bahid ng nakaraan

karaniwan pagkatapos ng pasko tayo ay nananaba dahil sa dami ng handaan at isa ako sa mga taong tinamaan ng ganyang uso, kaya naisip ko na magpapapayat na ako..dahil sa wala ng magkasya na tshirt sa akin..para na akong suman sa sikip! kaya sinimulan ko kahapon ang pagpapayat ko. eto ang mga ginawa ko kahapon.

1. hindi ako kumain ng kanin - medyo nglambot ako, pero sabi sa simula lang daw yun.
2. hindi na ako nag softdrinks - kayang kaya!
3. nag exercise ako sa hapon -hmm... hindi ko ata magagawa ng dibdiban ito
4. nag fit and right - napanood ko sa tv na nakakapayat daw..hmmm....tignan ko kung epektib. .. pero, kumulo ang tyan ko mga ilang oras pagkatapos ko inumin ang tatlong lata nito..hehehe... masakit na masakit.. nakakapang lambot! woooooooo!
5. nag xenical ako- asus!.. buong araw hanggang ngayon na naglalangis ang pwet ko!.. madulas sya...madilaw kapag nagbabanyo ako.. at merong bahid ng nakaraan sa aking panty..ahehehehe!..

at dahil sa mga experince ko kahapon, hindi ako nakapasok ngayon at dahil dun, naisip ko na maganda naman ako.. chaka na cguro pagpapapayat!..hehe!

subukan nyo ng ma experince nyo na experience ko...ako magpapapayat?hmmm.... bahala na!

9 Comments:

  1. Mel Avila Alarilla said...
    Hi Miss Kurdapya,
    Merong natural way nang pagpapapayat. Eto ay ang fasting pero kailangang pious ang intention mo at hindi para lang maging sexy. Pag nag fasting ka at nagbasa ng word of God sa Bible, hindi ka lang papayat, mapapalapit ka pa kay Lord. Bakit hindi mo subukan minsan, wala namang mawawala? Salamat sa post mo. God bless you and your family always.
    Jeniffer said...
    haha.. buti na lang at baby fats lang meron ako? *nyek*, kung hindi kailangan ko din ng pampayat simula nung pasko..
    FerBert said...
    xenical.. wow mayaman ka kurdapya.. haha..
    Miss Kurdapya said...
    Jennifer,

    kahit merong baby fats ka... ingatan mo..at dun nagsisismula ang bilbil na tumubo sa kaliwa at kanan ko na bewang..hehehe
    Miss Kurdapya said...
    ferbert, ( Tanging alien ko) ahehehehe

    hindi ako mayaman.... desperado tawag dun! ahehehe
    Abad said...
    Wow, pagpapapayat talaga unang tumambad sa'kin. Haha. Good luck!
    Miss Kurdapya said...
    abad.. salamat sa pagdaan kaibigan!
    kingdaddyrich said...
    pare pareho ang kinalalabasan ng mga taong umiinom ng xenical...

    hay nako..

    pero hindi ko pa na try.. wala naman akong balak magpapayat.. sa katawan kong ito baka maiinggit pa si Piolo...

    he h hehe....
    rara said...
    hi miss kurdapya! haha pareho pala tayo ngaung desperadang magpapapayat. pero sa ngayon ay hanggang fit n right muna ako. bawala kasi sakin yung mga xenical-fitrum na mga pills hehe. saka nagte-treadmill ako ngaun, sana umepek

Post a Comment