walang kwenta ito

Kung ang mga ito ay nakakapag salita lamang... eto ang sasabihin nila....

"pinapaikot mo lang ako!
nagsasawa na ako!
Mabuti pa ay patayin mo
nalang ako!"

- ELECTRIC FAN

"Hala!
Sige at magpakasawa ka! Alam ko naman na katawan
ko lang ang habol mo!"

- HIPON

"Ayoko na!
Pag nagmamahal ako
palagi nalang maraming
nagagalit.
Wala na ba akong karapatan
magmahal?"

- GASOLINA

"Ginawa ko naman ang lahat
para sumaya ka.
Mahirap ba talaga sa iyo
makuntento sa isa?
Bakit palipat lipat ka?"

- T.V.

"Bakit ako nalang parati ang
pinagiinitan niyo?"

-TAKORE

"Ako na ang natapakan,
Siya pa ang nagalit!!!"

-TAE


"Pagkatapos mo'kong bola-bolahin,
patatalsikin mo lang ako."


- Kulangot



araw araw nakatatangap ko ang ganitong klaseng text, eto na ang pumalit kay Inday! asus!..

dugtungan nyo nga?..

5 Comments:

  1. Mel Avila Alarilla said...
    Hi Miss Kurdapya,
    Nakakatawa naman ang mga naipon mong mga salawikain. Actually, hindi naman sila tutuong salawikain pero pwede na rin. Saan mo ba sila napagpupulot? He, he, he, Pero okay naman dahil kwela sila. Salamat sa nakatutuwa mong post. God bless you and your family always.
    RedLan said...
    Idugtong mo na lang ang nasa post ko na wala ka. Magkapareho talaga tayo. Yan ang connection sa text. hehehe
    Miss Kurdapya said...
    mel,

    nabuo yan ng mga taong..walang magawa sa buhay pagmulat ng mata.

    pero isipin mo din?? ang galing nila noh? para maisip yan..hehehe
    Miss Kurdapya said...
    REDLAN,

    oo nga.. tawa ako ng tawa... hindi kaya textmate tayo? hehehe
    Hindi-nagpakilala said...
    ...ako ang magpapahirap sa'yo habang ika'y nabubuhay para mamatay kang mayaman.....
    LIFE INSURANCE

    ...money is not everything...ako rin....
    MASTERCARD

Post a Comment