karma na ito!


si Karen may kliyente na candy factory - sila yung gumagawa nung tig-pi-piso na chocolate at candy na binebenta sa probinsya. Noong isang linggo, pinuntahan ni Karen yung candy factory at nabigyan sila ng libreng mga kung ano-ano. May chocolate-covered marie biscuits, jelly-ace na hindi orig na jelly-ace, chocolate-covered wafer sticks, at yung tinatawag na jolens. Yung jolens, isa syang cracker nut (parang nagaraya) na binalutan ng chocolate (na lasang goya) tapos meron syang candy coating na makapal (masmakapal sa nips).

Kagabi kumakain si Karen ng jolens. Matagal ko na sya gusto kainin. Naglalaway. Nung weekend pa. Pero may sakit nga ako. Hindi maganda ang tsokolate sa ubo. Hindi sila talo. Pero ang kulit ko talagang bata. Kulit kiti kulit kay Karen. Noong una hindi nya ako pinapayagang kumain. Pero nakuha rin sya sa kulit. Binigyan nya ako ng isa.

Dahil iisa lang ang pwede kong kainin, naisip kong kelangan ko sya namnamin. So hindi ko sya kinagat kaagad. Sinipsip ko muna ang candy coating hangga't mabasag syang kusa. At nang mabasag sya... nabilaukan ako. May isang napaka-liit na piraso nung coating na sumabit sa aking esophagus (o trachea, o kung ano mang parte iyon). Hindi ako maka-hinga. Para akong hinihikang matanda. Ikamamatay ko ang lecheng jolens. Nagluluha't sinisipon na ako, nakahilata na ako sa sofa, at umuubong parang mailuluwa ko na ang baga ko. Ang tagal kong ganito, bago pa ako naka-inom ng tubig. Si Karen sinasapak na ako sa likod para maluwa ko yung lecheng piraso ng jolens. Leche talaga yang jolens.

Ang masasabi ko lang - ang bilis talaga ng karma. At hindi man lang ako nakarating dun sa cracker nut...sayang!

8 Comments:

  1. Mel Avila Alarilla said...
    Hindi naman karma, aksidente lang. Nangyayari ang mga bagay na ito kanino man at hindi natin dapat isiping karma ang lahat. Kailangan lang ay mas ibayong pagiingat. Ingat lang sa sarili Kurdapya para hindi mabilaukan. Babay muna. See u next time. God bless.
    Miss Kurdapya said...
    Kuya Mel,

    bakit parang sad ka ngayon? Merong iba sa comment mo? hmmm.. ano kaya yun? pero kung ano man iyong bumabagabag sa isipan at dam damdamin mo.. alam ko naman kaya mo yan.:)
    RedLan said...
    uy, wawa ka naman. masakit yun sa ilong ha.
    Miss Kurdapya said...
    REDLAN,

    sinabi mo pa.. hehehe.. parang sinubuan ka ng tsokolate sa ilong..hehe

    dala ng katakawan na din cguro..hehe

    salamat sa pagbisita sa bahay ko!
    Hindi-nagpakilala said...
    matapos mong matalisod ay na bilaukan ka naman...

    ingat ka ah!

    ni link na po kita sana ay ilink niyo na rin po ako..
    Hindi-nagpakilala said...
    hihihi, hindi ko alam kung maaawa ako or matatawa. pwede both?
    Miss Kurdapya said...
    KING DADDY RICH ( hiniwalayhiwalay ko.. ng mas feeeeel! )

    --naka link ka na po matagal na.. hehe.. salamat sa pag link..

    --ganun talaga.. kapag masiba! at kengkay!
    Miss Kurdapya said...
    TO ILOCANO BLOGGER:

    ang sama mo talaga! hehehehe! :)

Post a Comment