OA kung OA




ayoko ng mainit, ayoko ng masikip, ayoko ng mabahooo, ayoko ng putik. 'yan ang linya ni maricel soriano sa isa sa mga pelikula n'ya.

kung ako ang tatanungin, ayoko din n'yan. higit sa lahat, ayoko ng mainit. lalo na ang mainit na sikat ng araw. masakit sa ulo. kaya nga kapag tanghaling tirik na tirik ang araw at kailangan talagang lumabas, nagdadala ako ng payong at nagsusuot ako ng salamin sa mata. eh ano ba kung makakasalubong ako ng mga tao at titingnan nila ako na para bang gustong sabihin: "ang OA naman nito, nakapayong na, naka-shades pa!" OA na kung OA. basta ba di masakit ang ulo ko eh.

pero isang araw, nasopla ako ng pamangkin ko, na apat na taon pa lang nu'ng mga panahong 'yun, dahil sa hidden (pero minsan lantad) grudge ko sa init ng araw. maliligo ako noon isang tanghaling sobrang init talaga ng panahon. sa banyo namin, may blinds ang bintana. pumapasok ang sikat ng araw sa loob ng banyo kaya isinara ko ang blinds, sabay reklamong halatang di natutuwa: "ano ba naman 'tong araw na 'to, sobrang iniiiit!!!!!" di ko namalayan, nasa likod ko pala ang pamangkin ko na ugaling-ugali nang sundan ako kahit nasa loob na 'ko ng banyo. di ko pala naisara ang pinto. biglang nag-dialogue. "bakit, Diyos naman ang gumawa sa araw ah! galit ka ba sa Diyos?"

ano pa ba ang maisasagot ko dun kundi "syempre hindi!" pero di ko na s'ya sinagot. di na ako nakakibo. oo nga naman. may punto s'ya dun. bigla tuloy akong nahiya sa kanya, at sa Kanya. o sige na nga, ok na sa akin ang init ng sikat ng araw. papalitan ko na ang dialogue ko. eto na lang: ayoko ng mabahooo! hindi mo lang alam...dahil wala kang alam!!! pero s'yempre, ibang istorya na 'to.

3 Comments:

  1. Mel Avila Alarilla said...
    Hi Kurdapya,
    Galit ka pala sa araw.He, he, he. Hindi ka naman siguro anak araw na hindi makatiis sa sinag ng araw dahil parang matutunaw. He, he, he. Eh pano yan, hindi ka rin pwedeng gumimik sa beach. He, he, he. O lalong hindi pwedeng mag bikini. Mas He, he, he. Palagi ka kamong naka shades, baka naman me sore eyes ka o kaya kuliti na itinatago mo lang. He, he, he. O baka naman pareho kayo ni Randy na ratsky. He, he, he, joke lang. Ay, masarap talagang mang alaska lalo na't ganitong umuulan. He, he, he.
    Sige na nga aalis na po't baka matuluyang mapikon ka. He, he, Ganda siguro nang itsura mo pag napipikon at nakasimangot. Bwa, ha, ha, ha, ha.
    Miss Kurdapya said...
    oo kuya! aminin ko man o hindi... ayaw ko talaga ng araw! takot ako mamaho..mangitim at masunog.. ayaw ko din ng malagkit at pawis.. hehe..
    sa totoo..hindi ako nagpupunta ng beach! kaya kahit yayain ako sa boracay... hindi po ako sumasama..hehehe,,kasi... ang isa pang dahilan...HINDI AKO NAG BIBIKINI! BWAHAHAHA!
    xxiv. said...
    isa pang article na kinopya. pakibura na lang please kung di mo papangalanan ang totoong nagsulat nito.

Post a Comment