ang tipo kong lalaki




Kaninang umaga habang kumakain ng almusal, hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naalaala yung kanta ni DJ Alvaro nung bata pa ako...(bata pa din naman ako hanggang ngayon!) “Ang tipo kong lalaki, maginoo pero medyo bastos…” Ano kaya ang ibig niyang ipakahulugan doon? Siyempre gusto niya maginoo, pero bakit naman gusto pa niya medyo bastos? Sa pag-iisip kong ito, napaisip rin ako kung ano ba ang tipo kong lalaki.
eto ang mga katangian na hinanap hanap ko.
Noong ako ay nasa 3rd year High School pa lang eto hanap ko...
1. Gwapo - syempre kailangan ito para pang display sa mga classmate at maingit sila.
2. Galing sa eskwelahan tulad ng Ateneo, LaSalle, San Beda- syempre may dating!
3. Konyo
4. Mestizo
5. Mayaman - para kapag nag date siya taya
6. Popular sa Iskul niya
7. Laging nagbibigay ng Sulat- di pa uso text nun.. .hallmark greeting cards pa lang ulo..
8. Laging dumadalaw
9. Sweet
10. Matalino
11. Masarap ka usap
12. Merong Pandesal sa tyan
13. Matipuno
Ng ako ay tumuntong ng Kolehiyo
1. Gwapo - syempre kailangan ito para pang display sa mga classmate at maingit sila.
2. Graduate ng sa eskwelahan tulad ng Ateneo, LaSalle, San Beda- syempre may dating!
3. Laging tumatawag at text - medyo pa uso na ang cellphone Nokia 2110 nito
4. Laging dumadalaw
5. Sweet
6. Masarap ka usap
7. Single
8. Maganda ang kurso - iniisip ko syempre future namin
9. May sasakyan - ayaw ko mag dyip kapag mag date
10. Galante -sino ba may gusto ng kuripot
11. Kapag tinitignan ka pa lang parang binabastos ka na! --ahehehe!.. wag na kayo kumontra!
Ng ako ay naka Graduate ng ng kolehiyo at pagkatapos ng ilang taon... napansin ko.. pabawas na ng pabawas ang tipo kong lalake..
eto na lang sya ...
1. Single
2. Good provider
3. Presentable
4. Kapag tinitignan ka pa lang parang binabastos ka na! --ahehehe!..
walang paki alamanan sabi eh!
ang pinag aalala ko... baka kapag dating ng panahon...
eto na lang ang tipo kong lalaki.

1. Basta't Lalaki!

...sya nga pla.....
hindi naman ako naghahanap pa eh.. kasi natagpuan ko na ang tipo kong lalaki!..

sya ay...
1. Mabait
2. Sweet
3. Single
4. Presentable
5. Madasalin at may takot sa Dyos..
at higit sa lahat....
6. Kapag tinitignan ka pa lang parang binabastos ka na! --ahehehe!..
wag na kayo kumontra sabi eh!

9 Comments:

  1. Hindi-nagpakilala said...
    kaya ka ba nawala
    kasi hinanap mo siya?
    ikeee

    basta ako:
    matalino
    madaldal
    nakakatawa

    pwede na.
    :)
    RedLan said...
    haha. hindi mawawala sa listahan ang maginoo pero medyo bastos. yung tipong sa tingin sadista na.
    FerBert said...
    2110? 5110 lang inabutan ko..
    Hindi-nagpakilala said...
    he he sis minsan need natin malaman kung medyo me pagka B mahirap un sobrang gentleman kasi baka bading pala he he hindi ka pala type akala lang natin gentleman,joke lang po baka pagalitan ako ni tito mel he he he...

    hmmm sya na ba un??? o me iba?si MR boquet of roses ba hehehehehe. Im happy for you
    Miss Kurdapya said...
    XIENAH,
    kahit kamukha pa ni cheetaeh? pwede na? ahwehehe
    Miss Kurdapya said...
    REDLAN,

    mismo.. yung ang pamatay sa lahat! tingin pa lang.. nakakamatay na..ahehehe..

    ganun ka ba tumingin ha?
    Miss Kurdapya said...
    FERBERT,

    hehe.... napaghahalata ba ang edad? 2110? bwehehe...wag ka na lang maingay!
    Miss Kurdapya said...
    MOCCALYN,

    isa lang masasabi ko.. mas ok ang tipo mong lalaki! ahehehe.. nakita ko na ang ebidensya!

    miss you sis.. kita naman tayo ulit!
    Hindi-nagpakilala said...
    mahirap yung "basta lalaki" kasi pwedeng lalaki nga siya pero lalaki din ang gusto. ahahaha. mahirap makipagkumpitensya dun. =P

Post a Comment