Eto ang "parang kayo, pero hindi" ... bsahin nyo n lng...
Ang karamihan ang tawag dito ay MU or mutual understanding.
Parang isang relasyon, pero hindi.
Ito ay isang stage na ang dalawang tao ay nag tuturingan ng higit sa magkaibigan, pero less than lovers, Puwedeng may verbal agreement, puwedeng wala. One or both of you may have admitted your feelings, possible ding hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo mag-dyowa. Pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi..( ay! ang gulo simula pa lang!)
Itong klase na relationship na ito, pwedeng mangyari sa ibat ibang pangyayri sa buhay ng tao.
Pwede mangyari pagkatapos ng break-up. Mahal niyo pa ang isat isa , at gusto niyo pa magkasama kayong dalawa pero, nag break kayo dahil meron rason. At sa kung ano man ang dahilan ng pag hihiwalay niyo, ayaw niyo na muna magkabalikan.
It can also happen before a relationship, iyong pareho kayong nakikiramdam. Possible din n ayaw niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna. Testing lang. (tama ba un?!)
Puwede ring, hindi puwedeng maging kayo kasi isa sa inyo may ka-relasyon na.
Kaya habang hindi pa siya nakikipag-break doon sa karelasyon niya (sabi niya makikipag-break siya soon pero di naman niya ginagawa) wala muna kayong relasyon para nga naman hindi siya nangangaliwa, kasi "hindi naman kayo."
Sa simula ng ganitong klaseng relastion, masaya, nakakakilig, ayos!, ok, walang commitment. Lalo na kung naghahanapka lang naman ng "KALARO."Pero huwag ka lang mag-e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan. Eh, bakit ang daming nagse-settle sa ganitong set up ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan? Iba't ibang dahilan.Puwedeng for fun lang. Puwedeng "buti na iyan kesa wala" o puwede na iyang "pantawid-gutom." Ibig sabihin, habang wala pa iyong the real thing. Doon muna sa kunwa-kunwarian.
Para sa mga na walang pang seryosong relasyon, iniisip nila minsan na pwede na ang ganitong klaseng relasyon kesa sa wala. Masaya! as in sobrang saya kung ang habol mo lang ay ang "kilig" . Pero, nalaman ko na kahit pala ito ay isang pseudo-relationship, the emotions were real.
sa madalit salita..
TOTOO na NARARAMDAMAN MO!
( HOY! BASAHIN MO ITO!...totoo nararamdaman ko!)
AT kadalasan, sa ganitong set-up, merong malulugi.. "ung na in love na.. "Una, you can't ask him to commit. Dahil it's not really a relationship, you can't demand commitment from your partner. Ano ba kayo? Hindi mo alam kung ano ba ang papel mo sa buhay niya. You can't expect him to be always there with you.
AT kapag dumating na ikaw ay magselos sa ibang babae, kimkim mo sa dibdib mo hanggang sumabog na lang, dahil wala ka karapatan mag selos. Ano ka ba niya para magselos? Pangalawa, papano kung talagang sobrang na in love ka na sa kanya? Wala kang din kasiguraduhan na parehas kayo ng nararamdaman, Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya...pero hindi naman pala.
At kahit gigil na gigil ka na at parang mamamatay ka na para sabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman mo na mahal mo siya, hindi mo naman magawa. Dahil, hindi mo lalo alam kung magugustuhan niya ang sasabihin mo o deadmahin ka lang niya. Baka mapahiya ka lang.
Etong klase na relasyon na ito, lagi ka na lang nagiisip, wala ka na katahimikan sa katagalan, kung.. nasa relasyon ka ba ngayon or meron ka ka relasyon.
Pangatlo, what if you become attached too much?
Paano kung binuhos mo ang 101% ng emotion mo sa kanya, tapos yung lalaki hindi naman pla ganun? Paano kung naging solid fan ka niya? ( loyalist baga!) tipong hindi ka na nakikipag date sa iba at tumatangap ng ligaw? Tapos, malaman laman mo, kaliwat kanan ang date niya sa ibang babae.
Isa pang downside ng pseudo-relationships, it is fleeting. (hindi ko alam sa tagalog! ..sorry po!)
Kapag nagkaroon na ng pagtatalo, o ang isa ay nanglamig na at nagsawa na sa ganitong resyon.. O kaya'y nakahanap ng ibang kaututan dila. TIGOK ka na!..yun na ang katapusan ng masasayang araw mo...Iiyak ka nanaman ng hindi niya nalalaman.
Hindi mo alam kung saan ka lulugar sa isang pseudo-relationship.
Wala kang pinanghahawakan.
Kasi sa pseudo- relationship,
there is no " US." Meron lang "YOU and ME" .Hindi "US".
insinuate that I don't reciprocateyour emotions just because I declineto perform an act of coitus with you. "
contrlling my feelings. I have to push myself into not loving him. This is so wrong...
Si Inday na-inlove sa amo. Ibang level na talaga...
- sabi ni Inday sa amo nung humingi sya ng day off...
Amo: Inday bakit nagkalat ang basura sa likod na bahay?!
challenges of the outside world. I want to grow as an individual with dynamic experiences."- Inday, nagrereklamo dahil ayaw isama sa Enchanted Kingdom.
proximate cause why I love you. We have some rules to think of. We have no vested rights to
love each other because the upper household dismissed my petition!"
- ganito nakipagbreak si Inday kay Dodong (driver ng kapitbahay)
sources: pinoyexchange, candymag
Tama na! Pagod na din ako..hehehe...
Kailangan ba talagang malaki ang boobs ng isang babae para magustuhan siya? Pano kung singlaki lang ng pisong pandesal? May manliligaw pa rin kaya?
Sa sariling opinyon ko, hindi naman talaga kelangang malaki ang boobs ng babae. Oo, asset na kung asset kung malaki. Pero hindi yun ang magiging basehan kung liligawan ka o hindi. Dapat, CARRY MO sister!
Sa totoo lang, may maling pananaw din kasi ang mga babae (at lalake) na kung malaki ang boobs ng isang babae, patok na patok siya sa lalake. Kumbaga, kelangan daw malaki ang boobs para magkaroon ka ng epekto sa mga male species. Pero hindi naman talaga di ba mga lalake? Di ba? Di ba? ( Ngyek! Hindi ba?)
Kahit anong sukat ng hinaharap mo, okey lang yan. Basta carry mo girl, rerespetuhin ka. Kung malaki ka man, be proud! But always make sure you don't disgrace yourself. Hindi boobs mo ang magbibigay sayo ng character mo. Kundi sarili mo.
At kung liligawan ka rin dahil sa boobs mo, naku sister, batukan mo na lang at hintayin ang Prince Charming mo. Obviously, may ibang gusto ang lalaki na yun sa iyo. At teka, kung malaki sayo, malaki rin ba kay boy? O ha, di ba! Dapat naisip mo yun! Hehehe. Para patas di ba.Hahaha!
At hindi naman mahalaga sa isang lalake ang malaking boobs eh. Di ba guys? Di ba!? (umaastang susuntok) hehehe!!!
PATAWAD Bro. MEL! sa artikulo ko ngayon! :)
pakinggan nyo yung kanta habang binabasa post ko ngayon, ng maramdaman nyo yung sakit na nadarama ko at luhang umagos.eto pinakikingan ko habang binubuo ko ang artikulo na ito... .salamat.
Minahal kita kahit mali, hinintay kita nang sobrang tagal, nagbigay ako kahit ubos na, nagparaya kahit sobra na. Lahat na ginawa ko, hindi pa ba sapat ang lahat ng yun para mahalin mo ko?
Pag may nawawala satin madalas makaramdam tayo ng lungkot o panghihinayang. bagay man o tao....minsan nawawala sila ng di inaasahan o minsan pinili mong pakawalan sa isiping yon ang makakabuti.
May mga pagkakataon naman na lahat ginagawa mo para lang manatili sila satin pero siguro sadya na rin ng tadhana na mawalay tayo sa kanila para matuto tayo, matutong tanggapin na walang permanente sa mundong ito. matutong tanggapin na di lahat ng tao ay panghabambuhay mo makakasama maging ito ay kapamilya, kaibigan o minamahal. matutong tanggapin na may mga bagay o tao na kailangang mawala o mawalay sayo para malaman mo ang kahalagahan nila. di ba ganon naman yon kadalasan..pag wala na dun mo napagtatanto ang kahalagahan nila sa buhay mo.
Marami ng nawala sakin. materyal na bagay, mga taong minahal, pinahalagahan, inalagaan sa puso at kailangang pakawalan. maraming bagay ang sinakripisyo ko. materyal lang yon, maari mong makuha basta't paghirapan at pagsikapan. marami ng taong nawala sakin...mga mahal ko sa buhay na kasama na ni God.
Yung iba nawala dahil yon ang gusto nila, dahil mas masaya sila sa natagpuan nilang buhay kasama ang iba. yung iba nawala dahil kailangan ko silang pakawalan para sa kapakanan ng iba...para sa kapakanan ko, at yung iba sadya kong pinakawalan dahil alam ko na yun ang tama at mas makakabuti para sakin.
sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nakadama ng ganito....yung hinayaan mong mawala yung taong "akala" mo mahal ka pero sa isang banda dumating sa realization mo na lahat e "waste of time" and "waste of effort".
Gagaan ba ang feeling kung pakawalan ang isang tao na kahit gusto mong maging bahagi ng buhay mo? napapaisip ka..."is he worth it?" tapos sasagot ang konsensya mo..."di ka dapat manghinayang dahil tama lang ginawa mo!" imbes na lungkot, saya at kaluwagan sa dibdib ang kapalit ng pagkawala. sa puso mo marahil sinungaling, pero mahirap ba paniwalaan ang isip na "im better off without him".
Wala akong ibang pangarap kundi ang makasama ka. Wala akong ibang inisip kundi kung paano ka mapaligaya. Wala akong ibang pinagdasal kundi sana ikaw na nga. Pero wala naman akong magawa para maging tayong dalawa
Dahil wala na tayo, siguro di yun kawalan sayo, di yun makakaapekto sayo. Pero gusto ko lang malaman mo na malungkot ako. Bakit? Kasi wala kang ginawa. Hinayaan mo lang akong mawala
SALAMAT.. sa nakaraan, sa mga ala-ala, sa mga nabuong pangarap, at sa leksyong natutunan,
PAALAM... wla na kong babalikan, di na dapat pagsisihan ito ay isang pasasalamat at pag papaalam sa iyo, bilang isang magandang bahagi ng aking nakaraan.
habang ako ay nag gagawa ng blog at nag check ng email ko, biglang kumatok si inday at may inabot na box sa akin. nagulat ako.. pero si inday merong mga ngiti sa mga mata nya na hindi ko mawari kung ano yun. isang DHL package. Ano? package ba kamo? OO tama.. isang package nga.....Dahan dahan ko itong binuksan at isang dosenang nagmumurang pulang rosas ang tumambag sa aking mukha! WHAAAAAT!!!???? ROSES ? napa OH YES! ako, bulaklak nga..naantig ang puso ko..nangilid ang luha ko. na tats ako sa madaling salita(to affect with some feeling: , bagbaginako in other words..:) Nasa college pa ata ako ng huling maka tanggap ng bulaklak..mga ilan years ago na din yun, akala ko nga kapag deadbol na ako dun na lang ulit makaktanggap ng bulaklak hindi naman pala.....parang nanariwa ang aking pagiging teenager, na napupuno ng bulaklak ang kwarto at salas namin dahil every other day meron nagbibigay ng dosedosenang bulaklak (kasi, mura bulaklak nun sa dangwa!) hehe... Sinong salarin? sinong nag padala... binuksan ko ang card na kasama nito , at galing pla ito sa aking isang kaibigan na nasa malayung lugar.
Huwag na masyadong matanong kung bakit ako pinadalhan..cguro dahil ako'y maganda? eeee...siguro ako'y mabait?eeee...siguro meron siya kailangan sa akin? hmmm...eeeee...siguro sya ay nagsisisi dahil lagi nya inaalisputa pagkatao ko. ah alam ko na! siguro dahil wala na siya pag lagyan ng pera nya kaya gumastos na lng sya. hahaha! Natutuwa ako sa totoo lang , dahil kapag kami ay nag uusap nito, alaskahan, laitan ng pagkatao at murahan palagi, malabo matapos ang usapan namin ng walang "tanga" "gago" "baliw" "sira" "engot", Yun pala, meron natatago na ka sweetan ang kaibigan ko na ito.
Mabait lang cguro yung kaibigan ko at napaka maalalahanin...kung sakali mapadpad sya sa blog ko eto sulat ko para sa kanya.
mahal kong kaibigan,
salamat sa bulaklak na pinadala mo, sobra mo akong napasaya at na tats. kung ikaw ay magpapadala ng bulaklak ulit, at wala ka na ulit mapag lagyan ng pera mo, samahan mo na din ng tsokolate at money order...hehehe..:)
nagmamahal ng lubos,
kurdapya
ps. walanghiya ka pla, at natinik ako dahil inayos ko yung bulaklak para ilagay sa tabi ng kama ko. masama ata loob ng pagbigay mo? hehehe.. buo na ulit araw ko! ;)
naisip ko tuloy, para pala akong isang espesyal na ensaymad na may queso de bola at mantiquilla sa ibabaw...hmmmm..masarap..... ;)
Iyan ang isang text message na fi-norward ng isa kong kaibigan. Dahil diyan, naalala kita at naisip ko ang tungkol sa ating dalawa...
Hay, ang dami kong inakala tungkol sa iyo. Mga bagay na kailan ko lang nalaman. Minsan pala, sa huling sandali mo lang makikita ang hubad na katotohanan. Mahirap maniwala agad. Masakit umasa.
Nang makilala kita, nahulog na agad ang loob ko sa iyo. Napakabait mo kasi, di lang sa akin, kundi sa lahat. Kahit ang layo na ng naabot mo, masasabi kong "down to earth" ka pa rin kasi may panahon ka palagi para sa lahat. Di na ko magtatakang crush ka ng bayan. Di ko makakailang paborito ka ng mga ka-trabaho mo. Sa katunayan, sa tuwing lalapit ako sa iyo, ilang beses ko pang pag-iisipan kung lalapit na nga ba ko - nahihiya talaga ko sa iyo noon. Pero sa kabila ng ugaling pagka-mahiyain ko, ikaw ang nagpawala nun. Para bang lagi akong tanggap sa tuwing kakausapin o lalapitan kita. Minsan nga kapag nagkakasalubong tayo, ikaw pa ang unang bumabati. Iba ang pakiramdam talaga kaya nung isang beses na kinailangan mo ng tulong, di na ako nag-atubili pang tulungan ka. Maliit na sukli yun sa nakahihigit na ngiting binibigay mo sa akin. Simula noon, lalo pa kong napalapit ang loob ko sa iyo. Dumating pa nga yung pagkakataong tinulungan mo ko nang magka-problema ako. Naglaan ka ng panahon kahit alam kong ang dami-dami mong ginagawa talaga. Laking gulat ko nun. Di ko kasi inasahang ang isang tulad mo, gagawa ng pabor para sa isang katulad ko. Para bang umabot ang langit sa lupa at bumaba ang bituin mula sa mga ulap. Sa tuwing nangyayari yun, nag-uumapaw ang galak sa puso ko. Simula noon, nag-iba na ang tingin ko sa iyo at lalo pa kitang pinuri, hinangaan. Hindi mo lang alam, kung paano mo pinawi ang lahat ng pag-aalinlangan ko sa buhay. Dahil sa iyo, mas natutunan kong magpahalaga. Binawi mo ang mga lungkot sa damdamin ko at pinalitan mo ng bagong pag-asa.
Nasanay na tuloy akong palagi kang nandyan. Nalunod ako sa pag-asa. Pag-asang di ko naman dapat sinimulan pero nagtuluy-tuloy sa damdamin ko. Lagi na kitang hinahanap. Lagi na kitang gustong makausap. Nawala sa isipan kong di lang ako ang iniikutan ng mundo mo. "All-around" ka nga pala. Friends lang tayo. Ano nga namang karapatan kong magtampo kung minsang nawawala ka na sa tabi ko. Sinusubukan ko minsang magparamdam para lang mapansin mo ko ulit. Para na nga kong tanga minsan eh. Nalulungkot na lang ako palagi sa tuwing nararamdaman kong pinagsasawalang-bahala mo na ko. Nangarap kasi ako ng gising eh. Gusto sana kitang sisihin sa lahat ng pagluha ko pero... ano naman ang ibubunton ko sa iyo, eh ako lang naman ang umasa simula pa noon.
Sana dumating na yung panahong makalimutan ko ng umasa. Misinterpreted feeling lang siguro yun. Na-sobrahan ako sa pantasyang inalok sa akin ng pagkakataon. Di ko naman pinagsisihang dumating ka, pero sana di ka dumating nang ganoong katindi sa puso ko. Sa kabila ng lahat, nagpapasalamat pa rin akong nakilala kita. Iba ka sa lahat at marahil yan ang rason kung bakit kay dali kong nahulog sa iyo noon.
"Minsan naiisip kong sana di na lang kita nakilala, masaya naman ako noon eh kahit nung wala ka pa! Di tulad ngayon, pinahihirapan mo lang ako. Alam kong di mo sinasadyang makilala mo ako. Ako rIn eh, di ko sinadyang mahalin ka nang ganito!"
**PAALALA..ang istorya na ito ay hindi hanggo sa tunay na buhay ng nagsulat, sadyang pinalitan ang katauhan sa istorya....... (guilty?)hehehe!
Nung iniwan mo ko, ikaw ang sinisi ko kung bakit ako lubos na nasaktan. Mahal kasi kita pero di mo ko maintindihan. Ngayon salamat, ha? Kasi kung di mo ko iniwan, hindi ko siya matatagpuan.
When you ran, I chase you. You told me to stop following you. When I stopped, you got mad! Aminin mo na. In love ka rin sa kin, no?
Kapag ikaw ang iniyakan , ang swerte mo dahil mahal ka nga niya! Pero pag ikaw ang umiyak dahil lang sa kanya, di ka lang malas, tanga ka pa! Lalaki lang yan, pwede ba?
Nagkita kami ng ex mo kanina. Nalaman niyang tayo na. Pinagmasdan niya ko at bigla siyang tumawa. Sabay sabi, “Pang-ilan ka? Ako kasi yung una!” Sagot ko, “Una ka nga, ako naman ang last niya!”
Before, hinahabol kita pero di mo ako pinapansin. Tapos isang araw nawala ako, hinanap mo ako at tinanong, “Bakit ka nagsawa?” Ngumiti ako, “Hindi ako nagsawa. Natauhan lang.”
Simple lang para hindi ka masaktan. Kapag minahal ka, mahalin mo din. Kapag ginago ka, gaguhin mo rin. Pero kapag umiyak ka, tanga ka! Ginago ka na nga, iiyakan mo pa?
***galing ito sa luma kong BLOG noong 2004..naisip ko hanggang ngayon, ganito pa din ako..haays!
minsan, gusto mong magsulat dahil maraming pumapasok na ideya, wala ka namang papel. minsan, may papel ka nga, wala ka namang ballpen. minsan, may ballpen ka nga, wala namang tinta.
ang masaklap n'yan, minsan pag and'yan na ang papel at ballpen na may tinta, nawawala naman ang ideya.
masarap magmahal.
minsan, gusto mong magmahal dahil maraming mailalabas na pagmamahal, wala namang pwedeng mahalin. minsan, may p'wede ka na ngang mahalin, wala namang panahon para mailabas ang pagmamahal. minsan, marami ka ng panahon para magmahal, napapalayo naman sa 'yo ang gusto mong mahalin.
ang masaklap n'yan, pag and'yang malapit na ang taong p'wede mong mahalin at marami ka na ring panahon para magmahal, nawawala naman ang pagmamahal.
buti na lang may blog. p'wedeng magsulat kahit walang papel at ballpen. ideya? madali na 'yun. nand'yan naman ang pagmamahal. maraming p'wedeng isulat tungkol sa pagmamahal.
masarap magsulat. masarap magmahal. masarap magsulat tungkol sa pagmamahal. o, wala nang kokonta, ha? ang kumontra, pangit! :)
nagising ako kaninang umagang madilim pa ang paligid. maaga pa. pwede pa kong matulog ulit. pero di na 'ko nakatulog ulit. bigla akong gininaw. pinanindigan ng balahibo. kinuluan ng t'yan.
pinilit kong wag pansinin ang t'yan ko. ayokong bumangon. di pa oras para mag-ayos papasok sa trabaho. masarap pang magnakaw ng ilang sandaling tulog. minsan na nga lang ako makalapat sa malambot na kutson ng kama ko, pipigilan pa ako ng t'yan kong ito. hindi ako papayag.
pero natalo ako. hindi ako tinigilan hangga't di ako tumayo, lumabas ng kwarto at patakbong binagtas ang 13 baitang ng aming hagdan. di na ata aabot. lalabas na. malayo-layo pa ang banyo.
madilim pa ang kabuuan ng bahay, pero hindi ang kusina. gising na ang nanay ko, may nilulutong kung ano. may sasabihin sana s'ya nu'ng nakita n'ya akong nagmamadaling papunta ng banyo, pero di ko na narinig. nagmamadali ako. mamaya na ang chika.
aabot, o aabutan? kailangang umabot. di ko na hinangad na maghagilap pa ng dyaryong mababasa. wala ng panahon para doon. pang-normal na transaksyon lang ang nangangailangan ng dyaryo o kahit na ano'ng mababasa. iba 'to. emergency 'to.
pagpasok sa loob ng banyo, pagkasarang-pagkasara ng pinto, umupo na ako. sakto. umabot. whew! buntung-hininga.
pagkatapos ng transakyon (debit sa akin, credit sa inidoro), nakangiti akong lumabas ng banyo. wala na ang nanay ko sa kinatatayuan nya, pero di ko na sya hinanap para itanong pa kung ano ang sasabihin nya sana kanina. tumuloy ako sa k'warto ko para magnakaw ulit ng ilang sandaling idlip.
di pa ko nadadala ng tulog ko sa malalim na estado ng rapid eye movement, nang bigla na naman akong gininaw, pinanindigan ng balahibo, kinuluan ng t'yan. oh no, not again!
may sumpa 'ata ang siopao na may itlog na maalat na kinain ko kagabi.
-----------------------------------------------------------
dahil sa pangyayaring ito, eto ako at natengga sa bahay, o mas tamang sabihin, sa banyo. pero handa na ako. iniwan ko na ang bagong magazine na binili ko sa loob ng banyo, para kung kelan man sumumpong ulit ang makulit kong t'yan, madali ko na madadampot ang babasahin. sayang ang oras. maraming dapat gawin kaysa tumambay lang sa loob ng banyo para mailabas sa katawan ko ang sumpa ng siopao.
Periplaneta americana Linnaeus yan and scientific name ng IPIS at Rattus norvegicus ang scientific name ng DAGA..kaninag hapon meron ba naman lumilipad na ipis na dumapo sa likod ko habang nag telebabad ako. anak ng pitong pugo! napatalon ako sa takot! napa tili ako sa gulat! at napa sigaw ako sa kadirihan..kinilibutan buong katawan ko,sa buong buhay ko, ipain mo na ako sa tigre wag lang sa dalawang kinatatakutan ko at pinandidirihan talaga....DAGA AT IPIS!.
Pero, naisip nyo ba na merong mga tao na kumakain ng ipis at daga? hindi ko maintindihan paano nakakayanan makain nila ito? naiisip ko pa lang nasusuka na ako. Pasensya na po kung isa kayo sa kumakain ng daga or ipis...sariling opinion ko lang ito. meron ako napanood at talagang hindi ko ito matignan ng diretso sa mata, naduwal talaga ako ng nakita ko ito.
*BABALA sa MANONOOD
WAG PANOORIN KUNG MAHINA ANG SIKMURA **
PART 1
PART 2
PART 3
dahil madaming oras ako maghapon, inayos ko ang listahan ng mp3 ko sa PC. Tapos, naisip ko bakit hindi ako mag download ng mga kanta na kakaiba or shall i say mga kanta na "baduy" pero astig ang title o ang singer. sa totoo lang, nahirapan ako. at pinagtawanan ako ng kapatid ko ng makita nya kung ano ang kanta na hinahanap ko sa limewire...nakakalungkot man sabihin, pero...ang ibang kanta WALA AKO NAKITA NI ISA...kaya kung meron kayo natatago ng mga kanta na ito..share nyo naman.. :) serious ako..astig eh!
. Mga Kantang Matagal Ko nang Hinahanap
1. "Pag-ibig Ko'y Metal" by (Jograd la Torre &) the Thinkers
2. "Saddam" by Lady D
3. "Sana'y Pag-ibig" by Kristina Paner
4. "Saigo No Iwaki" by Keempee de Leon [his version of Ted Ito's version, "Ikaw Pa Rin"]
5. "Nunal" by Vincent Dafalong
6. "Hindi Ako Iiyak" by The Flippers
7. "Got to Let You Know" by Tito Mina
8. "Tamis ng Unang Halik" by Kristina Paner
9. "Ikaw Pa Rin" by Ted Ito
10. "Mamang Sorbetero" by Celeste Legaspi
11. "Saranggola ni Pepe" by Celeste Legaspi
12. "Da Coconut Nut" by Smokey Mountain
11. "Sino ang Baliw?" by Kuh Ledesma
12. "High School" by Sharon Cuneta
13. "Miss na Miss Kita" by Father & Sons
14. "Maganda ang Piliin" by Michael V.
15. "Tukso" by Eva Eugenio
naghahanap din ako ng kundiman songs
Dahil Sa Iyo
Kapantay Ay Langit
Marupok Na Sumpa
Sapagkat Kami Ay Tao Lamang
Birheng Walang Dambana
Buhat
Kahit Sino Ka Man
Bakit Di KIta Malimot
Sa Ningning Ng Mga Mata
Ikaw
Inday ng Buhay Ko
Tapat Na Pag-ibig
Kay Lupit Mo Pag-ibig
Orasan Ng Pag-ibig
Luha Ng Pag-ibig
Paano Kita Lilimutin
wala lang..gusto ko lang maiba ang kanta sa mp3 ko..hehehe..nakakasawa na kasi yung traditional na kanta na pinakikingan ko araw araw eh...hehehe..
hindi naman ako baduy masyado noh?
nag pa grocery ako kanina sa kapatid ko dahil wala ng laman ang ref ko sa kwarto,gabi gabi kasi twing nag cocomputer ako, gusto ko may iniinom or kinukutkot. since tinatamad ako lumabas at mas gusto ko pa matulog at mag pa massage sila na lng nag grocery para sa akin. tinanong ng pamangkin ko kung bakit daw ang dami dami ko binibili na juice at walang tsitsirya...dati madami na ang juice , madami pa junk foods..pero simula ng naisip ko na mag diet, panay juice na lang. Sumagi din sa utak ko kung panay ganito ang iinumin ko araw araw...papayat ba ako?
Bakit ang mga artista na yan, kapag gusto nila pumayat sa isang saglit lng payat na? haaay...sana artista ako o kaya member ng asf dancers ng pumayat agad sa kakasayaw kahit walang tulong ni dr.belo.
nagbabalik...hindi naman daw tinaggap ng Manila Standard resignation nya, pero bakit sinabi sa inquirer.net na hindi na daw magsusulat si malungay, pero..bakit nagbalik? hmmmm...cguro..madaming fans sya at madaming susubaybay sa mga kasosyalan nya..kung yun ang dapat itawag...kaya, nag pakuha pa ako tuloy ng dyaro ng MS bukod sa Philippine Star na regular na binabasa dito sa bahay, mukhang dadami ang bibili ng dyaryo ngayon...at magsisimula nanaman sya magkalat ng lagim, mukhang ginawa syang marketing strategy ng Manila Standard.Eto yung article nya today, ok lng naman at wala syang nilait kahit cheap o local branded make-up ok na sa kanya..hmmm...play safe sya sa first article nya, sundan natin ang susunod na mga articles..hehehe
siguro..sa bawat blog na bubukasan ko. hindi pwede hindi ko i-post itong sulat na ito.na nagbabakasakali, mapadpad sya sa blog ko at maisip nya na sya yun..awww! madaming nagdaan na relasyon..ngunit hindi ko masasabi na IKAW NA NGA!...kaya ako nananawagan..kung sino ka man magpakilala ka na...hehehe!
A LETTER to THE ONE that GOD has Prepared for ME
I am wondering at this very minute if you are thinking of me, if you like me, you are wondering what is taking us so long to find each other
Many times I thought I finally found you only to be disillusioned by the fact that my wait has not yet ended. I get up each morning hoping, dreaming, longing to meet you. I am thinking of how we will Meet, would it be as romantic as the ones I have seen in movies? Or is it possible that I have known you all my life but we have yet to realize that we are meant for each other? Oh how I wish you were here right now because you are the only one who has the answers to all my questions.
Sometimes I ask myself if I have ever really known "love". I do not have the answer to that question either but I believe that, more often than not, we will never really know what love is until we find that right person....
You just don't know how often I dream of finally knowing what it feels like to be in your arms. Even at this very moment I am imagining how you will simply sweep me off my feet! Perhaps I would be drawn to you by your smile, or your eyes, or maybe even how you manage to make me laugh by your silly little ways! I don't really know for sure but I am praying that God will help me recognize you when the right time comes.
I think of all the pain that I have gone through in the past and of how much I have cried since the day I began my search. I just wanted you to know that I find my strength in clinging onto my vision of the beautiful life ahead of me --- the life I shall spend with you. In my mind and in my heart I know that you are worth all that pain and sacrifice. After all, the tears have become a part of my life and I believe that they are slowly washing away my flaws so that I would become perfect, not perfect in its truest sense, but perfect --- for YOU! I wonder if you've gone through so much pain as well. I wonder if you've been hurt so many times along the journey. But my dearest one, please don't ever give up because I am right here... patiently waiting for you! I assure you that when we finally find each other I would slowly heal those wounds by my love.
At night, I would look out my window and stare at the beautiful sky, hoping that somehow you are also looking up and wondering about me. I utter a silent prayer and send all my cries to the heavens above thinking that in time they would reach you. And when I feel impatient, I just close my eyes and believe that you are on your way and that you are longing to see me as well. It is funny but when I finally fall asleep, it is still you that I think of, for you are always in my dreams. It seems that, for now, that is the only place where I can hold on to you, long enough to tell you how much I love you. In my dreams you would kiss away my fears and wrap me with your arms of love.
And this, all the more, makes me want to wake up and face the new day ahead with the hope that soon enough, you will no longer be a dream but a reality and once again I am assured that you are worth the wait. And when that time comes, everything will fall into its place, just as I had imagined, just as I had thought and dreamed, just as I had believed it would be! By then, I would simply look back and smile at all that I have gone through, inspite of the pain and amidst the simple joys of life --- and I would be very thankful because they all led me to you!
In the meantime, take care of yourself for me. Hold on to our dream and don't even think of letting go. Believe in your heart that we will find each other no matter what happens. God has planned the course and it is up to us to follow the directions. Don't worry, don't be afraid about getting lost, God saw to it that all the roads, no matter which one you choose to follow...lead to me
hindi ko alam kung kaya ko talaga gawin ito at panindigan ang pagsulat ng BLOG..eto nanaman ako..madaming BLOG na ako ginawa dati since 2004, at dahil ito sa kaibigan ko na si JON CABRON. Sya ang taong nag turo at nagbukas ng aking mata sa cyber world..(kahit ano pa ang tungkol dun) hehe.. sya ang taong matyaga sa pagturo, kahit hanggang 5am or 6am kung paano gumawa ng layout at gawin ang isang bagay na may kinalaman sa cyberworld...at cguro ng tinamad na sya turuan ako ay pinahiram na nya ang libro nya sa akin (ay! hanggang ngayon nasa akin pa din! at hindi ko nababalik pa!) nyek! Meron ako sa friendster blog at dun ko lang talaga nilalabas saloobin ko..pero ngayon..tama ba ito? lumalabas na ako sa mundo ko... binuksan ko ulit itong Blogger ko na matagal ko na sinubukan mag post pero hindi ko tinuloy, dahil most of the time..blanko ang utak ko at hindi ko alam kung ano ang dapat ko ilagay..pero ngayon, naisip ko na dapat, huwag na ako magkubli at buksan ko ulit ang mundo ko kahit dito lang sa cyberworld.
isa lng gusto ko mag karoon ng kaibigan or ka-ibigan kahit ano pwede na!