pagsibol ko muli..

hindi ko alam kung kaya ko talaga gawin ito at panindigan ang pagsulat ng BLOG..eto nanaman ako..madaming BLOG na ako ginawa dati since 2004, at dahil ito sa kaibigan ko na si JON CABRON. Sya ang taong nag turo at nagbukas ng aking mata sa cyber world..(kahit ano pa ang tungkol dun) hehe.. sya ang taong matyaga sa pagturo, kahit hanggang 5am or 6am kung paano gumawa ng layout at gawin ang isang bagay na may kinalaman sa cyberworld...at cguro ng tinamad na sya turuan ako ay pinahiram na nya ang libro nya sa akin (ay! hanggang ngayon nasa akin pa din! at hindi ko nababalik pa!) nyek! Meron ako sa friendster blog at dun ko lang talaga nilalabas saloobin ko..pero ngayon..tama ba ito? lumalabas na ako sa mundo ko... binuksan ko ulit itong Blogger ko na matagal ko na sinubukan mag post pero hindi ko tinuloy, dahil most of the time..blanko ang utak ko at hindi ko alam kung ano ang dapat ko ilagay..pero ngayon, naisip ko na dapat, huwag na ako magkubli at buksan ko ulit ang mundo ko kahit dito lang sa cyberworld.

isa lng gusto ko mag karoon ng kaibigan or ka-ibigan kahit ano pwede na!

2 Comments:

  1. Hindi-nagpakilala said...
    hello sis actually nakasibol ka na, ang kulang na lang ay ibukadkad mo ang iyong talutot at ipakita mo ang iyong ganda at babgo sa atin kapaligiran.

    Nararamdaman ko ang lungkot mo sa ikalawang beses mong pag post. maari mong sabihin lahat ng nasa isip mo dito wala naman nakakakilala sayo, kung anong maisip mo isulat mo hanggat hindi nakakasakit sa iba... Welcome sa blogging world. Pag natapos mo ang dapat mong tapusin dun lalabas ang blessing....opps next post na yun

    Goodnight actually good morning
    Miss Kurdapya said...
    @moccalyn- sis, ganda? asan? hahaha! salamat at first kita na bisita..wala ako masabi, kundi...TALAGANG MAAASAHAN KA! sobrang swerte ko at nakilala kita.;)

Post a Comment