Awit ng Pag-ibig


"Sabado, Tayo'y biglang nagkatampuhan,
At pagsapit ng linggo giliw ako'y iyong iniwan "

depende sa kung pano natin nadadala ang mga sakit at pait na dulot ng pag-ibig pagkatapos ng tuwa't saya na naidulot nito sa una.. minsan nasisira tayo, minsan mas lalo tayong lumalakas... depende nga kung pano mo ito nadala sayong sarili... mahirap, masakit, nakakasira ng buhay... sa ingles, 'extremes' ang idinudulot ng pag-ibig... minsan, labis na tuwa at saya, minsan naman nakakasirang pighati at pait... kung namamatay siguro ang puso, pipiliin nating mamatay na lamang ito pagkatapos ng hinagpis na naidulot ng pagmamahal... pero hindi, mali... kelan man hindi namamatay ang puso... at kelan man hindi hinagpis o ano mang sakit ang idinudulot ng pagmamahal... kung nasasaktan man tayo, yun ay dahil hindi pa siguro nararapat at hindi pa ito ang pag-ibig na ukol para sa atin. para din yang lotto, kahit ilang ulit ka mang tumaya, kapag hindi mo pa panahon na manalo, di ka talaga mananalo...

"paalam na aking mahal.. kay hirap sabihin.."

kung magpapaalaman na, mas mainam kung magpapaalam ng maayos... mas masakit yung bigla ka na lang tatalikuran... kukurot nga sa puso pero maiintindihan mo naman ang paglisan ng iyong minamahal kung may maayos na pagpapaalam... masama yung bigla na lang tatalikod na wala man lang pasabi... para kang bata na iniwan ng nanay.. ngangawa ka talaga to the max... hanggang maputol ang mga litid mo sa leeg... at mababaliw ka sa kaiisip kung ano ang dahilan bakit ka iniwan... pangit ba ang hairstyle mo? madumi ba ang kuko mo? o iniwan ka dahil kinain mo yung banoffee na tinira nya para sa sarili nya... mababaliw ka nga naman.... kaya dapat kung maghihiwalay, o hindi mo like ang may like sayo, magpaalam ng maayos...

"sanay maulit muli..
ang mga oras nating nakaraan.."


oo nga naman... kung maari lang gawing video tape type ang mga pangyayari ng buhay kung saan lubos ang kasiyahan na naramdaman at abot langit ang mga namutawing ngiti sa mukha, siguro masaya at makulay lagi ang buhay... syempre, kokontrahin ko.. di pwede noh! kahit pa na-i-video mo ang mga masasayang pangyayari, iiyak at iiyak ka pa rin kapag napanood mo ito... malakas ang naging hagupit ng tadhana ng pag-ibig, na kahit pa alalahanin mo ang masasayang sandali, masasaktan ka pa rin... ang magandang gawin, bumili ng pirated dvd's ng kung anu-anong horror at comedy films, at mag-movie marathon na lang pag weekends.

"kapag tumibok ang puso,
wala ka na magagawa kung hindi sundin ito
" kung nabibili lang ang puso, tulad ng puso ng saging, pag-iipunan ko talaga ito upang mabili ko lamang ang puso ng taong gustong gusto ko... pero di naman nabibili ang puso... kahit bayaran mo pa ng limpak limpak na salapi, kapag tumibok na ito sa isa pang puso na nais niyang maging karugtong, wala ka ng magagawa kundi sundin ito.

"But still it’s a mystery of how you ever came to me, Which only proves Love moves in mysterious ways "

umibig ka ngayon.. umibig ka bukas... umibig ka ng umibig...wag mawawalan ng pag asa.. habang may buhay may pag asa, siguraduhin mo lang na sa bawat pag-ibig na dinadaanan mo, kapag ito'y hindi ukol, at least meron ka man lang napulot na aral.. at least meron ka man lang natutunan... at sana naging mas matatag ka at mas malakas... para sa susunod , go go go fight pa rin .

sabi nga ni kris, "i have loved, and i have been hurt.. but ill love again, and again, and again.." oh diba? kung kaya ni kris aquino kaya mo rin..kaya ko rin...

" Lead me Lord, lead me by the hand
And make me face the rising sun
Comfort me through all the pain
That life may bring
There's no other hope
That I can lean upon
."

nagbibigay pag-asa sa mga broken hearted... tama nga naman.. dapat sa susunod na iibig ka, alam mo na ang dapat gawin...at lagi natin isama sa ating relasyon si LORD... wag lang puso ang pairalin kundi pati utak... hindi masama ang magpakatanga sa pag-ibig, masama lang kung aabusuhin mo ang pagiging tanga... kaya the next time you fall in love, wag natin kakalimutan si Lord sa kasayahan, dahil madalas naaalala lang natin Siya twing nasasaktan na atyo at nasasabi.. "Lord, tulungan mo na ako, Mahal ko si siya"..

.

13 Comments:

  1. FerBert said...
    wow kasali ang peborit kong isang linggong pag-ibig... apir!
    Diablo said...
    pwede na itong pagsimulan ng thesis ko ah. damn, this post is so REAL.
    Mel Avila Alarilla said...
    Nararamdaman ko ang tibok nang puso mo sa post mong ito. Yun ang nagagawa kapag sumulat ka mula sa puso. Madamdamin at sinsero ang dating. Hindi napepeke ang damdamin. Okay lang yun Kurdapya kung nasaktan ka sa dati mong love, at least natuto ka nang maraming bagay bagay na ikinaka kumpleto nang iyong buhay. Mas naging matatag ka at philosophical sa outlook mo sa buhay. At sa susunod na pagkakataon ay alam na alam mo na ang iyong gagawin. Hindi ka na magpapaka head over heels sa kabaliwan sa pagibig. Level headed ka na, kasi naumpog ka na. Talaga namang ganuon, kailangang masaktan muna tayo nang labis para malaman natin kung ano ang mas mahahalagang bagay sa ating buhay. Hindi yung happy go lucky at come what may attitude sa buhay. Minsan lang tayong mabuhay sa mundo, bakit hindi nating gawing makabuluhan iyon para hindi naman masayang ang nagiisa nating buhay. Food for thought lang kaibigan. Ngiti naman diyan. God bless and have a wonderful and fun filled day.
    Hindi-nagpakilala said...
    nakakaasar ka naman e.
    ahaha

    pareho tayo
    ng kalagayan
    ng puso ngayon
    wag mo na masyado
    banggitin ang mga yan
    naalala ko rin pati
    yung buhay pagibig ko e
    nagmomove on na nga.
    eto naman
    tsk tsk

    yaan mo
    keri natin to
    :)
    Diablo said...
    ikembot mo nalang daw ng ikembot miss kurdi. ^_^
    Emmyrose said...
    hay sister, napaawit mo ako sa post mo na yan' I love it :)
    Hindi-nagpakilala said...
    dalawang magkasunod na post na about love ah..

    in love ka ba ate kurdapya?!

    inspayrd na inspayrd eh

    ;)

    ang puso nagiging makata pag nagmamahal!
    Miss Kurdapya said...
    FER BERT,
    salamat sa pag daan... IMELDA PAPIN FAN KA DIN?
    Miss Kurdapya said...
    CRISTIAN CARLO,

    GO! GO! GO!..kung feel na feel mo sistah! :)
    Miss Kurdapya said...
    KUYA MEL,

    hahaha! ikaw talaga kuya mel, pinapagalitan mo ako kapag yung masalamuot na lab life ko sinusulat ko o kaya kapag malungkot.. awang awa ka sa akin...

    kapag panay kalokohan naman.....parang hindi ako?? hay!..ang kuya ko talaga!

    Enjoy ur day!
    Miss Kurdapya said...
    XIENAHGIRL,

    haha.. ganyan lang naman ang buhay ng nagmamahal at nabibigo.. parepareho.. at nag iiba lang ay ang character ng story..

    wow!
    Miss Kurdapya said...
    EMMYROSE,

    ganyan ata ang in labs... napapakanta..hmmm.. nagbunga na ba ang pagmamahalan sister?
    Miss Kurdapya said...
    KINGDADDYRICH,

    hmm.. everyday.. in lab ako..bwahahaha!...mas masarap kasi kapag pag ibig na isususlat mo..kahit tungkol sa kabiguan.. hehe!

    kaso, napapagalitan ako minsan ni Kuya mel, lapag panay sakit nababasa nya...hehehe

Post a Comment