Minsan may kaibigan ako na nag nagtanong sakin na bakit may mga lalaking gago.
...ang sabi ko, ang mga lalaki parang champorado.
'Di ko alam kung ano ang iniisip ko non at nasabi ko yun. 'Di naman ako kumakain ng champorado nang mga panahong yon. 'Di ko naman paborito ang champorado. Pero natutuwa ako lalo na't maganda ang pagkaka-twirl ng gatas sa ibabaw nito. Bukod don, wala naman akong espesyal na pag ka akit sa champorado...'di naman kami close. Pero yun ang ginawa kong analohiya para ma-liwanagan at ma pawi ang lungkot ng kaibigan ko. siguro tulad ng isang mainit na champorado kapag bumabagyo at tila naka kulong ang lahat sa second floor ng bahay dahil lubog na sa baha ang first floor. Sabayan mo pa ng maalat na tuyo! Sus!
So, ganon na nga...ang mga lalaki, parang champorado.
O, pwede mong makita ang iba't ibang klase ng mga lalake sa pamamagitan ng champorado. 'Di ko talaga alam kung bakit champorado ang naisip ko. .
May mga champorado (read: lalaki) na matabang.
Yung tipong kelangan mo pang lagyan ng gatas at tantsa-tantsahin kung sakto na ba sa panglasa mo yung tamis. Sa isang banda, ok lang naman yung matabang kasi yung ibang tao, gusto yung sila mismo nag titimpla. Iba iba din kasi tipo ng mga tao. Yung iba gusto yung sobrang tamis. Oo nga masarap nga ang matamis, pero pag tagal tagal, sasakit ang ngipin. At ma-rerealize mo na shet, dapat di puro matamis eh. Nakatago kasi sa sarap at tamis yung mga imperfections kadalasan. Sa sobrang tamis, di mo na napapansin na sobra pala pagkaluto nung bigas. O kaya naman, para lang di mapansin yung labnaw nung champorado, tinatamisan nalang. Mahirap mapaliwanag ang mga tao, kaya yung ibang nagluluto ng champorado, tinatabangan nalang.
Pero, meron ding ibang appeal at sense of fulfillment kapag na transform mo yung matabang na champorado at nahuli mo yung saktong sarap niya.
Asahan mong kapag ang gatas sa champorado ay sobrang perpekto ng pag kakabilog sa ibabaw nito o kaya eh parang kumokorteng bulaklak ang gatas, eh baka alanganin ito. yung may saboy pa ng cinnamon at dark chocolate. aba, di na champorado ito...metrosexual na champorado o kaya eh talagang champorada na ito...may mga babaeng type ang mga ganitong malalanding mga champorado.
Ang mga champoradong malabnaw...
maingay...higupin. Ang mga ganitong champorado, parang walang laman. puro ingay lang. di mo mararamdaman ang laman dahil paghigop mo eh diretso na sa lalamunan. sabagay, kung ganito ka labnaw ang champorado mo at wala ka nang magawa. sikmurain mo na nga lang. malamang di ito ginamitan ng malagkit na bigas ng nanay niya.
Champoradong malapot naman, ayos sana...wag lang sosobra sa lapot.
pag sobra kasi sa lapot mahirap pakisamahan...
parang ayaw magpakain.
didikit sa kutsara yan, sa mangkok, at kung saan saan.
gusto niya siya ang bida...pahihirapan ka talaga.
Konti lang naman ang klase ng champorado eh...nagiiba lang din kung anong panahon mo ito kakainin, tsaka sa temperatura nito.
May maputla, meron ding sunog na champorado.
May mainit, may sobrang lamig naman.
pero eto...
Lahat ng champorado, ginamitan man ng malagkit na bigas o puro normal lang na sinandomeng...lahat ng champorado, may kulangot. Oo, kulangot. Sa ilalim ng cocoa, ng chocolate, may naka kubling kulangot. nag papanggap, naghihintay na matuklasan.
may maliit at di kapansin-pansin.
ang mga tulad nito, walang epekto dahil nasasapawan na ito ng sarap. pwede nang palagpasin.
pero meron ding malaki at malupit na kulangot.
yung mga tipong lumilitaw lang kapag patapos ka na, at sarap na sarap na sana sa pagkain.
tapos matutuklasan mo na may napakalaki pang champorado. at huli na ang lahat. huli na para mandiri dahil nakalahati mo na ang champorado mo. itutuloy mo pa ba ang pagkain? mag panggap na parang wala lang ito? magugulat ka ba at itatapon oraorada ang natitirang mangkok at isusuka pa ang nasa sikmura mo na?
lahat ng champorado, may kulangot. sa aking karanasan, mas mabuti pang ipakita na ang natatagong kulangot...ang natatagong baho, natatagong tabang at kung ano ano pang kapintasan. ipakita na kung anong klaseng champorado ka. bahala na kung may magkagusto, o kaya kung may magtitiis sayo.
sa mga kakain at may hawak na na champorado ngayon, sipat sipatin niyo na kung gaano kalaki ang kulangot nito. kung kulay berde ba ito, kung may buhok. amuy amuyin at tikman kung anong lasa nito. at sa pag tuklas mo ng mga kapintasan nito, isipin mo ng mabuti kung patuloy mo bang isusubo ito o hindi. kung kelangan bang dagdagan ng asukal, kung kulang sa lapot o sobra. kung dapat bang i-init ito, o hipan para lumamig ng konti.
tandaan mo din na kahit gaano kasarap ng champorado mo, may mga panahon na mag sasawa ka, masusuya ka. 'Di sa lahat ng panahon, masarap ang champorado. pero pag sigurado ka na at sinulat mo na ang initial ng pangalan mo gamit ang gatas sa ibabaw ng champorado mo, panindigan mo ito. At tanggapin ang katotohanan na lahat ng champorado, may kulangot.
piliin mo yung lasa at korteng kanin.
itapon mo yung mabaho at mabuhok.
basagin mo pa yung mangkok kung kailangan.
matuto kang makuntento.
matuto kang di makuntento.
huwag ka magtanga tangahan.
wag hayaang lumaki ang kulangot sa champorado.
ano ba yan? ..hehe...syanga pla, illusyon ko lang ang tungkol sa kulangot ng champurado, at baka hindi na kayo kumain nito. hehehehe!
literal akong
mahilig...
sa champorado.
wahaha
ayawan na
kung ang champorado
walang gatas.
dedmatology talaga.
haha
ano ibig sabihin non?
- korek! nakakasuya nga eh. yung literal na champorado ha!
anu na nga bang lasa nito?
ateng x link tayo ha
haha.. kahit hindi literal.. champoradong lalaki? type mo pa din? haha!
hahaha! akala ko nakatikim ka na din ng champoradong may kulangot! hehehe!
cge, xlink tayo.. hmmm..
parehas tayo.. meron ng two yers ako hindi nakakatikim ng champorado..hehehe..haaayyys!..kainis sister!
now im craving for champorado.,.
hahaha
Ibang klaseng champorado ibig ko sabihin..hahaha!
pero..masarap talaga yung totoong champorado!
hmmm.. yung totoong champorado or yung champorado na ibig ko sabihin dito? hehehe]
ako..parehas ata! gusto ko.
pero ibang lasa.. mas masarap ang sa pinas..