"Dumating sa punto ng buhay kong akala ko gusto mo ko. May nakita kasi akong mga dahilan para mahulog sa iyo. Tapos nalaman kong ganun ka din pala sa iba. Mabait ka lang talaga, akala ko gusto mo ko!"
Iyan ang isang text message na fi-norward ng isa kong kaibigan. Dahil diyan, naalala kita at naisip ko ang tungkol sa ating dalawa...
Hay, ang dami kong inakala tungkol sa iyo. Mga bagay na kailan ko lang nalaman. Minsan pala, sa huling sandali mo lang makikita ang hubad na katotohanan. Mahirap maniwala agad. Masakit umasa.
Nang makilala kita, nahulog na agad ang loob ko sa iyo. Napakabait mo kasi, di lang sa akin, kundi sa lahat. Kahit ang layo na ng naabot mo, masasabi kong "down to earth" ka pa rin kasi may panahon ka palagi para sa lahat. Di na ko magtatakang crush ka ng bayan. Di ko makakailang paborito ka ng mga ka-trabaho mo. Sa katunayan, sa tuwing lalapit ako sa iyo, ilang beses ko pang pag-iisipan kung lalapit na nga ba ko - nahihiya talaga ko sa iyo noon. Pero sa kabila ng ugaling pagka-mahiyain ko, ikaw ang nagpawala nun. Para bang lagi akong tanggap sa tuwing kakausapin o lalapitan kita. Minsan nga kapag nagkakasalubong tayo, ikaw pa ang unang bumabati. Iba ang pakiramdam talaga kaya nung isang beses na kinailangan mo ng tulong, di na ako nag-atubili pang tulungan ka. Maliit na sukli yun sa nakahihigit na ngiting binibigay mo sa akin. Simula noon, lalo pa kong napalapit ang loob ko sa iyo. Dumating pa nga yung pagkakataong tinulungan mo ko nang magka-problema ako. Naglaan ka ng panahon kahit alam kong ang dami-dami mong ginagawa talaga. Laking gulat ko nun. Di ko kasi inasahang ang isang tulad mo, gagawa ng pabor para sa isang katulad ko. Para bang umabot ang langit sa lupa at bumaba ang bituin mula sa mga ulap. Sa tuwing nangyayari yun, nag-uumapaw ang galak sa puso ko. Simula noon, nag-iba na ang tingin ko sa iyo at lalo pa kitang pinuri, hinangaan. Hindi mo lang alam, kung paano mo pinawi ang lahat ng pag-aalinlangan ko sa buhay. Dahil sa iyo, mas natutunan kong magpahalaga. Binawi mo ang mga lungkot sa damdamin ko at pinalitan mo ng bagong pag-asa.
Nasanay na tuloy akong palagi kang nandyan. Nalunod ako sa pag-asa. Pag-asang di ko naman dapat sinimulan pero nagtuluy-tuloy sa damdamin ko. Lagi na kitang hinahanap. Lagi na kitang gustong makausap. Nawala sa isipan kong di lang ako ang iniikutan ng mundo mo. "All-around" ka nga pala. Friends lang tayo. Ano nga namang karapatan kong magtampo kung minsang nawawala ka na sa tabi ko. Sinusubukan ko minsang magparamdam para lang mapansin mo ko ulit. Para na nga kong tanga minsan eh. Nalulungkot na lang ako palagi sa tuwing nararamdaman kong pinagsasawalang-bahala mo na ko. Nangarap kasi ako ng gising eh. Gusto sana kitang sisihin sa lahat ng pagluha ko pero... ano naman ang ibubunton ko sa iyo, eh ako lang naman ang umasa simula pa noon.
Sana dumating na yung panahong makalimutan ko ng umasa. Misinterpreted feeling lang siguro yun. Na-sobrahan ako sa pantasyang inalok sa akin ng pagkakataon. Di ko naman pinagsisihang dumating ka, pero sana di ka dumating nang ganoong katindi sa puso ko. Sa kabila ng lahat, nagpapasalamat pa rin akong nakilala kita. Iba ka sa lahat at marahil yan ang rason kung bakit kay dali kong nahulog sa iyo noon.
"Minsan naiisip kong sana di na lang kita nakilala, masaya naman ako noon eh kahit nung wala ka pa! Di tulad ngayon, pinahihirapan mo lang ako. Alam kong di mo sinasadyang makilala mo ako. Ako rIn eh, di ko sinadyang mahalin ka nang ganito!"

Naisip ko nga minsan kung bading ka? O sadyang hindi mo lang ako kayang mahalin...
**PAALALA..ang istorya na ito ay hindi hanggo sa tunay na buhay ng nagsulat, sadyang pinalitan ang katauhan sa istorya....... (guilty?)hehehe!

4 Comments:
Subscribe to:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sige na, sige na nga wag mo na akong batuhin niyang hawak mo at eexit na ako. Ngiti naman. Have a nice day. God bless.
magkukuwento ako ng konti, medyo nadala ako sa title mo.. I sort of experience this one, ung sobrang affected ka na sa presence ng certain friend mo na un' tapos akala mo super special ka sa kanya pero malalaman mo na ganun lang talaga siya super nice, pero ako naiinlab na ata sa kanya (kasalanan nya un eh) tapos minsan feeling mo may gusto rin siya sa yo un pala feeling mo lang un' kse it will turn out much later na bading pala siya!!!
'yan po actually ay hango sa tunay na pangyayari sa aking buhay na nainlab sa isang bading! hay buhay!
wala ka talagang kupas! BWAHAHAHAH! shhh..ikaw naman oh! secrect lang nga yun, binuking mo pa ako..hehehe...HINDI AKO UMIIBIG..PRACTICE LANG PO! hehehe..joke!
sana mabasa nga nya at magising sa katotohanan..hehehe
hindi kaya magkapatid tayo sa TADHANA? hehehehe! o sadyang ganyan lang talaga ang ikat ng mundo.. meron nag kakapareho sa mga pangyayari sa buhay ng tao.,. iba lang nga ang lead role.. hmm....
ganyan talaga si kuya mel..funny..corny naman ng jokes!~ hehehe.. PEACE!
maraming tanga at nagpapakatanga eh.. tayo si asa ng asa.. yung iba naman nagpapa asa.. hehehe
dapat alayan na tayo ni kuya mel ng matinding dasal na makita na natin si SUPER DOOPER MR. RIGHT!