kung ayaw mo wag mo!


Nais ko na alam ko ang mga dahilan kung bakit ko mahal ang isang tao. Hindi naman ibig sabihin nito eh walang katotohanan ang love at first sight or kung ano pang tawag ng iba jan. hindi rin nman ibig sabihin eh dapat alam mo ang dahilan kung bakit mo mahal ang isang tao bago ka pumasok ng relasyon o kaya pwede naman kasi na habang nasa loob ka ng relasyon eh doon mo lamang malalaman ang dahilan.

OA ka naman kapag sinabi mo na na hindi mo alam basta mahal mo lang siya at ni kahit sa sarili mo ay hindi mo maipaliwanag.

Maraming ganyang tao eh. “kaya hindi ko alam kasi kung malalaman ko yun, at nawala iyon eh baka mawala na rin ang love ko sa kanya”. Kalokohan. Eh kung minahal mo lng siya ng ganun, eh ano ang dahilan para ipaglaban mo ang isang tao? Ang tunay na pagmamahal eh hindi nawawala. Nagiging ibang level lamang. ( parang magulo diba?)

Hindi naman nangangahulugan na kapag alam mo ang dahilan at nawala un eh wala na love. Kamusta ka naman kung ganun ka magiisip. Kayurin mo ang utak mo.

Ang ipaglaban mo ang isang tao ay dahil mahal mo siya at kung ano man ang rason kung bakit mo siya mahal ay matututunan nyo lamang habang kayo ay magkasama.

At least sa sarili mo alam mo nmn kung bakit mo siya mahal. Kahit isang rason man lang sa buong pagsasama niyo eh alam mo kung bakit.

At ang mga tunay na rason na iyan ay malalaman mo lamang habang kayo ay magkasabay na nanunungkit ng mansanas sa ipinagbabawal na puno ni adan at eba...nyeh!..

gulo ng sinabi ko ata ngayon.. basta kapag love na pinagusapan.. hindi mo ma paliwanag.. magulo talaga!

5 Comments:

  1. Mel Avila Alarilla said...
    Magulo nga, kasinggulo siguro nang isipan mo ngayon. Sa totoo lang hindi na kailangang ipaliwanang pa kung bakit mo minahal ang isang tao. basta ang alam mo mahal mo siya. Pag minahal mo siya dahil lamang sa isang set nang katangian ay hindi mo siya minamahal bilang siya kundi bilang prototype nang gusto mo sa lalake. In ader words, you fall in love with a set of traits and not necessarily with the person. Eh pano kung nakakita ka nang ibang lalaki na meron ding ganuong katangian plus plus pa. Eh di kawawa naman si boyfriend mo. Biglang matsutsugi. Get my point?
    He, he. Kasinggulo din kasi nang katanungan mo ang sagot ko. Me reklamo? He, he, he, joke lang.
    Sige bye na muna me, dyan na muna u. He, he, ang corny! God bless. Ngiti, kahit bungi.
    Mel Avila Alarilla said...
    Hi Kurdapya,
    Just in case (kung lang naman) nawala ako pansamantala sa circulation medyo pasensiyahan mo muna ang kuya mo dahil dumadaan lang siya sa napakatinding pagsubok. I want to be alone with my Lord to thresh out so many things in my life. The burden is almost unbearable but I believe in His amazing grace and I know I'll come out of this with a stronger character. Don't worry, I will continue to pray for you, sis Ems and my other bes frends. Bye muna pansamantala. (Huwag ka munang umatungal diyan. hindi pa ako yayao no?) He, he, bye muna.
    Hindi-nagpakilala said...
    wow ang tsalap-tsalap naman po yung prutas. very tempting. parang tong post mo hehehe... gandang gabi po! care to exchange links po?
    Miss Kurdapya said...
    kuya mel,

    mukha nga wala ka sa ulirat ngayon..pero wag ka naman mawawala ng tuluyan at hindi pa tayo nag bobonding nila sis ems, moccalyn.. pero, kung ano man ang ginugulo ng utak mo.. alam ko malakas ka sa itaas!

    at isang malaking AGREE sayo kung paano ba ang totoong magmahal! ..
    wag ka mag pa miss masyado ha?..God Bless! pagdasal din kita...
    Miss Kurdapya said...
    the ilocano blogger..

    salamat sa pagdaan.. sure! exchange links tayo.. ingat! see you soon ulit!

Post a Comment