TAG TAG TAG TAG..asus!

sIlang beses na ako nabigyan ng TAG ni EMMYROSE, pero alam nya na wala sa bundok yun at hindi ko nag TA-TAG talaga..ngunit..subalit at dadapwat.. PINASASALAMATAN ko ang aking "soul sister"..na walang sawa sa pag TAG sa akin.., si KATHYCOT ay na TAG na din niya ako, tulad ng dati.. isinulat ko na lang sa isip ko..hehehe...PERO.....meron nanaman nag TAG sa akin isang bagong kaibigan na si TRINITY, sa aking palagay dapat ko na buksan ang aking bloga sa "fad" ng TAG at wala na talaga akong ligtas! hehehe


"6 WEIRD THINGS ABOUT ME" o sa tagalog anim na weirdong bagay tungkol sa akin.
Bakit kaya gusto malaman ng aking bagong kaibigan na si TRINITY ano weirdo sa akin? tignan natin ang ka weirdohan ko at kung kaya nyong sakyan..hehe



1. kung kumakain ako ng pansit nilalagyan ko ng ketchup. bakit? masarap kasi..o dahil favorite ko spaghetti..hehehe.. natikman ko kasi ang pansit ng laguna na may ketchup at nasarapan ako, kaya, simula nun, kung hindi nasa sosyalan, nilalagyan ko ng ketchup ang pansit ko.
2. kapag hindi pa ako nakakapag wax ng kilikili...hindi ako napapakali kakabunot ng buhok na masaslat ko sa kilikili ko..hahahaha! kahit 3am or 4am ng madaling araw basta may masalat ako, dapat maalis ko yun, na minsan, nagdugo na dahil ayaw maalis ang buhok na sobrang liit sa kilikili ko..hehe.. ( syet! shameful na ito!)
3. halos lahat ng mahawakan ko inaamoy ko. hehehe.. dahil cguro sa pagiging OC-OC (obsessive Compulsive), kahit pagkain, bago ko kainin inaamoy ko, damit na bago ko suotin, inaamoy ko, kahit shampoo, colone, juice, kilikili... waaaaaa..isipin nyo na ang gusto nyong isipin.. pero.. 85%..inaamoy ko talaga.
4.nag papa manicure at pedicure with footspa ako ng 6am habang tulog ako. hehe.. tamad lang ako tumayo kasi. hehe

5. HINDI ako natutong gumamit ng panyo sa buong buhay ko. ang dami kong panyo kahit nung maliit pa ako, pero, hindi ko nakasanayan gumamit nito. Imbes na panyo, lampin ng bata nakasanayan ko bitbitin. hehehe.


6. AT ang pinaka huli.... hanggang ngayon...hindi ko gusto ng sexy na underwear, ang binibili ko pa din ay yung 100% na cotton na kulay puti. iisa lang ang klase at desenyo ng underwear ko at lahat ito ay kulay puti lang.



Please enclose this list on your tag post:Liza, Rosemarie, Trinity at Rooms of My Heart, Kurdapya add yours here after doing this tag.
Weirdo ba kayo? Well... eto aang mga i-TAG ko ng malaman din natin, gaano ka weirdo sila tulad ko. Syempre hindi ko makakalimutan siEMMYROSE,BYOTIPOL ,CATHYCOT
at kay KLITORIKA mga bago kong kaibigan sa bloga.

12 Comments:

  1. Trinity said...
    You are so fast in responding this tag! Bravo! I like to see other languages of this tag.. :-D
    Emmyrose said...
    haha kapatid grabe ayan at nakiuso ka na rin sa tag, gawin ko to' sa mga susunod na araw ha, andami ko pang tag na dapat gawin..

    alam mo ba pareho tayo sa #2 grabe kahiya-hiya ang pag-amin na 'to

    have a nice day sister!
    Hindi-nagpakilala said...
    wui. according to studies, mas safe naman daw ang mga cotton na undies, yung pang damatands ba. kaya wag nating ikahiya!

    gumagamit ako nun!
    Armie said...
    good evening ms. kurdapya. thank you for visiting my blog, kahit bago pa ito. nakakaaliw ang blog na ito, babalikan ko ito talaga.
    Miss Kurdapya said...
    TO TRINITY:

    oh! thanks so much! you made me try the tag thing.. hehe!

    more tags more tags! hehehe!
    Miss Kurdapya said...
    TO EMMYROSE:
    Naku sister! wala na ata akong magagawa kundi tanggapin at gawin ang mga tags sa akin...nakakahiya naman talaga sa inyo na laging nakaka alala.. :)

    oo, yung #2.. kahiyahiya.. pero..very fulfilling kapag na alis yung pinaka maliit..hehe
    Miss Kurdapya said...
    TO THE ILOCANO BLOGGER

    hehehe! ganun ba? pero, walang ka sexy sexy ang dating!
    Miss Kurdapya said...
    TO ARMIE:

    welcome ka lagi dito sa blog ko! see you sa blog mo!

    add kita sa link ko! :)
    Mel Avila Alarilla said...
    Hay naku weird ka talaga. Ngayon mas nakilala kita, he, he, Sabi ko na nga ba eh. Mas matindi ka pa pala kay tukmol. He, he, Pero alam mo, mas gusto kong hindi mo bubunutin yung buhok mo sa kili2, e he, he, he, ganda siguro pag nakatayo ka sa bus at nakasabit yung kamay mo sa kapitan nang kamay. He, he, he, biglang nawala yung glamor mo. Yung paglagay nang ketchup sa pancit ginagawa ko rin yun nung bata ako (take note, nung bata ako, he, he ,he) Yung tungkol sa underwear mo okay yun. Mas gusto ko yung plain white na cotton, naaalala ko yung ti-pan nang lola ko, e he, he, he, he, Buti na lang hindi supot nang arina, bwah ha , ha, ha, ha, naku po sakit na nang tiyan ko sa katatawa sa pag imagine sa yo. He, he, he. Sana mag kwento ka pa nang mga ka-weirdo-han mo, he, he, he, kakaaliw. Libre na ang enjoyment ko for the day. Talo mo pa si Jose at Wally nang Eat Bulaga sa pagpapatawa. Bye na at patubuin mo pa yung buhok mo sa kili2, bwah ha, ha, ha, ha, ha
    Mel Avila Alarilla said...
    P.S.
    Ako din masyado kong ginagamit ang pangamoy ko bago ko kainin o isuot ang isang bagay. Masyadong matalas ang pangamoy ko at panglasa kaya hindi ako tatablan nang food poisoning. Kaya lang ang sagwang tignan natin ano. Para tayong mga aso na amoy nang amoy. He, he, he.
    Miss Kurdapya said...
    kuya mel,

    ikaw talaga! hindi mo pinatawad etong posting na ito..hehehe.. lalaitin at lalaitin mo talaga ako! hahaha!
    Hindi-nagpakilala said...
    Are you from Zamboanga? I knew the Zamboanguenos eat their pancit with ketchup. I tried it too; and it's good.

Post a Comment