buhay ng tanga



Yung ibang tao, naiinggit. Wala kasing nagmamahal sa kanila. Yung iba naman, tatanga-tanga! Minamahal na nga nang todo, binabalewala lang! Alam mo, swerte ka sana kaso tatanga-tanga lang!

Minsan na kong nagmahal, minsan na kong naloko. Minsan na nga lang, naagaw pa! Pero di bale! Mas bagay naman sila, eh. Isang basura, isang basurera. Perfect match, diba?
Nung iniwan mo ko, ikaw ang sinisi ko kung bakit ako lubos na nasaktan. Mahal kasi kita pero di mo ko maintindihan. Ngayon salamat, ha? Kasi kung di mo ko iniwan, hindi ko siya matatagpuan.

Sometimes you tend to be in despair when your loved one doesn’t love you back. But don’t worry, don’t cry much. Just close your eyes and whisper, “Mahal din ako nun. Pakipot lang.”
When you ran, I chase you. You told me to stop following you. When I stopped, you got mad! Aminin mo na. In love ka rin sa kin, no?

If you ever find someone better, funnier or nicer than me, go ahead, hindi kita pipigilan. Pero pag iniwan ka ng gagong yun, tingin ka lang sa likod mo. Nandun ako, nang-aasar sayo, “Better than me pala, ha?”

Lagi ka na lang may rason. Nakalimutan mong tumawag, nakalimutan mong magtext, nakalimutan mong magpaalam. Pero ingat ka, ha? Baka pag naalala mong mahal mo ko, nakalimutan na kita.

Pag nakita mo na masaya ang mahal mo sa piling ng iba, wag kang malungkot o umiyak. Isipin mo na lang na masaya siya dahil mukhang clown ang kasama niya.

If I see you flirting with others, I won’t cry. Instead I’ll stand in front of you, chin up, stomach in, chest out at sabay sabi, “Mas masarap akong magmahal diyan. Sana wag mong pagsisihan!”
Kapag ikaw ang iniyakan , ang swerte mo dahil mahal ka nga niya! Pero pag ikaw ang umiyak dahil lang sa kanya, di ka lang malas, tanga ka pa! Lalaki lang yan, pwede ba?

Minsan lang magmahal ang pusong tanga. Niloko pa! Subukan kaya niya ang magmahal at lokohin din siya? Nang masabi niyang,”GOSH! Masakit pala!”
Nagkita kami ng ex mo kanina. Nalaman niyang tayo na. Pinagmasdan niya ko at bigla siyang tumawa. Sabay sabi, “Pang-ilan ka? Ako kasi yung una!” Sagot ko, “Una ka nga, ako naman ang last niya!”

When you love, don’t give your 100%. Leave at least 70% for yourself so if ever he’ll hurt you, you could still stand up to him and say, “Wala na bang mas sasakit pa diyan? Sus, walang kwenta!”

If someone leaves you, don’t dare cry. Just smile and be happy. Pero bago mo siya tuluyang palayain, ibulong mo to sa kanya, “Maganda ako. Pasalamat ka pinatulan kita!”
Before, hinahabol kita pero di mo ako pinapansin. Tapos isang araw nawala ako, hinanap mo ako at tinanong, “Bakit ka nagsawa?” Ngumiti ako, “Hindi ako nagsawa. Natauhan lang.”

Pwede mo kong lokohin pero wag kang magpapahuli sakin. Pwede mo kong palitan pero siguraduhin mong mas mahal mo siya sakin. Pwede mo kong iwan pero siguraduhin mong kaya mo. Kasi pag ako sobrang nasaktan, wala ka nang babalikan.

Boys? Pag trip ka, magpapakilala. Kaibigan kuno hanggang pumorma na. Tapos pag nahulog ka na, ayun, goodbye na dahil sawa na sila. Pero dapat walang iiyak ha dahil … anong silbi ng karma?

I fell in love and got hurt but I didn’t shed too much tears nor did I ask him to love me again. Instead, I stood up proudly and said, “Ganyan talaga ang magaganda! Hindi bagay sa tanga!”
Simple lang para hindi ka masaktan. Kapag minahal ka, mahalin mo din. Kapag ginago ka, gaguhin mo rin. Pero kapag umiyak ka, tanga ka! Ginago ka na nga, iiyakan mo pa?



***galing ito sa luma kong BLOG noong 2004..naisip ko hanggang ngayon, ganito pa din ako..haays!

6 Comments:

  1. Mel Avila Alarilla said...
    Hi miss kurdapya,
    Naks, iba ang dating ng post mo ngayon. Parang nararanmdaman ko sa puso ko ang hapdi nang nararamdaman mo. Pareho talaga kayo ni sis Ems. Broken hearted. Kaya lang siya'y mahinhin at matiisin. Ikaw ay astig at pormang uumbagin ang sasaling. He, he, malas lang nang makakasagupa mo. Baka ospital ang sapitin. Parang slogan ang dating ah, me rhyme. Me ginawa akong sariling blog na Tagalog. Kung gusto mong makabasa ng puro kacornihan basahin mo ang blog kong- Tukmol, Tukmol, Tukmol. Siyempre ang insperasyon ay nanggaling sa pangalan ng blog mo.
    Wala na akong maisip pang mas papangit pa dun. Bobo pa rin ako pag dating sa blog technical settings at iba pa kaya hindi ko magawan ng sariling personal profile ang bago kong blog na ito.

    Warning: Walang kinalaman ang sumulat ng blog na iyon kung atakihin ka sa puso o kaya'y maistroke sa inis pag binasa mo iyon. Kaya kailangan ka munang pumirma ng waiver para wala akong kargo ano man ang mangyari.

    Sige, sige, aalis na po. Hindi mo na kailangang ipaalala na hindi ko blog ito at sobra na ang kadadakdak ko. Pero sa tutuo lang, in lab ka ba ulit. he, he, ngiti naman diyan.
    God bless you with all the love, joy and peace of the Lord.
    Hindi-nagpakilala said...
    "Maganda ako. Pasalamat ka pinatulan kita."

    Winnur naman un ateh!! Parang linya lang ni Ate Shawie o ni Ate Vilma. Awardance sa pagkataray!!


    Magamit nga minsan. hihi
    sherma said...
    wow! award-winning ang lines mo! salamat po sa pagdaan sa blog ko... =)
    Miss Kurdapya said...
    @KUYA MEL... salamat! wala ka talagang palya sa pag puna! hehehe...bow ako sayo..cge! pasyalan ko blog mo na TUKMOL TUKMOL.. baka atakihin sa mga corny jokes mo..hehehe! God Bless!!!
    Miss Kurdapya said...
    @BARBARA BAKAL

    winner talaga! hehe...tinatandaan ko ang mga linya na yan..para kapag tunay na enkwentro na..PATAY SILA!..

    isa pang linya..."Para kang muta na pumasok sa aking mata" oh? ayos ba?
    Miss Kurdapya said...
    @SHERMA

    salamat din...at magiging suki mo ako sister! ..ang magaganda..dapat magsama sama! achooos!

Post a Comment