alay sa araw ng undas

KAYO NA ANG BAHALA SA MGA SUMUSUNOD NA LITRATO....alay sa araw ng UNDAS!










ang karamihan sa mga litrato na ito ay kuha ni michael sulivan..maraming salamat!..:)



HalloweenHalloween


patotot



Ito na ang huli kong pagsali ng patintero . Ang hirap kasi magbantay ng home, lalo na kung ikaw ang binabantayan. Sinabayan ko na nga ang bilis ng mga binti mo, tinapatan ko pa ang bawat sugod mo - sa kaliwa, sa kanan, tas sa kaliwa uli, tas sa kanan nanaman! Halos mapigtal na nga sa balikat ko ang mga brasao kong banat na banat na sa pagkakadipa. Hinding-hindi ko talaga inalis ang mga mata ko sa 'yo. Kaya naman, kakabantay ko sa 'yo, naharang nga kita. May iba namang naka-home. Talo pa din ako. Bad trip.

Kaya ito na ang huli kong pagsali ng patintero.

Susubukan ko naman ang taguan next time o kaya tats d kulor..hehe

Minsan may kaibigan ako na nag nagtanong sakin na bakit may mga lalaking gago.

...ang sabi ko, ang mga lalaki parang champorado.

'Di ko alam kung ano ang iniisip ko non at nasabi ko yun. 'Di naman ako kumakain ng champorado nang mga panahong yon. 'Di ko naman paborito ang champorado. Pero natutuwa ako lalo na't maganda ang pagkaka-twirl ng gatas sa ibabaw nito. Bukod don, wala naman akong espesyal na pag ka akit sa champorado...'di naman kami close. Pero yun ang ginawa kong analohiya para ma-liwanagan at ma pawi ang lungkot ng kaibigan ko. siguro tulad ng isang mainit na champorado kapag bumabagyo at tila naka kulong ang lahat sa second floor ng bahay dahil lubog na sa baha ang first floor. Sabayan mo pa ng maalat na tuyo! Sus!

So, ganon na nga...ang mga lalaki, parang champorado.

O, pwede mong makita ang iba't ibang klase ng mga lalake sa pamamagitan ng champorado. 'Di ko talaga alam kung bakit champorado ang naisip ko. .

May mga champorado (read: lalaki) na matabang.
Yung tipong kelangan mo pang lagyan ng gatas at tantsa-tantsahin kung sakto na ba sa panglasa mo yung tamis. Sa isang banda, ok lang naman yung matabang kasi yung ibang tao, gusto yung sila mismo nag titimpla. Iba iba din kasi tipo ng mga tao. Yung iba gusto yung sobrang tamis. Oo nga masarap nga ang matamis, pero pag tagal tagal, sasakit ang ngipin. At ma-rerealize mo na shet, dapat di puro matamis eh. Nakatago kasi sa sarap at tamis yung mga imperfections kadalasan. Sa sobrang tamis, di mo na napapansin na sobra pala pagkaluto nung bigas. O kaya naman, para lang di mapansin yung labnaw nung champorado, tinatamisan nalang. Mahirap mapaliwanag ang mga tao, kaya yung ibang nagluluto ng champorado, tinatabangan nalang.
Pero, meron ding ibang appeal at sense of fulfillment kapag na transform mo yung matabang na champorado at nahuli mo yung saktong sarap niya.

Asahan mong kapag ang gatas sa champorado ay sobrang perpekto ng pag kakabilog sa ibabaw nito o kaya eh parang kumokorteng bulaklak ang gatas, eh baka alanganin ito. yung may saboy pa ng cinnamon at dark chocolate. aba, di na champorado ito...metrosexual na champorado o kaya eh talagang champorada na ito...may mga babaeng type ang mga ganitong malalanding mga champorado.

Ang mga champoradong malabnaw...
maingay...higupin. Ang mga ganitong champorado, parang walang laman. puro ingay lang. di mo mararamdaman ang laman dahil paghigop mo eh diretso na sa lalamunan. sabagay, kung ganito ka labnaw ang champorado mo at wala ka nang magawa. sikmurain mo na nga lang. malamang di ito ginamitan ng malagkit na bigas ng nanay niya.

Champoradong malapot naman, ayos sana...wag lang sosobra sa lapot.
pag sobra kasi sa lapot mahirap pakisamahan...
parang ayaw magpakain.
didikit sa kutsara yan, sa mangkok, at kung saan saan.
gusto niya siya ang bida...pahihirapan ka talaga.

Konti lang naman ang klase ng champorado eh...nagiiba lang din kung anong panahon mo ito kakainin, tsaka sa temperatura nito.
May maputla, meron ding sunog na champorado.
May mainit, may sobrang lamig naman.
pero eto...

Lahat ng champorado, ginamitan man ng malagkit na bigas o puro normal lang na sinandomeng...lahat ng champorado, may kulangot. Oo, kulangot. Sa ilalim ng cocoa, ng chocolate, may naka kubling kulangot. nag papanggap, naghihintay na matuklasan.
may maliit at di kapansin-pansin.
ang mga tulad nito, walang epekto dahil nasasapawan na ito ng sarap. pwede nang palagpasin.
pero meron ding malaki at malupit na kulangot.
yung mga tipong lumilitaw lang kapag patapos ka na, at sarap na sarap na sana sa pagkain.
tapos matutuklasan mo na may napakalaki pang champorado. at huli na ang lahat. huli na para mandiri dahil nakalahati mo na ang champorado mo. itutuloy mo pa ba ang pagkain? mag panggap na parang wala lang ito? magugulat ka ba at itatapon oraorada ang natitirang mangkok at isusuka pa ang nasa sikmura mo na?

lahat ng champorado, may kulangot. sa aking karanasan, mas mabuti pang ipakita na ang natatagong kulangot...ang natatagong baho, natatagong tabang at kung ano ano pang kapintasan. ipakita na kung anong klaseng champorado ka. bahala na kung may magkagusto, o kaya kung may magtitiis sayo.

sa mga kakain at may hawak na na champorado ngayon, sipat sipatin niyo na kung gaano kalaki ang kulangot nito. kung kulay berde ba ito, kung may buhok. amuy amuyin at tikman kung anong lasa nito. at sa pag tuklas mo ng mga kapintasan nito, isipin mo ng mabuti kung patuloy mo bang isusubo ito o hindi. kung kelangan bang dagdagan ng asukal, kung kulang sa lapot o sobra. kung dapat bang i-init ito, o hipan para lumamig ng konti.

tandaan mo din na kahit gaano kasarap ng champorado mo, may mga panahon na mag sasawa ka, masusuya ka. 'Di sa lahat ng panahon, masarap ang champorado. pero pag sigurado ka na at sinulat mo na ang initial ng pangalan mo gamit ang gatas sa ibabaw ng champorado mo, panindigan mo ito. At tanggapin ang katotohanan na lahat ng champorado, may kulangot.

piliin mo yung lasa at korteng kanin.
itapon mo yung mabaho at mabuhok.
basagin mo pa yung mangkok kung kailangan.

matuto kang makuntento.
matuto kang di makuntento.
huwag ka magtanga tangahan.

wag hayaang lumaki ang kulangot sa champorado.

ano ba yan? ..hehe...syanga pla, illusyon ko lang ang tungkol sa kulangot ng champurado, at baka hindi na kayo kumain nito. hehehehe!

ano nga ba?


naglalaro ang mga pamangkin ko kanina na dapat mag ingles sila at kung sino ang mag tagalog magbabayad ng piso isang salit. naalala ko na ganito din kami nung ako ay nasa elementarya ....At habang naglalaro sila lumapit ang pamangkin ko at bumulong. ng . "Tita, ANO ANG INGLES NG LIBAG ?" natigilan ako at napaisip..o sadyang hindi ko lang alam?..ano nga ba? alam nyo ba? dahil wala ako nasagot sa tanong niya... hay.. di ako papatulugin nito..

alay kay pulding



salamat kaibigang PULDING para sa larawan na pahatid hangin mo sa akin dahil ako ay isang ututin. hehehe!

kung gusto nyo masiyahan, pasyalan niyo ang blog niya, at sigurado ako na mawiwili kayo, huwag lang humingi ng x-link dahil, selosa daw ang gelpren nya! wakekek!

ututin


ang dami ko kinain kanina, kumain ng mangga, piyaya, chocolates at buko ice candy, barbecue at pizza.... ano bang nakakautot sa mga yan?? grabe e.. utot talaga ko ng utot maghapon.. hobby ko na nga kanina eh..

Merong nagsabi sa akin na madaming klase ng utot?Pero ako merong alam na pitong klase lamang. Merong utot na walang amoy, utot na mabaho, utot na malakas, utot na mahina, utot na makapal, utot na may kasama, at utot na blue.
Hmmm...himay himayin natin at alamin sila...

Ang utot na walang amoy.
Pinaka-safe sa lahat ng utot, lalo na pag wala itong tunog na maririnig ng ka date mo.

Ang utot na mabaho.
Itong utot na to, delikado kasi pahamak to. Nakakahiya pag umutot ka ng ganito lalo na pag dalawa lang kayo at sigurado yung isa na hindi sya ang umutot!

Ang utot na malakas.
Pahamak din tong utot na to kasi hindi mo mapagkaka-ilang ikaw ang umutot. Kadalasan ang utot na ito ay walang amoy kahit na malakas ang tunog.

Ang utot na mahina.
Ang utot na mahina ay mas ok kesa sa utot na malakas dahil pwede ka pang makalusot na kunwari ay hindi ka umutot. Pero yan e kung utot na walang amoy ang kapartner nya. Ngunit, ang utot na mahina ay kadalasan, isang malaking pasabog ang amoy.

Ang utot na makapal.
Ito ay subclass ng utot na mabaho. Pero di katulad ng karamihan sa mabuhong utot na sandali lang e wala na lalo na pag hindi kulob ang lugar, ang utot na makapal ay parang ayaw kang lubayan o parang nakasuspinde lang sya sa ere. Dahil makapal ang utot na to, may tendency itong kumapit sa damit mo parang usok ng yosi at madadala mo ito kahit saan ka magpunta. Nangyari na sakin yan. Habang nag-aantay ako ng elevator, umutot ako. Pagpasok ko ng elevator, aba, mantakin nyong sinundan ako ng utot! Buti nalang magaling ako magpanggap at kunwari e may naamoy akong mabaho at sabay sabi ko “Bat ambaho?”.

Ang utot na may kasama.
Ito ang pinakabadtrip at delikado na utot sa lahat. Mahina man o malakas, mabaho man o hindi, mabwibwisit ka kasi kakailanganin mo ng magpalit ng brief o panty pagnangyari to. Makakarelate dito yung mga madalas magka LBM o mga first time mag Xenical.

Ang utot na blue.
Hindi ko alam kung san to nagmula pero, ilang beses ko tong narinig. Pero ni minsan e hindi ko nakita. Baka kathang-isip lang ang utot na to. Madalas maririnig mo to sa mga grupong nag-aasaran. Maya’t maya may sumisigaw ng “Utot mo blue!!!”.

Kayo? ano klaseng utot alam nyo? ano klase ang utot nyo?


***Paumanhin sa mga SALITA na mababasa niyo, ang karamihan dito ay hindi angkop sa mga BATA***

sa sobrang katutuwan ko sa mga salitang balbal na nasabi na din ni KINGDADDYRICH meron na siya dating article tungkol dito, hindi pa din niya ako mapipigilan na maghanap ng ibang salitang balbal..hehehe! patawad kingdaddy! hehehe...

sa ngayon.. eto mga nahanap ko, at eto na ang IKALAWANG YUGTO ng SALITANG BALBAL... sana maka relate na si KUYA MEL dito.

taliptipdehi --> nangangaliskis na singit!
telitabis --> mongoloid
wetrapu ---> pwet!
sunota ---> sunog na tae
ex: walangya! ambaho ng hininga mo, amoy sunota!
onse --> magkabilang uhog na sabay lumalabas pasok!
nagduduket --> babaeng nag papaligaya sa sarili
nagsasaltek --> lalaking nagpapaligaya sa sarili
kikyamoy ---> amoy ng cleavage sa pwet
nyamas ---> utot na medyo basa
nenok --> nakaw
tibatib ---> guhit na itim sa singit!
baktol --> anghit na amoy bayabas
oryo --> areola na malaki at maitim
abno o abnoy o abnu - pinaikling Abnormal. Bobo. Tanga o di normal na tao.
abot-kamay - Lalaking may GF na katamtaman lang ang laki ng hinaharap.
abubot - kung anu-anong bagay. kagaya ng borloloy
achu-chuchu - paligoy o at iba pa at kung anu-ano pa...ek ek.
akyat-bahay - magnanakaw.
alaska - asar. inis.
Ang taong mahilig mang-asar o mambuwisit, alaskador
alaws arep - walang pera.
kutchang- buhok sa ilong
toto- sinto sinto for short
aning- praning for short
jakamawatan- d kta maintindihan
anish- ano?
patutoy- ari ng bata..
busa- mukhang chicharon
yamas - taeng natira sa brief o panty, pinapahid ng tissue
lipak - libag na sa sobrang kapal, nakukutkot na
kalikamor - mga maiitim na libag na sumuot sa kuko kapag nagkakamot
ligata - magkahalong libag at pawis, pawis na maitim

karma na ito!


si Karen may kliyente na candy factory - sila yung gumagawa nung tig-pi-piso na chocolate at candy na binebenta sa probinsya. Noong isang linggo, pinuntahan ni Karen yung candy factory at nabigyan sila ng libreng mga kung ano-ano. May chocolate-covered marie biscuits, jelly-ace na hindi orig na jelly-ace, chocolate-covered wafer sticks, at yung tinatawag na jolens. Yung jolens, isa syang cracker nut (parang nagaraya) na binalutan ng chocolate (na lasang goya) tapos meron syang candy coating na makapal (masmakapal sa nips).

Kagabi kumakain si Karen ng jolens. Matagal ko na sya gusto kainin. Naglalaway. Nung weekend pa. Pero may sakit nga ako. Hindi maganda ang tsokolate sa ubo. Hindi sila talo. Pero ang kulit ko talagang bata. Kulit kiti kulit kay Karen. Noong una hindi nya ako pinapayagang kumain. Pero nakuha rin sya sa kulit. Binigyan nya ako ng isa.

Dahil iisa lang ang pwede kong kainin, naisip kong kelangan ko sya namnamin. So hindi ko sya kinagat kaagad. Sinipsip ko muna ang candy coating hangga't mabasag syang kusa. At nang mabasag sya... nabilaukan ako. May isang napaka-liit na piraso nung coating na sumabit sa aking esophagus (o trachea, o kung ano mang parte iyon). Hindi ako maka-hinga. Para akong hinihikang matanda. Ikamamatay ko ang lecheng jolens. Nagluluha't sinisipon na ako, nakahilata na ako sa sofa, at umuubong parang mailuluwa ko na ang baga ko. Ang tagal kong ganito, bago pa ako naka-inom ng tubig. Si Karen sinasapak na ako sa likod para maluwa ko yung lecheng piraso ng jolens. Leche talaga yang jolens.

Ang masasabi ko lang - ang bilis talaga ng karma. At hindi man lang ako nakarating dun sa cracker nut...sayang!

Pinoy ka nga ba?



kausap ko kaibigan ko na lalaki kanina at naglolokohan kami ng mga jologs na salita na tagalog o yung " street words" kaya pilit ako nag research tungkol dito at eto ang aking mga nahanap! ( pumanhin po sa mga matatanda!) hehe..

jologs words na ba hindi nyo pa naririnig ang mga iba dito..hehe!

1. BAKTOL--- ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa
kili-kili. ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito'y dumidikit sa damit,at humahalo sa pawis. madalas na naaamoy tuwing sale sa mall dahil sa sobrang siksikan ng mga nag shosopping.
"Put@#$%, sinong nangangamoy BAKTOL sa inyo????!!!

2. KUKURIKAPU--- libag sa ilalim ng boobs. madalas na
namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa
katawan. maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo
o naghihilod ang isang babae. ang KUKURIKAPU ay mas
madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga.
"Honey, maligo ka na kaya para maalis yang KUKURIKAPU
mo...

3. MULMUL--- buhok sa gitna ng isang nunal. mahirap
ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang
nunal. subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na
bunutin pa ito, maliban na lamang kung
ipapa-laser ito.
"How nice naman your MULMUL!

4. BURNIK--- taeng sumabit sa buhok sa pwet. madalas
nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang
pagkatapos tumae. ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo
na kapag natuyo na ito. ipinapayo sa mga may
BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.
"Labs, alam ko kung anong kinain mo kanina!!!

5. ALPOMBRA--- kasuotan sa paa na kadalasang
makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa quiapo.
ito'y may makipot na suotan ng paa, at manipis na
swelas. mistulang sandalyas ito ng babae pero
kadalasang suot ng mga lalaki. available in blue, red,
green, etc.

6. BAKOKANG--- higanteng peklat. ito'y madalas na
dulot ng mga sugat na malaki. imbes na normal na balat
ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na
takip.

7. AGIHAP--- libag na dumikit sa panty o brief dahil
sa labis na pagmamahal sa suot panloob. nabubuo ang
AGIHAP kung ang panty o brief ay nasuot na ng hindi
bababa sa tatlong araw.

8. DUKIT--- itoy and amoy na nakukuha kung isinabit mo
ang daliri mo sa iyong puwit....try it to prove it
thats DUKIT

9. SPONGKLONG - ito'y isang bagong wika na
nangangahulugan sa isang estupidong tao.
Ex. "Buti naman at bumaba na sa puwesto ang spongklong
nating Presidente."

10.LAPONGGA - ito's kahintulad sa laplapan o kaya ay
lamasan
Ex. "Hoy Utoy, bakit ba ang hilig mo sa mga sineng
puro lapongga lang ang palabas?"

11.WENEKLEK - ito ang buhok sa utong na kadalasang
nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad.
Meron din ang babae nito.
Ex. "Inay! Si Itay, sinaksak yung kapitbahay natin
kasi hinila yung weneklek niya!"

12.BAKTUNG - pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.
Ex. "Uy Jefferson, tingnan mo si Ma'am, baktung na
naman!"

13.BAKTI --- bakat panty

14. ASOGE --- buhok sa kilikili

15. BARNAKOL --- maitim na libag sa batok na naipon sa
matagal na panahon

16. BULTOKACHI- tubig na tumatalsik sa pwet kapag
nalalaglag ang isang malaking ebak

17. BUTUYTUY- etits ng bata

18. JABARR- pawis ng katawan

19. KALAMANTUTAY - mabahong pangalan

20. McARTHUR - taeng bumabalik after mong i-flush

hehehehe!.. gawa tayo ng PART 2 nito! nyee!

ang ganda ko!

Lampa ako, tapos ang usapan. Pangkaraniwan na sa akin ang madapa, matapilok, matisod at madulas. Hindi na din bago sa’kin yun dahil sa kalampahan ko, minsan nga tinitignan ko ang paa ko kung pantay, at bakit talisudin ako. Kaya kapag ako nag asawa.. hindi ako pwede makipag habulan.. hahahaha!

Ilang bese na ako muntikan malaglag sa hagdanan namin kapag ako ay pumapanik. Naranasan ko na din madapa pagkababa ko ng sasakyan at pinulot alo ng dalawang mama dahil sa hiya ng itsura ko. Naranasan ko na din masubsob sa harap ng banko habang nag eemote na kunwari sosyal, at mga guard ng banko ang sumalo sa akin. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa din ako bingot hanggang ngayon. Sinuswerte pa din siguro ako sa mga pagkakataong iyon.

Pero kagabi, iniwan ako ng swerte at hindi ko naisalba ang hindi ko kagandahang tuhod at binti. OO, nadapa ako kagabi. Kung kailan napagtripan kong mag palda. Habang bumababa ako ng sasakyan at medyo malakas ang ulan, nakatapak ako ng bato at natalisod at ang sumunod na eksena ay parang pilikula at dahan dahan ang pagsubsob ko sa kalsada at tumilapon ang bag, napa bukaka! waaaaaaaa!!!!. Kadalasan pag nadadapa ako o natatapilok nakukuha ko pang ngumiti at pagtawanan ang sarili ko, at ibangon ang dangal ko. pero kagabi… di keri ng powers ko ang magsmile habang umaagos ang 50 ml na dugo sa tuhod ko (exagerate ko lang yun).

Sobrang sakit ever! As in… Parang naramdamang kong kumayod pati buto ng tuhod ko. Maluha-luha ako sa sakit na parang gusto kong magdrama sa harap ng madlang nakakita sa kahiya-hiya kong eksena. Pero wiz ko na talaga napansin ang mga mapanlibak at mapang-uring tingin ng mga witness. Isa lang ang nasa isip ko. Bwisit na buhay ito! nag palda pa ako! ang
sakit!!!! ........ ANG EBIDENSIYA ng KALAMPAHAN KO!

SUGAT AT PASA

nAGKAROON AKO NG MALAKING PROBLEMA NGAYON.......papaano na ngayon ang karir ko sa pagiging BB. Pilipinas? :)

mahal mo nga ba siya?




mahal mo nga ba sya???
Message: Ito ang karaniwang tanong sayo ng mga kamag-anak, at kaiibigan mo. Pero higit sa lahat, ikaw lamang ang tanging nakaka-alam sa iyong damdamin. Sa bawat tanong ay may kaukulang sagot.

Mahal Mo Nga Ba SIYA???

Oo!!! Sa dalawang titik na ito ay parang napaka daling bigkasin. Sa bawat kilos o galaw maaaring ikaw ay magkamali at siya'y iyong masaktan.
Mahal Mo Nga Ba SIYA???
Ang pagmamahal ay isang bahagi ng iyong pagtitiwala sa iyong sarili at hindi pagtitiwala sa kahit sinuman. Maaaring gusto mong salungatin ang aking sinabi pero iyon ang tunay na pag mamahal.
Mahal Mo Nga Ba SIYA???
Sa lahat ng gustong mag mahal, huwag nyong unahin isipin kung ano ang inyong makukuha sa taong gusto nyong mahalin.Isipin 'nyo kung ano ang pwede nyong ma-ibibigay, ma-iitutulong at higit lahat ay kung anong klaseng pagtrato ang kaya nyong ipakita sa kanya.
Respeto, ito ang tanging pondasyon patungo sa tamang pagturing sa kanyang pagkatao.
Pagtitiwala, upang kayo ay maging bukas sa bawat isa.
Makinig, sa bawat kwento at salita na galling sa taong minimahal mo, ito'y iyong pakinggan at baka bukas di muna muling marinig ang kanyang tinig
Mahal Mo Nga Ba SIYA???
Hindi mo matanggap na wala na ang taong iyong minamahal. Galit ka sa kanya! Ngunit ang katotohanan na ikaw ay puno ng pag-sisi na siya ay iyong hinayaan mawala. Pero ano ang ginawa mo? Wala na siya! Mag sisi ka man ay hindi mo na maiibabalik ang mga bagay na inyong nasimulaan
Masakit man isipin na ikaw ay nagging maramot sa pag bibigay sa taong iyong minahal

Napaka sarap ng pakiramdam kung sa bawat yugto ng inyong pagsasama ay makikita mo siyang masaya at sa bawat umaga ay may ngiti sa kanyang mga labi.

adik ka ba? puso vs. isip


ang galing ng buhay. masaya na mapakla. ang hirap kontrolin kahit na ano pang sabihin. minsan akala mo ayos n ang lahat, un pala may palpak pa. ang mas masama, palpak pala lahat. ang hirap lumimot sa nakaraan. ang hirap iwan ang minsan mo ng kinabaliwan. ikaw ba naman ang m-adik sa mga bagay-bagay, ewan ko lng kung anong palusot ng buhay ang gagawin mo para lng sipain palayo ang lahat.
sabi nga nila, "it's all in the mind"... ulol, ang hirap kaya nun. sabihin mo man sa sarili mo at ipa-tanim mo man sa isang bihasang doktor and lahat ng mga pagbabagong nais mo, ang hirap pa in sundin ng sinasabi ng puso mo.
pero cguro nga, tama sila. nsa isip lang yan.
HALIMBAWA:
sa isang ospital, barado ang puso ng isang tao at kailangan nya ng heart transplant. pinalitan ang puso ng manong. instant, natapos ang operasyon. may bago syang puso.
TANONG:
napalitan ba ang listahan ng mga taong mahal niya?
SAGOT:
hindi. bago nga ang kanyang puso, pero nananatiling ang mga taong minsan nyang minahal sa luma at baradong puso nya, ay ang mga taong nananatiling mahal nya.
siguro nga. nsa isip lng yan. hindi ka naman masasaktan at patuloy na masasaktan ng mga taong minsan mo ng minahal at nanakit sau kung ikaw mismo ang magiisip ng paraan at sasabihin mo sa sarili mo na "tama na".
adik diba?
Kung hindi sa puso yan, malamang sa isip. eh kung hindi sa isip? saan pa kaya? sa ugat? sa sakong?.........ewan
basta sa pagibig, kasama ang puso. malay natin, nai-save n pala ni manong ung listahan ng mga taong mahal niya sa utak nya, bago pa man palitan ang puso nya.
ang adik...

TAG TAG TAG TAG..asus!

sIlang beses na ako nabigyan ng TAG ni EMMYROSE, pero alam nya na wala sa bundok yun at hindi ko nag TA-TAG talaga..ngunit..subalit at dadapwat.. PINASASALAMATAN ko ang aking "soul sister"..na walang sawa sa pag TAG sa akin.., si KATHYCOT ay na TAG na din niya ako, tulad ng dati.. isinulat ko na lang sa isip ko..hehehe...PERO.....meron nanaman nag TAG sa akin isang bagong kaibigan na si TRINITY, sa aking palagay dapat ko na buksan ang aking bloga sa "fad" ng TAG at wala na talaga akong ligtas! hehehe


"6 WEIRD THINGS ABOUT ME" o sa tagalog anim na weirdong bagay tungkol sa akin.
Bakit kaya gusto malaman ng aking bagong kaibigan na si TRINITY ano weirdo sa akin? tignan natin ang ka weirdohan ko at kung kaya nyong sakyan..hehe



1. kung kumakain ako ng pansit nilalagyan ko ng ketchup. bakit? masarap kasi..o dahil favorite ko spaghetti..hehehe.. natikman ko kasi ang pansit ng laguna na may ketchup at nasarapan ako, kaya, simula nun, kung hindi nasa sosyalan, nilalagyan ko ng ketchup ang pansit ko.
2. kapag hindi pa ako nakakapag wax ng kilikili...hindi ako napapakali kakabunot ng buhok na masaslat ko sa kilikili ko..hahahaha! kahit 3am or 4am ng madaling araw basta may masalat ako, dapat maalis ko yun, na minsan, nagdugo na dahil ayaw maalis ang buhok na sobrang liit sa kilikili ko..hehe.. ( syet! shameful na ito!)
3. halos lahat ng mahawakan ko inaamoy ko. hehehe.. dahil cguro sa pagiging OC-OC (obsessive Compulsive), kahit pagkain, bago ko kainin inaamoy ko, damit na bago ko suotin, inaamoy ko, kahit shampoo, colone, juice, kilikili... waaaaaa..isipin nyo na ang gusto nyong isipin.. pero.. 85%..inaamoy ko talaga.
4.nag papa manicure at pedicure with footspa ako ng 6am habang tulog ako. hehe.. tamad lang ako tumayo kasi. hehe

5. HINDI ako natutong gumamit ng panyo sa buong buhay ko. ang dami kong panyo kahit nung maliit pa ako, pero, hindi ko nakasanayan gumamit nito. Imbes na panyo, lampin ng bata nakasanayan ko bitbitin. hehehe.


6. AT ang pinaka huli.... hanggang ngayon...hindi ko gusto ng sexy na underwear, ang binibili ko pa din ay yung 100% na cotton na kulay puti. iisa lang ang klase at desenyo ng underwear ko at lahat ito ay kulay puti lang.



Please enclose this list on your tag post:Liza, Rosemarie, Trinity at Rooms of My Heart, Kurdapya add yours here after doing this tag.
Weirdo ba kayo? Well... eto aang mga i-TAG ko ng malaman din natin, gaano ka weirdo sila tulad ko. Syempre hindi ko makakalimutan siEMMYROSE,BYOTIPOL ,CATHYCOT
at kay KLITORIKA mga bago kong kaibigan sa bloga.

Filipino Americans demand for apology from ABC and Desperate Housewives




Medyo seryoso muna ako mga kapatid!

Eto ay isang insidente na hindi ko kayang tanggapin o palampasin. Isa ako sa mga tagasubaybay ng sitcom na DESPERATE HOUSWIVES, pero sa pagkundina at paglait nila sa klase ng education ng mga doctor dito sa pilipinas, dapat ay humingi sila ng kapatawaran sa atin.

eto ang link kung saan pinadala sa akin ng mga kasamahang doctor ko at dentista na kung saan pwede tayo pumirma para sa PETITION. Gawan nyo din ng ENTRY ito sa BLOG NYO para ikalat sa madami.. SALAMAT!

ETO ANG PETITION:

To: ABC
To the producers of "Desperate Housewives" and ABC:

We are writing to express concern and hurt about a racially-discriminatory comment made in an episode of Desperate Housewives on 9/30/07. In a scene in which Susan was told by her gynecologist that she might be hitting menopause, she replied, "Can I just check those diplomas because I just want to make sure that they are not from some med school in the Philippines."

As members and allies of the Filipino American community, we are writing to inform know that this type of derogatory remark was discriminatory and hurtful, and such a comment was not necessary to maintain any humor in the show. Additionally, a statement that devalues Filipinos in healthcare is extremely unfounded, considering the overwhelming presence of Filipinos and Filipino Americans in the medical field. Filipinos are the second largest immigrant population in the United States, with many entering the U.S. (and successfully passing their U.S. licensing boards!) as doctors, nurses, and medical technicians. In fact, the Philippines produces more U.S. nurses than any other country in the world. So, to belittle the education, experience, or value of Filipino Americans in health care is extremely disrespectful and plain and simply ignorant. Many of the hospitals in major metropolitan areas of the U.S. (and the world) would not be able to operate without its Filipino and Filipino American staff members.

As Filipino Americans and allies, we band together to ensure that this type of hateful message should not be allowed to continue on our television and radio airwaves. Given the recent amounts of media attention that has been given to Michael Richards (against African Americans), Isaiah Washington (against gays), and Rosie O'Donnell (against Asian/ Chinese Americans), it is ridiculous that this type of hateful speech made it through various screenwriters, the show's producers, the show's actors, and ABC itself.

We demand a public apology to the Filipino American community, and we demand the episode be edited to remove the ignorant and racist remark. We will not allow hateful messages against our community (or any other oppressed community) to continue.


Sincerely,

The Undersigned


Magtulong tulong tayo para sa isang PETITION sa paghingi ng kapatawaran ng ABC Station at ng DESPERATE HOUSEWIVES Production.

Kayo ba ay papayag na tignan na WALANG KWENTA ANG mGA DOCTOR SA BANSA NATIN ayon kay TERI HATCHER ng DESPERATE HOUSEWIVES? Kung sino man ang writer nila, baka bansa lang nya ang narating niya! Ang dapat dyan, pumunta dito sa Pilipinas at ipasok sa pwet niya ang script niya at saksakan ng madaming madaming siling labuyo! hehe!


kung ayaw mo wag mo!


Nais ko na alam ko ang mga dahilan kung bakit ko mahal ang isang tao. Hindi naman ibig sabihin nito eh walang katotohanan ang love at first sight or kung ano pang tawag ng iba jan. hindi rin nman ibig sabihin eh dapat alam mo ang dahilan kung bakit mo mahal ang isang tao bago ka pumasok ng relasyon o kaya pwede naman kasi na habang nasa loob ka ng relasyon eh doon mo lamang malalaman ang dahilan.

OA ka naman kapag sinabi mo na na hindi mo alam basta mahal mo lang siya at ni kahit sa sarili mo ay hindi mo maipaliwanag.

Maraming ganyang tao eh. “kaya hindi ko alam kasi kung malalaman ko yun, at nawala iyon eh baka mawala na rin ang love ko sa kanya”. Kalokohan. Eh kung minahal mo lng siya ng ganun, eh ano ang dahilan para ipaglaban mo ang isang tao? Ang tunay na pagmamahal eh hindi nawawala. Nagiging ibang level lamang. ( parang magulo diba?)

Hindi naman nangangahulugan na kapag alam mo ang dahilan at nawala un eh wala na love. Kamusta ka naman kung ganun ka magiisip. Kayurin mo ang utak mo.

Ang ipaglaban mo ang isang tao ay dahil mahal mo siya at kung ano man ang rason kung bakit mo siya mahal ay matututunan nyo lamang habang kayo ay magkasama.

At least sa sarili mo alam mo nmn kung bakit mo siya mahal. Kahit isang rason man lang sa buong pagsasama niyo eh alam mo kung bakit.

At ang mga tunay na rason na iyan ay malalaman mo lamang habang kayo ay magkasabay na nanunungkit ng mansanas sa ipinagbabawal na puno ni adan at eba...nyeh!..

gulo ng sinabi ko ata ngayon.. basta kapag love na pinagusapan.. hindi mo ma paliwanag.. magulo talaga!

;;