Masipag naman ako kung tutuusin. kahit sabihin kong ayoko susunod pa din ako. bago nga ako matulog pinaplano ko kung ano ang gagawin ko kinabukasan para naman me kabuluhan ang buhay ko... ahehehe... katulad kanina, nilinis ko sasakyan ko. bukas di ko pa alam gagawin ko. nilinis na kasi ni inday lahat. siguro pag di umulan papaliguan ko yung mga aso. pero dati inubo yung aso naming isa nung pinaliguan ko. kumakahol tas biglang uubo. garalgal tuloy yung pag tahol nya. di swabe. wag nalang kaya. linisin ko nalang kaya yung kwarto ko? o kaya matulog? o kaya mangapitbahay at maki inom ng juice? o kaya magbasa ng libro?
Balik tayo sa usapang lamok.....Pagkapatay ko nung lamok na kumagat sakin, kagad kong pinisa ang katawan nya para lumabas ang dugo kong nanalaytay sa katawan niya sa loob ng labinglimang segundo. ang hirap isipin na maraming tao ang takot sa blood extraction at karayom gayong ang mga lamok naman ay walang pakundangang sumisipsip ng ating dugo ng hindi natin namamalayan. Mapapansin mo nalang na nangangati ka na puro pantal na ang iyong braso."Tamad ho yan, alas dose na kung bumangon" pero lima lang naman yung katamaran ko, kundi ako nanonood ng television, nagiinternet ako, kundi ako na nonood ng television at nagiinternet, nakaupo ako sa harap ng television at nag so sudoku, kundi ako nanonood ng television at nagiinternet at nakaupo sa harap ng television at nag so sudoku,nakahiga sa kama at naglalaro ng Atari sa selpon,kundi ako na nonood ng television at nagiinternet, nakaupo ako sa harap ng television at nag so sudoku, o di nakahiga sa kama at naglalaro ng Atari sa selpon ko, nakaupo lang ako sa monoblock at pumapatay ng lamok.
tamad ba? hehehe!