parang kayo, pero hindi

.. nahalungkat ko lang bigla ito sa dati kong blog at naisip ko na parang maganda i post ngayon..bakit? dahil cguro.. NATATAKOT AKO.. baka ETO NANAMAN AKO...kakatpos lang ng unos sa buhay ko.. pero sa aking palagay bakit ganito nanaman ako ngayon...

Eto ang "parang kayo, pero hindi" ... bsahin nyo n lng...

Ang karamihan ang tawag dito ay MU or mutual understanding.
Pseudo-relationships.Pseudo-boyfriends,Pseudo-girlfriends. Flings.

Parang isang relasyon, pero hindi.
Ito ay isang stage na ang dalawang tao ay nag tuturingan ng higit sa magkaibigan, pero less than lovers, Puwedeng may verbal agreement, puwedeng wala. One or both of you may have admitted your feelings, possible ding hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo mag-dyowa. Pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi..( ay! ang gulo simula pa lang!)

Itong klase na relationship na ito, pwedeng mangyari sa ibat ibang pangyayri sa buhay ng tao.
Pwede mangyari pagkatapos ng break-up. Mahal niyo pa ang isat isa , at gusto niyo pa magkasama kayong dalawa pero, nag break kayo dahil meron rason. At sa kung ano man ang dahilan ng pag hihiwalay niyo, ayaw niyo na muna magkabalikan.

It can also happen before a relationship, iyong pareho kayong nakikiramdam. Possible din n ayaw niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna. Testing lang. (tama ba un?!)

Puwede ring, hindi puwedeng maging kayo kasi isa sa inyo may ka-relasyon na.

Kaya habang hindi pa siya nakikipag-break doon sa karelasyon niya (sabi niya makikipag-break siya soon pero di naman niya ginagawa) wala muna kayong relasyon para nga naman hindi siya nangangaliwa, kasi "hindi naman kayo."

Sa simula ng ganitong klaseng relastion, masaya, nakakakilig, ayos!, ok, walang commitment. Lalo na kung naghahanapka lang naman ng "KALARO."Pero huwag ka lang mag-e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan. Eh, bakit ang daming nagse-settle sa ganitong set up ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan? Iba't ibang dahilan.Puwedeng for fun lang. Puwedeng "buti na iyan kesa wala" o puwede na iyang "pantawid-gutom." Ibig sabihin, habang wala pa iyong the real thing. Doon muna sa kunwa-kunwarian.

Para sa mga na walang pang seryosong relasyon, iniisip nila minsan na pwede na ang ganitong klaseng relasyon kesa sa wala. Masaya! as in sobrang saya kung ang habol mo lang ay ang "kilig" . Pero, nalaman ko na kahit pala ito ay isang pseudo-relationship, the emotions were real.
sa madalit salita..

TOTOO na NARARAMDAMAN MO!
( HOY! BASAHIN MO ITO!...totoo nararamdaman ko!)

AT kadalasan, sa ganitong set-up, merong malulugi.. "ung na in love na.. "Una, you can't ask him to commit. Dahil it's not really a relationship, you can't demand commitment from your partner. Ano ba kayo? Hindi mo alam kung ano ba ang papel mo sa buhay niya. You can't expect him to be always there with you.

AT kapag dumating na ikaw ay magselos sa ibang babae, kimkim mo sa dibdib mo hanggang sumabog na lang, dahil wala ka karapatan mag selos. Ano ka ba niya para magselos? Pangalawa, papano kung talagang sobrang na in love ka na sa kanya? Wala kang din kasiguraduhan na parehas kayo ng nararamdaman, Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya...pero hindi naman pala.

At kahit gigil na gigil ka na at parang mamamatay ka na para sabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman mo na mahal mo siya, hindi mo naman magawa. Dahil, hindi mo lalo alam kung magugustuhan niya ang sasabihin mo o deadmahin ka lang niya. Baka mapahiya ka lang.

Etong klase na relasyon na ito, lagi ka na lang nagiisip, wala ka na katahimikan sa katagalan, kung.. nasa relasyon ka ba ngayon or meron ka ka relasyon.

Pangatlo, what if you become attached too much?
Paano kung binuhos mo ang 101% ng emotion mo sa kanya, tapos yung lalaki hindi naman pla ganun? Paano kung naging solid fan ka niya? ( loyalist baga!) tipong hindi ka na nakikipag date sa iba at tumatangap ng ligaw? Tapos, malaman laman mo, kaliwat kanan ang date niya sa ibang babae.

Isa pang downside ng pseudo-relationships, it is fleeting. (hindi ko alam sa tagalog! ..sorry po!)

Kapag nagkaroon na ng pagtatalo, o ang isa ay nanglamig na at nagsawa na sa ganitong resyon.. O kaya'y nakahanap ng ibang kaututan dila. TIGOK ka na!..yun na ang katapusan ng masasayang araw mo...Iiyak ka nanaman ng hindi niya nalalaman.

Hindi mo alam kung saan ka lulugar sa isang pseudo-relationship.

Wala kang pinanghahawakan.

Kasi sa pseudo- relationship,


there is no " US." Meron lang "YOU and ME" .Hindi "US".

5 Comments:

  1. Mel Avila Alarilla said...
    Da moral op da istori eh wag kang papasok sa pseudo relationship, kasi babae ka. Anu man ang mangyari ikaw palagi ang talo. Pwedeng maging ganun ka adbentyurus ang mga lalake tutal wala namang mawawala sa kanila pero hindi ganun sa mga babae. Pag nagkakatumpok tumpok na ang magbabarkadang lalake eh wala na silang pinaguusapan kundi ang kani kanilang mga adbentyurs sa girls. At kahit psedo relationship, mu or fling pa lang eh ipinagyayabang na nila sa kanilang mga kabarkada ang mga nahulog na sa kanilang mga kamay. Kung magkakakilala kayo ng mga barkado ng pseudo syota mo eh patay ka nang bata ka. Naiskoran ka na maski wala namang nangyayari sa inyo. Kung source of pride sa mga lalake ang magbilang nang syotang babae eh kabaliktaran naman iyan sa mga babae. Kung baga sa kotse eh bumababa ang resell value nila dahil marami nang pinagdaanang syotang lalake. Sino ang lugi sa bandang huli?
    Da moral op da istori eh wag makipag pseudo relationship, fling o mu. Sagutin lamang ang hayagang nanliligaw (hindi yung nagpaparamdam lamang)kung talagang gusto at love mo at hindi pamasak butas o panglaman tiyan din. Sino ang talo sa bandang huli. Food for thought lang kapatid.
    Hindi-nagpakilala said...
    sis sapul na sapul.. someone sent this one to me na and im a bit guilty of having this kind of relationship :)
    Miss Kurdapya said...
    Kuya Mel,

    KORAK ka dyan sa sinabi mo kuya.. kaya nga, isip to the max ako ngayon..... pasensya na.. nawala ako ng ilang araw at medyo.. nagloko ang dsl ko.. hay!
    Miss Kurdapya said...
    Emmyrose,

    well, wag ma guilty.. basta wag tayo nakakasakit.. yun lng naman dapat ang susundan natin sa buhay eh.. diba?
    pusa said...
    sobra true naman nito, nakakarealate ang lola mo d2! anyways hirap talaga yang MU bakit nga ba nauso yan?

Post a Comment