga panahun na yon hindi komaintindihan ang ibig sabihin ng kantang yan hanggang ngayon.. magulo pa din...... Pag ibig nga naman..... isang damdamin na mahirap dalirutin ng ating kaisipan. isa itong nakatagong anyo ng ating puso na bigla na lang lilitaw na kusa sa ating sarili upang bigyan tayo ng kaisipang hanapin ang tunay nating damdamin at pagkatao...

Pag-ibig nga naman...ano nga ba talaga ito? Sabi sa bibliya, pag-ibig ay pangkapayapaan. Eh, bakit kahapon lang may nabasa ako sa diyaryo, Sabi, "Ng dahil sa pag-ibig... pumatay!!!" ano ba yan? Minsan, sabi sa diyaryo: "Ng dahil sa pag-ibig ...pinatay!!! "Ano ba yan?..at ..eto pa ang isa..."Pag-ibig ang dahilan kaya nagpakamatay!!!"

Pag-ibig...pangkapayapaan...... dahil maraming papatay, namamatay, at nagpapakamatay. Eh, pag patay nga naman ang isang ta, payapa na di ba? Pero, eto nga ba ang tunay na pag-ibig? Sabi sa bibliya, "ang tunay na pag-ibig ay hindi mapag-imbot at di nagseselos.."

Yong kapitbahay namin...binugbog ng asawang lalaki,dahil pakiramdam ng lalaki, di na siya mahal ng babae dahil hindi raw marunong magselos... Paano ba yan? Umibig ka na nga...sumunod sa sinasabi ng biblia, e bugbog ka naman..

Gusto mo ba ito? Hindi di ba? kahit sino'ng tao ayaw mabugbog...masakit yan..Subukan mong pukpukin ng bato ang ulo mo...o kaya sampalin mo ng ubod lakas ang mukha mo..o di ba masaket?...Yon pa kayang ibang tao ang gagawa neto sa yo...

Pag-ibig...corny 'no?Sabi sa diyaryo..."ginahasa sa tindi ng pagmamahal!!! "Minsan... "Gumahasa sa tindi ng pag-ibig" Pero, ewan ko, wala pa akong nabasa na "Nagpagahasa dahil sa pag-ibig." Pero, bakit tayo masaya rito?Alam na natin ang kahihinatnan nito, pero..sige pa rin tayo...alam ng mabubuntis o makakabuntis. .. sige pa rin...masarap kasi..eheste ...masaya kasi ang feelings...pero ang tanong handa ka ba?

Ooops!...uuuy! nag-iisip siya....tama ba ang nasabi ko?...dapat sa pag-ibig..maging handa ka...Paano ba ito? ano ba ang ihahanda ko? magastos yata ito? Pagkain ba?...

Tumingin ka sa paligid mo...ang mga taong in-love daw kuno..o? ano sa palagay mo ang itsura nila..para silang baliw di ba?Kahihiwalay lang .... tatawag agad sa telepono...tapos magsasabi ng kung ano-anong kabulastugan...yun bang tinatawag na "sweet nothings"...Kung maglakad, akala mo mga talangka...
kapitan ng kapitan..

Sa sine... parang mga ibon...tukaan ng tukaan...himasan ng himasan...kamut dito ...kamot doon...Yakap dito... yakap doon.

ngayon ...ano ang dapat mong ihanda?
Di mo pa rin alam? Ay sus!

Ihanda mo ang sarili mo, bulsa mo, tanungin mo kung may kakayahan kang gumastos, magpakain, magpasensiya, maging matulungin, maunawain, mapaglambing, mapag-alala, mapagtiwala, ng walang takot at bahid dungis ng malisya, pang-iimbot, pagnanasa, pagkamasarili, at pagkasakim...

kaya mo?...kundi mo kaya, mag isip mabuti bago kung ano ang balak gawin, mag isip mabuti sa bawat init na dadaloy sa ating katawan, mag isip mabuti sa bawat sakit ng puson na mararamdaman, magisip mabuti sa bawat biglang liko na pupuntahan..

Yan ang dahil sa pag ibig... gumulo ang mundo mo...

13 Comments:

  1. Hindi-nagpakilala said...
    parang awa mo na
    miss kurdapya--
    tantanan na ang love entries.
    hahaha

    einubeh?
    paano naman kami
    na nakamove on na
    at pinapaalala mo ang mga
    ganyan ganyan?
    Mel Avila Alarilla said...
    Ang gulo talaga nang pakahulugan mo sa pagibig. Marami kasi ang pakahulugan nang pagibig at iba iba rin ang basa nang bawat tao tungkol dito. Base siguro yun sa sariling mga karanasan. Iba kasi ang pakahulugan nang paibig sa Bibliya kaya binanggit duon na ito ay kapayapaan. Ang pagibig sa Bibliya ay pagibig na galing sa Diyos at inililipat lang natin sa kapwa tao. Iba rin ang pagibig sa pagnanasa. Kaya pag ginahasa nang isang lalake ang isang babae, hindi pagibig yun kundi pagnanasa. Kwela yun post mo. God bless and have a wonderful weekend.
    Hindi-nagpakilala said...
    nang dahil sa pagibig
    natutong magtiis

    nang dahil sa pagibig
    nagmahal ng lubos


    diba may ganun ding kanta!?

    ;)
    mrs.j said...
    alam m may kantang ganyan si tootsie guevarra..

    ng dahil sa pag ibig..

    "ng dahil sa pagibig natutung magtiis
    ng dahil sa pagibig nagmahal ng lubos..."

    un lang share ko lang
    Diablo said...
    ateng, ar yu syur, u dnt write profesyunali?
    Miss Kurdapya said...
    XIENAHGIRL,

    alam mo, kafatid... ang pag ibig habang sinasaktan ka.. lalo masarap pagusapan... waaaa!!!

    sadista ang dating!
    Miss Kurdapya said...
    KUYA MEL,

    alam mo naman kuya.. kapag magulo puso ko.. damay utak ko.. aheheh.. parang hindi ka na nasanay! hehe... musta ka na?
    Miss Kurdapya said...
    KINGDADDYRICH,

    hindi ko ata alam yan ha?..pero.. ng dahil sa pag ibig.. gumulo mundo ko..hehe
    Miss Kurdapya said...
    MRS.J,

    ano title? hehe.... ng makanta..heheh
    Miss Kurdapya said...
    CRISTIAN CARLO,

    sabi sayo.. kapag bigo.. dun lang..hehehe
    Emmyrose said...
    hay sister, ano ba yang pa-ibig na yan' nakakawindang :)

    btw, i got you tagged :)

    http://emmyrose1028.blogspot.com/2007/11/five-annoying-things.html
    BURAOT said...
    nakanaks! puro lablayfs!
    Unknown said...
    hello ms. kurdapya wala lang po hehe ayos ah pero ako naman eh hindi ganyan ang pananaw sa pag ibig.

Post a Comment