Pig......sa

pigsa. {X/N} Pangngalan
Huwag mong pisain ang pigsa.
Pigsa.
Ito ay parang namamamagang mamaso sa katawan na bunga ng impeksiyon.
Masakit ang pigsa. Ang balat sa paligid nito ay mamula-mula at mainit sa pakiramdam.

anak ng kamote! merong tumubong pigsa sa pisngi ng pwet ko! eto cguro ay dulot na kakakin ko ng itlog at mani! ng isang buong linggo..( ay! ang sama ng kombinasyon!) mantakin mo, kagabi akala ko ay maliit na pimple lang, kinutkot ko..pag gising ko ay isang nagmumurang PIGSA NA! Hindi ako makaupo ng maayos sa sasakyan, dahil parang merong bato na nakaumbok sa pisngi ng pwet ko, at napaka sakit kung kamanti lang, at eto pa,
ang bwisit kong kakilala (hindi naman kami close) ay biglang hinampas ng notebook ang pwet ko kanina! gusto ko syang suntukin sa sakit! napa SHET na lang ako at napa wooooo! hindi ko naman masabi na may pigsa ako sa pisngi ng pwet at baka, pag tripan!

humanda sa akin yang balyena na yan! at kapag ako ay naka tyempo na, lalagyan ko ng madaming sili ang baon ko, tutal, lagi sya kuha ng kuha ng ulam ko araw araw ng mamaga ang tumbong niya!

kung kayo? ano gagawin nyo kapag paluin ang pwet nyo ng libro at may pigsa din kayo?

sya nga pala... pasensya na kayo at hindi ako makakapag lagay ng picture ng pigsa ko sa pwet!

6 Comments:

  1. Hindi-nagpakilala said...
    pigsaing bata ka pala
    haha

    di pa ako
    nagkakaroon nun e
    di ka kasi siguro
    naghuhusgas ng pwet
    Miss Kurdapya said...
    xienah,

    pers tym na ako ay pinigsa! hu hu hu!
    bakit? dapat ba naghuhugas ng pwet? hehehehe...
    Mel Avila Alarilla said...
    Hi Miss Kurdapya,
    Sabi ng matatanda, ang pigsa raw ay bunga ng mainit na panahon. Baka naman kulang ka lang sa paligo? Pero sabi naman ng mga doctor, ito raw ay virus. Kung ano man iyon ay medyo nagkulang ka yata sa pagiingat. Nagagamot naman iyan at kusang natatanggal sa paglipas ng panahon. Medyo iwasan mo munang lumabas dahil mahirap umupo ng hindi direcho. Sana inilagay mo yung litrato ng pigsa mo dito. He, he, he, pagpistahan siguro ang blog mo. He, he, he, Bye muna. God bless you and your family.
    FerBert said...
    Di ko pa nararanasan magkapigsa...
    haha..
    natatawa ako dito sa post mo..
    Miss Kurdapya said...
    Kuya mel,
    oo nagagamot at ito ay malapit ng pumutok! hehe.. pero.. hindi na ako makakapag tangga sa summer..hehe
    Miss Kurdapya said...
    Ferbert,

    wag ka mag alala.. isasama ko sa hiling ko na magka pigsa ka ng maranasan mo naman..hehehehe

    hindi naman ako madamot eh..

Post a Comment