" ferpek"


Hindi Ako "Ferpek".... Alam nyo, takot ako sa salitang "ferpek". Napakabigat na word. Grabe! Kaya naman siguro yan ang dahilan kung bakit tanging sa Diyos lamang nararapat ang pang-uri na yan, dahil Siya lamang ang makakabuhat ng mga problema at kasamaan ng buong sangkatauhan.

Nais ko ring maging "ferpek"...as in "ferpek" 10 baga ang katawan. Sinusumpa ko na yong malasalbabida kong taba na palaging nakaharang sa jeans, at laging nagpi-peek-a-boo sa blusa malapit sa aking tiyan. Hello!!---pakilagay naman ng safety pin at nakikita ako.

Gusto ko ring "ferpek" ang buhok ko kaya expirement kaagad sa lahat ng uri ng shampoo at conditioner na para lang sa kabayo o aloe vera o mayonnaise o kung anu-ano pa diyang serum, eh yon pala, gata lang ng niyog ang hinahanap.

Gusto ko ring "ferpek" ang skin ko kaya naliligo ako ng condensada...a este evaporada, at nagri-rinse ng mineral water. Di ba, panalo? Gusto ko rin yong mga kilay ko "ferpek"-ly trimmed. Yan ang ginagamit ko na pang akit ng mga kalalakihan..hehehe!:).

Pati yong lips ko nangangawit na sa kaka-pout dahil hindi naman talaga pout, pinapa-pout lang. Yong kuko ko, yong ilong ko (never mind, kapag nag kapera ako..tatangos din yan!), yong aking daliri at yong mala-siopao kong mukha. Hayy naku, ano ba itong paglalarawan ko sa sarili ko---ang pangit-pangit ko. Pero.....kahit siguro isilang ako muli, Mahal ko itsura ko na "pangit" and "imferpek".

Ilang ulit na rin akong nabigo sa pag-ibig noon dahil cguro, hindi ako kananais i-dekorasyon ng mga lalaki. Kaya nga dinadala ko na lang sa pag-i-smile ko kasi gumaganda ang tao pag galing sa puso ang isang ngiti. At saka nagkaka-cheek bones ako pag mag-smile ako.

Samadalit salita, ang aakalain nyo nawawalan ako ng self-esteem ngayon? Hindi uy!!! Nag-re-reality check lang po, dahil ito ang nagpapapakumbaba sa atin. Siguro yan ang dahilan kung bakit bawat isa sa atin may kapintasan sa katawan at sa ugali kahit na very successful na tayo.

Hinahayaan tayong magkamali at magbago ng Diyos hindi lamang dahil na mahal Niya tayo, kundi para hindi natin husgahan ang ating kapwa-tao. Kung may emosyon ako, may emosyon din sila na tulad ko. Kung may hiya ako, may hiya din sila. Patas lang.

Pero kahit na isinilang akong di singganda ng mga Miss Universe, mapalad pa rin akong ako ay ako. Binigyan ako ng mga bagay na para sa lipunan ay mediocre lang, pero para sa akin at sa Diyos ay malalaking bagay na. Ang hangad lamang Niya na tayo'y malapit sa Kanya.

Naku, basta ito lang yong philosophy ko, "ferpek" or "imferpek" basta huwag ka lang makaapak ng iba, lalo na yong may mga kalyo sa paa.

Anyway, okay lang kung ang goal mo ang magiging "ferpek" dahil sabi ni Papa Jesus, "be ferpek as the Heavenly Father is ferpek" di ba?

Oo nga pala, alam ko po ang correct spelling ng "perfect". =)

8 Comments:

  1. Hindi-nagpakilala said...
    I think perfection is entirely subjective and whatever your idea of perfection is, it's certainly (for me) not the absence of flaws but the gift of acceptance and being happy with what you've got and using one's body, skills and experience to evolve constantly as a human being.

    joy
    Your Love Coach
    Unknown said...
    Korek ka sister para kay God lang ang pang-uri na ferpek!

    hindi rin ako perfect but i love myself the way who i am kahit hindi ako masyadong kagandahan at kahit hindi na ako sexy (pesteng sterioid kse yan) at pag nagkapera rin ako tatangos na rin ang ilong ko, medyo hindi ko na kelangan ng evap kse maputi na ako hehe

    hay have a nice day sister thanks for making me smile today!
    Mel Avila Alarilla said...
    Tama si sis Ems, para kay Lord lang ang salitang perfect. Ilusyon lang yun ng tao na maabot ang perfection. Katulad lang yan ng bowling. Maaari kang makatsamba ng perfect game minsan pero hindi mo magagawa ito paulit ulit na walang palya. Yun ang perfect. Hayaan mo, sa mata ng isang nagmamahal ay talagang perfect ang babaeng kanyang minamaahal. Sabi nga "love is blind" at bulag ang isanga taong nagmamahal sa ano mang kapintasan ng taong kanyang minamahal. Tama aba yun Tukmol? Oks na oks kuya Mel. Basta sa akin perfect si Ara Mina, Rufa Mae Quinto, Maureen Larrazabal at Dolly Ann Parton.
    Babayu ate Kurdaps.

    Tukmol at kuya Mel
    Miss Kurdapya said...
    DR.JOY,

    thanks for the very nice comment... i'll link you up.. :) i absolutely agree with you..:)
    Miss Kurdapya said...
    EMMYROSE,

    naku! tama ka..ako din dahil sa steriods lumobo.. but i'm back on my diet and gym...

    basta..MAGANDA TAYO! PAKI ba nila? hehehe
    Miss Kurdapya said...
    KUYA MEL,

    Mahalay ka talaga! hehehe..joke!..hanap ako ng bulag..para sobrang ganda at sexy ko sa kanyang mga mata..hehe
    Pj said...
    Hay nko Parang ako yung nasa picture ah. hahah. btaw, i got you tagged.

    About sa steroids, namatay auntie ko dahil jan. May gamot kc xang iniinom na may steroids. Ayung mga ilang buwan nya ininom sira na tyan nya.Walang nakit ang doctor pagpacheck up kasi kino coveran ng steroids yung side effect. Haay nako, delikado pala talga yang steroids. May side effect kasi.
    Miss Kurdapya said...
    GRACE.. hmm.. oo nga, parehas kayong SEXY!..

    well, cguro,kung walang doctors order.. masama talaga ang steriods or kahit anong gamot sa katawan.. pero,

Post a Comment