ututin


ang dami ko kinain kanina, kumain ng mangga, piyaya, chocolates at buko ice candy, barbecue at pizza.... ano bang nakakautot sa mga yan?? grabe e.. utot talaga ko ng utot maghapon.. hobby ko na nga kanina eh..

Merong nagsabi sa akin na madaming klase ng utot?Pero ako merong alam na pitong klase lamang. Merong utot na walang amoy, utot na mabaho, utot na malakas, utot na mahina, utot na makapal, utot na may kasama, at utot na blue.
Hmmm...himay himayin natin at alamin sila...

Ang utot na walang amoy.
Pinaka-safe sa lahat ng utot, lalo na pag wala itong tunog na maririnig ng ka date mo.

Ang utot na mabaho.
Itong utot na to, delikado kasi pahamak to. Nakakahiya pag umutot ka ng ganito lalo na pag dalawa lang kayo at sigurado yung isa na hindi sya ang umutot!

Ang utot na malakas.
Pahamak din tong utot na to kasi hindi mo mapagkaka-ilang ikaw ang umutot. Kadalasan ang utot na ito ay walang amoy kahit na malakas ang tunog.

Ang utot na mahina.
Ang utot na mahina ay mas ok kesa sa utot na malakas dahil pwede ka pang makalusot na kunwari ay hindi ka umutot. Pero yan e kung utot na walang amoy ang kapartner nya. Ngunit, ang utot na mahina ay kadalasan, isang malaking pasabog ang amoy.

Ang utot na makapal.
Ito ay subclass ng utot na mabaho. Pero di katulad ng karamihan sa mabuhong utot na sandali lang e wala na lalo na pag hindi kulob ang lugar, ang utot na makapal ay parang ayaw kang lubayan o parang nakasuspinde lang sya sa ere. Dahil makapal ang utot na to, may tendency itong kumapit sa damit mo parang usok ng yosi at madadala mo ito kahit saan ka magpunta. Nangyari na sakin yan. Habang nag-aantay ako ng elevator, umutot ako. Pagpasok ko ng elevator, aba, mantakin nyong sinundan ako ng utot! Buti nalang magaling ako magpanggap at kunwari e may naamoy akong mabaho at sabay sabi ko “Bat ambaho?”.

Ang utot na may kasama.
Ito ang pinakabadtrip at delikado na utot sa lahat. Mahina man o malakas, mabaho man o hindi, mabwibwisit ka kasi kakailanganin mo ng magpalit ng brief o panty pagnangyari to. Makakarelate dito yung mga madalas magka LBM o mga first time mag Xenical.

Ang utot na blue.
Hindi ko alam kung san to nagmula pero, ilang beses ko tong narinig. Pero ni minsan e hindi ko nakita. Baka kathang-isip lang ang utot na to. Madalas maririnig mo to sa mga grupong nag-aasaran. Maya’t maya may sumisigaw ng “Utot mo blue!!!”.

Kayo? ano klaseng utot alam nyo? ano klase ang utot nyo?

20 Comments:

  1. Tess said...
    hapi utot day ms kurdapya! TY for the visit! TC!
    Mel Avila Alarilla said...
    Walanghiya, mas masahol ka pa pala kay Tukmol. Sobrang bantot nang post mo, he, he, he. Nagbuga pa ako nang Glade Mist para maalis ang masangsang na amoy. Naku, ano bang pumapasok sa kukote mo at puro yata maantot ang mga posts mo. Siguro yan ang klaseng posts na gusto nang ibang ka blogmates mo. Medyo lilihis ka lang nang landas para hindi kita masalubong. Hay, naku Miss Kurdapya. Ang nagagawa nga naman nang broken heart. Ang sama nang loob at mga himutok ay pumupunta sa ibaba at duon ibinubuga ang sama nang lob. He, he, he. Aalis na ako't hindi ko talaga masikmura ang amoy dito. Babayu. God bless and have a nice and odor free weekend.
    Hindi-nagpakilala said...
    buti na lang hindi ako ututing bunny, este Vanny pala.. hehehe
    Hindi-nagpakilala said...
    wala na akong ibang alam na utot, pero ang alam ko healthy yet very dangerous,

    healthy kasi nawawala yung bad air sa katawan mo
    dangerous kasi flammable yun

    and dun sa post mo na part 2 ng pinoy ka ba? ha ha ha... laught trip.. ang iba ay narinig ko na pero karamihan ay bago..

    ive tried to make also a part two of my pinoy slang 101, pero hindi na ako naka pagresearch ng mga panibagong words eh..

    galing mo!!

    ;)
    RedLan said...
    naranasan ko na mag utot ng nasa listahan mo. okay yung utot na malakas pero walang amoy at ang pinakamatindi ay umutot na may dalang palaman. lol
    Hindi-nagpakilala said...
    yayks!!!

    miss kurdapya na research mo na ab kung anu talaga yung utot na blue?

    hehe cge pagtulungan nating saliksikin harharhar..

    ay, vote for my blog po pla miss kurdapya para sa pinoy blog of the month. nasa blog ko po ang mga infos. sana kung maaga kong nalaman itong blog mo, irerekomenda ko na sumali ka din sa kontest. di bale, next month sali ka ha?

    cge poh!
    Trinity said...
    Haloooo... that picture is so funny! haha.. where do you find it?

    I hope you don't mind I tag you!
    john be anonymous said...
    english utot.. loud and proud, silent but deadly, wet and wild.. hehehehe... and utot mo blue, parang galing ata sa blutooth un.. hehe..
    x said...
    that's a cute ututin bunny! haha. :)
    Miss Kurdapya said...
    TESS,

    your most welcome... thanks for the visit too..:)
    Miss Kurdapya said...
    Kuya Mel,

    hehehe!..Masama ata nagiging senyales kapag lagi tayo mag kausap.. etchas at utot.. hehe..:)

    Sabi nga nila, kapag inipit mo ang sama ng loob.. baka maging BURP.. mas masama! hehe
    Miss Kurdapya said...
    Sexy Vanny, ( alisin natin yung.. gitna..) hindi ka naman mukhang ganun..hehehe, MAKIALAM BA?,

    NICE! OO NGA.. MUNTIK NG MAGING vanny!.. NALINK NA KITA!
    Miss Kurdapya said...
    KING DADDY,

    aabangan ko ang PART 2 mo ha? at baka meron ka mga ibang salita na bago sa aking tenga din.. ng magamit at mabugbog ng pag gamitan ko...hehe

    yehey!..ok lng pla na ututin ako.. healthy naman pla!..hehe
    Miss Kurdapya said...
    REDLAN,

    ututin ka din pla? hehe.. pero.. dapat, laging pasimple tayo ng hindi nakakahiya.. hehe.

    ayaw ko yung utot na may palaman! bwahaha!
    Miss Kurdapya said...
    ILOCANO BLOGGER,

    salamat!..pero, hindi ako magaling na bloggista.. hindi ko kaya sumali sa mga patimpalak.. baka bukod sa utot.. mag LBM na ako..hehehe

    abisuhan mo ako kapag nalaman mo na ang klase na UTOT NA BLUE ha?
    Miss Kurdapya said...
    TRINITY
    Thanks for the TAG! I'LL try do the TAG on my english BLOG.. i'm really having a HARD TIME.. doing it in TAGALOG..

    thanks for the visit friend!
    Miss Kurdapya said...
    JOHN,

    hahah.. i like the king of UTOT you have!!..
    thanks for the visit!
    Miss Kurdapya said...
    ACEY,

    yup! very cute ututin bunny.. sinubukan ko sana tao.. pero.. wala ako mahanap..hehe

    salamat sa bisita!
    Paulding said...
    sa estet delikado ang pinoy kc lam ninyo naman na ang P pronounce natin ay F while F is P kaya "Farting is such sweet sorrow."
    Miss Kurdapya said...
    PULDING,

    kakaiba ka talaga ever!

Post a Comment