mahal mo nga ba siya?




mahal mo nga ba sya???
Message: Ito ang karaniwang tanong sayo ng mga kamag-anak, at kaiibigan mo. Pero higit sa lahat, ikaw lamang ang tanging nakaka-alam sa iyong damdamin. Sa bawat tanong ay may kaukulang sagot.

Mahal Mo Nga Ba SIYA???

Oo!!! Sa dalawang titik na ito ay parang napaka daling bigkasin. Sa bawat kilos o galaw maaaring ikaw ay magkamali at siya'y iyong masaktan.
Mahal Mo Nga Ba SIYA???
Ang pagmamahal ay isang bahagi ng iyong pagtitiwala sa iyong sarili at hindi pagtitiwala sa kahit sinuman. Maaaring gusto mong salungatin ang aking sinabi pero iyon ang tunay na pag mamahal.
Mahal Mo Nga Ba SIYA???
Sa lahat ng gustong mag mahal, huwag nyong unahin isipin kung ano ang inyong makukuha sa taong gusto nyong mahalin.Isipin 'nyo kung ano ang pwede nyong ma-ibibigay, ma-iitutulong at higit lahat ay kung anong klaseng pagtrato ang kaya nyong ipakita sa kanya.
Respeto, ito ang tanging pondasyon patungo sa tamang pagturing sa kanyang pagkatao.
Pagtitiwala, upang kayo ay maging bukas sa bawat isa.
Makinig, sa bawat kwento at salita na galling sa taong minimahal mo, ito'y iyong pakinggan at baka bukas di muna muling marinig ang kanyang tinig
Mahal Mo Nga Ba SIYA???
Hindi mo matanggap na wala na ang taong iyong minamahal. Galit ka sa kanya! Ngunit ang katotohanan na ikaw ay puno ng pag-sisi na siya ay iyong hinayaan mawala. Pero ano ang ginawa mo? Wala na siya! Mag sisi ka man ay hindi mo na maiibabalik ang mga bagay na inyong nasimulaan
Masakit man isipin na ikaw ay nagging maramot sa pag bibigay sa taong iyong minahal

Napaka sarap ng pakiramdam kung sa bawat yugto ng inyong pagsasama ay makikita mo siyang masaya at sa bawat umaga ay may ngiti sa kanyang mga labi.

12 Comments:

  1. Mommy Lutchi said...
    naku ang sweet naman ng mga lovers na eto...Thanks sa dalaw.
    Mel Avila Alarilla said...
    Wala sa iyo ang pagkukulang Miss Kurdapya, nasa kanya. No use na sisihin mo nang sisihin habang buhay ang sarili mo at panghinayangan ang isang pagibig na mukhang hindi naman nauukol para sa iyo. Loneliness lang at emptiness ang nararamdaman mo at lilipas din iyan. Siguro ang pagkakamali mo ay minahal mo siya nang todo todo habang siya naman ay maaaring infatuated lang sa iyo. Ang hirap kasi sa mga babae ay kulang sila sa pakiramdam pag head over heels na ang feelings nila sa isang lalake. Pinupunuan nila nang sobra sobrang pagmamahal ang nararamdaman nilang kakarampot na pagibig nang lalake sa kanila at umaasa silang baka pagdingasin din nang kanilang naguumapaw na pagmamahal ang aandap andap na damdamin nang kabila. Hindi ganuon sa lahat nang mga lalake. May mga lalake na gustong sila ang naghahabol at parang na tu turn off sila pag mas agresibo sa kanila ang babae. Mas magandang pareho ang intensity nang nararamdaman nila para sa isa't isa nang sa ganuon ay magkaagapay nilang maitataguyod ang kanilang pagibig sa isa't isa.

    Naks medyo nalula ako duon ah. Naiyak ka na ba sa ka cornihan?
    Pasensya ka na, nadala lang ako nang pagiging makata ko. Sangkatutak na nga ang aking muta sa pagiging makata. He, he, he
    Bye na muna at makikita mo rin ang Prince Charming mo. Halikan mo ang bawat palakang makita mo at baka isa sa mga iyun ay ang Prince Charming mo na. Bwa, ha, ha ,ha
    Ngiti naman. God bless and have a nice and blessed day.
    Hindi-nagpakilala said...
    I agree with tito mel, miss kurdapya, Paano mo dapat sisihin ang sarili mo kung sya mismo ang kusang umalis ang nilisan ka di ba?Pano kung nais mong ilaban ang pagmamahal pero sya ang kusang pilit na kumawala sa iyong palad,

    Hindi dapat panghinayangan, masakit sa una pero ang hapdi mawawala din, darating ang panahon na kabaliktaran sya ang magiisip kung bakita ka hinayaan mawala sa buhay nya.

    I agree talaga sayo tito mel, kaya sa pagibig I am learning, Mahalin mo muna ang sarili mo saka mo mahalin ang iba
    Miss Kurdapya said...
    GWAPASILA,

    talagang sweet.. kakaingint!..salamat sa pagdalaw din!
    Miss Kurdapya said...
    Kuya Mel,

    OO na kuya! oo na! Si Val na lang pa lagi ang may sala!. achooos! hahaha.. (galing sa movie ni Vilma santos!..)

    wala lang.. syempre.. no comment na ako... ikaw ang nag sabi na eh.. kung karanasa at karanasan lang din.. mas madami ka na noh? hehehe

    salamat!.. at nadagdagan nanaman ako ng kaalaman.. :)
    Miss Kurdapya said...
    MOCCALYN,

    hmmm.. parang nag usap lang tayo kanina? parang base on your own personal experience yan sis ha?

    isa lang masasabi ko.. KAYA MO YAN! kung ako kinaya..ikaw pa kaya?
    Hindi-nagpakilala said...
    miss kurdapya i heb a kwestyon:

    MAHAL MO NGA BA SIYA??

    hihihi
    david santos said...
    Misse Kurdapya, my friend!
    It teaches to me to translate it the language felipino. I know that you know. He teaches to me, ok?

    Have good weekend
    Miss Kurdapya said...
    Ilocano Blogger...

    cguro.. mas ko nga sya.. hahahaha!
    Miss Kurdapya said...
    TO DAVID SANTOS:

    Ajudarei traduz isto a português se quer?
    david santos said...
    Miss Kurdapya!
    It teaches to me, please!
    How you make the translation?
    Or then Phillipino teaches to me to the alphabet.
    Please, wanted Miss Kurdapya! Please!

    Thank you
    Emmyrose said...
    Okay kapatid, pasensya na at ngayon lang muli nadalaw dito busy-busyhan kse ang beauty ko sa paggawa ng moolah alam mo na malapit na bday ko may pressure na magparty at debut ko na naman balak ko ngang magpa-30 candles and roses eh sali ka? haha

    actually pag ako ang tinanong mo ng tanong mo na 'yan kelangan itanong ko muna sayo, sinong siya?? seriously, minsan feeling ko mahal ko siya minsan naman parang hindi na, pero siguro tama si kuya Mel minsan loneliness lang yan' at naalala mo lang ang love na yan kapag senti mode ka.. hayaan mo lilipas din yan' :)

    Have a nice weekend!

Post a Comment