Oo nga. Sa tingin ko mas bagay ang maiksing buhok sa yo. Etong P200, magpaparlor ka dun sa David’s. Siguro maganda ang krapt kat sa iyo. Tama! Yun. Ok kaya kahit anong maiksi. Basta wag yung ganyan. Medyo di kanais-nais ang pagkakagupit ng barbero sa kanto eh. Tara patayin natin.
Tapos, hmmm, ahitin mo yang bigote mo mister. Hindi bagay sayo, mukha kang marusing. Tama! Ahitin mo ha! Teka lang. Kukuha ako ng bleyd. Eto. Tsaran! Tara dun sa banyo. Ahitin natin yan.
At sa tingin ko mas bagay kung bawasan natin ng konti yang kilay mo. Ha? Konti lang pramis. Para wag sya masyadong makapal. Teka. Kuha ako ng tsane. Sandali lang. Wag kang aalis ha.
Grabe mister. Ang pogi mo talaga! Ikaw ay isang Adonis! Pero sa tingin ko mas bagay sa’yong naka muscle syert. Tama. Wag na yang mga malalaking t-syert. Tsaka yang pantalon mo, palitan na natin ha. Maganda sa’yo tingnan yung uso ngayon, skinny pants ba yun? ! Pramis! Ang pogi mo nun!
At saka ano ba yan?! Parehas ata kayo ng brip na ginagamit ng lolo mo. Anlalaki! Mister, mag bents ka! Parang yung gamit ni Goma at Piolo. Mura lang yun! Tara, samahan kita mamaya. Punta tayo sa grinhils. Sa mga tsangge dun.
At ano ba yan? Tawas! Uso na ang deo-stik! Marami dyan. Merong sikret, merong reksona, merong seypgard, at iba pa. Naku naman. Makaluma mo naman masyado.
At saka tanggalin mo na yang salamin mo ha. Mag kontaks ka na lang.
Tapos, tapos… sige yan na lang muna.
Yun lang naman mahal. Pero alam mo. Sobrang pogi mo talaga. Para kang mga tala sa langit. Perpektong-perpekto. Konti lang naman ang gusto kong isingit sa kapogian mo. Pero hindi kita binabago. Walang dapat baguhin sa’yo pagkat ikaw ay sadyang adonis. Yun lang, sana wag mo masamain ang mga suhestyon ko. I lab yu!
sya nga pla, illusyon ko ang larawan na yan..hehe
ang mahal naman ng gupit?
40 pesos lang sa barbero
ano yun?
kasama pa pangload
pamasahe at meryenda?
ano yung tinatakpan
niya mare?
ano yun?
hahaha
Galit ang babae kapag sila ay pinapagbago pero sila ay binabago din ang lalaking magustuhan nila. Meron tayong mga ideal sa ating ispan pero mali naman na ating pilitin ang isang nilalang na magbago para sa ideal na iyon. God bless.
he ehe...
sa tanong mo sa blog ko, naexperience ko na yan...
andon sa Banyo Scene postko..
hhe he
pero in fairness... go go go! ang cute din ng fafa mo, ateng. ^_^
Kumusta ka na? Malapit na ang graduation ko sa March. Gagraduate na ako sa Prep. at next year ay grade one na ako. Sana ay okay ka at hindi nagkakasakit. Bye now and God bless you all.