tamad ba?


Eto ang ayaw ko pagkatapos umulan. naglipana ang mga insekto. kanina pa ko kinakagat ng letseng lamok na yan e. naka tatlong pantal. gutom na gutom siya siguro. sabi "wow ang taba nitong host na ito, madaming dugong masisipsip" buzzbuzzbuzzz..

tamad daw ako sabi ng nanay ko. kanina kasi naglinis sya. sobrang sinipag. kwarto ko nga lang ang di nya nilinis e. pati yung mga damit ko inayos. "tamad ka!" apat lang naman yun e, kundi ako nanonood ng television, nagiinternet ako, kundi nagiinternet, nakaupo ako sa harap ng television at nag so sudoku, kundi nakaharap sa television at nag so sudoku, nakahiga sa kama at nag tetetxt or nagkakalikot ng selpon. ganon lang naman ako.

Masipag naman ako kung tutuusin. kahit sabihin kong ayoko susunod pa din ako. bago nga ako matulog pinaplano ko kung ano ang gagawin ko kinabukasan para naman me kabuluhan ang buhay ko... ahehehe... katulad kanina, nilinis ko sasakyan ko. bukas di ko pa alam gagawin ko. nilinis na kasi ni inday lahat. siguro pag di umulan papaliguan ko yung mga aso. pero dati inubo yung aso naming isa nung pinaliguan ko. kumakahol tas biglang uubo. garalgal tuloy yung pag tahol nya. di swabe. wag nalang kaya. linisin ko nalang kaya yung kwarto ko? o kaya matulog? o kaya mangapitbahay at maki inom ng juice? o kaya magbasa ng libro?

Balik tayo sa usapang lamok.....Pagkapatay ko nung lamok na kumagat sakin, kagad kong pinisa ang katawan nya para lumabas ang dugo kong nanalaytay sa katawan niya sa loob ng labinglimang segundo. ang hirap isipin na maraming tao ang takot sa blood extraction at karayom gayong ang mga lamok naman ay walang pakundangang sumisipsip ng ating dugo ng hindi natin namamalayan. Mapapansin mo nalang na nangangati ka na puro pantal na ang iyong braso.

"Tamad ho yan, alas dose na kung bumangon" pero lima lang naman yung katamaran ko, kundi ako nanonood ng television, nagiinternet ako, kundi ako na nonood ng television at nagiinternet, nakaupo ako sa harap ng television at nag so sudoku, kundi ako nanonood ng television at nagiinternet at nakaupo sa harap ng television at nag so sudoku,nakahiga sa kama at naglalaro ng Atari sa selpon,kundi ako na nonood ng television at nagiinternet, nakaupo ako sa harap ng television at nag so sudoku, o di nakahiga sa kama at naglalaro ng Atari sa selpon ko, nakaupo lang ako sa monoblock at pumapatay ng lamok.

tamad ba? hehehe!

10 Comments:

  1. KRIS JASPER said...
    Di ka tamad, tinatamad ka lng. Actually dami mo ngang ginagawa eh.. Im sure kulang ang 24 hrs sa u. hehe..

    anw, thanks po sa pagbisita sa site ko.
    Hindi-nagpakilala said...
    masustansiya ka raw kasi
    :)
    Mel Avila Alarilla said...
    Hi Miss Kurdapya,
    Hindi ka tamad, bored ka lang. Boring kasi yung pagikot nang buhay sa iyo. Parang isang cycle na paikoy ikot lang. Sa tingin ko pag matagal ka na sa routine mo ay tatamarin ka rin nang husto. Lumabas ka naman at mag paaraw. Baka maging katulad ka ni Dracula sa putla pag nakakulong ka lang palagi sa loob. Maraming mapapasyalan. Circulate my friend para magising naman ang iyong dugo. Hanggang dito na lang my friend and God bless you. Have a wonderful and pleasant time always.
    FerBert said...
    wow! next time pag wala akong ginagawa maghahanap na lang ako ng lamok na papatayin.. kung walang lamok, siguro pwede na yung mga langaw, kung walang langaw langgam na lang, kung walang langgam ipis na lang, kung walang ipis wala na papatayin ko na lang sarili ko.. tsk tsk tsk
    Princess Heidi said...
    Hi Miss Kurdapya,
    Buti naman at nakabalik ka na. Akala ko talagang iniwan mo na ang pag bablog. Wala namang problema sa lamok. Gumamit ka lang nang off at wala nang kagat. Simple lang di bah?
    Bye na muna. God bless.
    Miss Kurdapya said...
    Kris-jasper angel,

    akala mo lang..pero tamad ako..ahehehe...
    pero..baka nga hindi.. tinamad lang ako ..hehe ano ba yun?
    Miss Kurdapya said...
    xienah,

    ay! mm..pinagandang salita ng MATABA AKO YUN! hehehe
    Miss Kurdapya said...
    KUYA MEL,

    naku! takot ako sa raw.. alam mo naman.. ayaw ko umitim...
    manood kaya ako ng bold na palabas ng umikot ang dugo ko? ahehehe....joke!
    Miss Kurdapya said...
    FERBERT,

    maki baka! ipagpatuloy mo yan kapatid..basta wag kang papatay ng tao..at gusto ko pa makabasa ng blog mo..hehe
    Miss Kurdapya said...
    PRINCESS HEIDI,

    Hi baby!..musta ang little girl ni daddy?..

    cge, gagamit ako ng OFF lotion..ikaw ba ay gumagamit nung? uso denge ngayon..kaya gagamit ka din ha?

    papasyal ako sa blog mo.. promise!

Post a Comment