kalabit


Hindi pa ako dapat susulat ng blog, dahil una...walang pumapasok sa ulo ko at parang ayaw pa gumana ng kamay mag type. Kaya ang ginawa ko ay nag blog hop na lang ako.

Sa aking pag ikot ikot, naramdaman ko na kinalabit ako bigla ni LORD nagparamdam siya sa akin, para bang sabi nya.."Kurdapya, naging abala ka na sa kung ano anong bagay sa mundo mong ginagalawan. Sa lahat ng iyong pinagdadaanan ngayon, hindi kita pababayaan at lagi Ako ang iyong gabay ang iyong Kaibigan at iyong Ama. Magkita tayo sa Linggo. Na mimiss na kita anak."..
Yan ang unang pumasok sa isip ko dahil sa tatlong web page na binuksan ko eto ang nakuha ko webpage 1 dyan pa lang meron na ako naramdaman na kakaibang kaba, lumipat ako ng link at eto bumukas webpage 2 talagang kinakatok na nya ako...at lahat pa ng nakasaad dun, ay sapol na sapol sa akin.. at eto ang pangatlo webpage 3 . Ngunit naisip ko baka pagkakataon lang ang lahat at makikinig na lang ako ng kanta, dahil member ako ng ESNIPS dun ako nagpunta para hanapin kanta ni Carol Banawa at eto bumulaga sa akin SONG

Naku LORD! bakit naman ganyan, yun ang nasabi ko, kukunin nyo na po ba ako? wag muna po at hindi pa po ako nakakapag asawa, hindi ko pa po nararating ang Paris at sumakay sa gondula. Madami pa po ako gustong gawin sa buhay ko. (pero kaba at nerbyos naghalo)

Sa totoo lang kinilabutan ulo ko, parang lumaki bigla ng pinatunayan Nya na hindi guniguni at pagkakataon kung bakit hanggang kanta pinadama nya na mahal niya ako.

Totoo nga pla yung sinasabi nila na ang Dyos, mas mararamdaman at magpaparamdam sayo na hindi ka niya pababayaan sa oras ng pinaka malungkot at mababa na sandali sa buhay natin.
Maraming pagkakataon na tao ang kumakalimot at ng iiwan sa Kanya pero Sya, hindi niya tao iniiwan.
*Boss Chief, sana sa susunod huwag naman yung nagiisa ako at paparamdam ka bigla, baka matuluyan ako sa nerbios, hindi naman kita kinakalimutan eh...cge! pangako...see you on Sunday!
naisip ko lang din, hindi kaya nasobrahan ng dasal si KUYA MEL kay Lord para tumino na kahibangan ko? ? At, nagparamdam na si Lord sa akin? Mahirap pla kaibiganin si kuya mel masyadong malakas kay Lord, at baka kunin ako ni LORD bigla. PEACE KUYA!

10 Comments:

  1. Mel Avila Alarilla said...
    Natutuwa naman ako sa mga nangyari sa iyo. Hindi lang ikaw, pati ako kinilabutan din sa mga inilahad mo. Alam ko kasi kung paanong kumilos si Lord, at sa lahat nang isinalaysay mo ay walang coincidence duon, yun ay tunay na akda Niya. Mapalad ka kapatid dahil tinatawag ka Niya (wag kang matakot hindi ka Niya kukunin para ma dedbol). Hindi nangyayari ito sa lahat. Sabi nga ng Bibliya, "Many are called, few are chosen." Sa pagkakatawag sa iyo, nasa iyo na yun kung magrerespond ka sa tawag Niya. Ipaliliwanag ko lang na hindi basta pag simba ang gusto Niyang gawin mo. Masyadong napakababaw nuon at hindi mo Siya masyadong madidinig. Ang gusto Niya'y tutohanang tanggapin mo Siya bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas at isuko ang buhay mo sa Kanya. Duon lamang mabubuksan ang buhay at tunay na relasyon mo sa Kanya. Mamayang gabi, bago ka matulog ay kausapin mo Siya. Wag kang magalala. Nanduruon Siya sa tabi mo maski hindi mo Siya nakikita. Kausapin mo Siya. Maaaring sa umpisa ay maasiwa ka dahil hindi ka sanay sa ganitong klaseng panalangin, subalit magtiyaga ka at sa kalaunan mararamdaman mo na lang ang Kanyang presensya. Huwag kang matakot, Espiritu Santo ang nagpaparamdam sa iyo. Kausapin mo Siya. Sa Kanya mo iiyak ang lahat ng dalamhati at pighati ng puso mo. Damhin mo sa iyong puso ang naguumapaw na Pagibig na nanggagaling sa Kanya. At masusumpungan mo na lamang ang isang kapayapaan na nuon mo lamang mararanasan sa tanang buhay mo. Mahal na mahal ka Niya. Di ba namatay Siya sa krus para lamang sagipin ka. Gusto lang Niyang hayaan mo Siyang tulungan Ka niya.

    Tutuo matindi ang panalangin kong hipuin ka Niya dahil mahal kita bilang kapatid at kaibigan at ayokong mapahamak ka. Ang aking blogs- Random Thoughts at Blessings ay itinatag ko para ipahayag ang ebanghelyo Niya ng kaligtasan at buhay na walang hanggan sa paraang katanggap tanggap sa mga tao. Yun na ang huling misyon ko sa buhay at pag nagawa ko iyon ay masaya na ako at willing na mamahinga na kasama ng aking Panginoon.

    Hindi mo kailangang magbago ng relihiyon dahil tunay at ganap na relasyon kay Jesus at hindi relihiyon ang makakapagligtas sa tao. Dalawa ang tunay na daan na maguugnay at magpapatibay ng ating relasyon sa Kanya, yun ay ang taimtim na pananalangin sa Kanya at pagbabasa ng Kanyang salita na nasasaad sa Bibliya. Sa Kanyang salita sa Baibliya ay duon Siya nangungusap sa atin. Ang tunay na panalangin ay sa Espiritu at sa katotohanan. Pumikit ka na lang at damdamin mo ang Kanyang presensya at hindi yung panalanging paulit ulit at nakatingin sa rebulto.

    Hanggang dito na lamang sis Kurdapya at pasensya na kung napakaseryoso ng komento ko ngayon. Next time na lang yung pakwela.

    Nagmamahal,
    Bro. Tukmol at Bro. Mel
    Mel Avila Alarilla said...
    Sinensor mo ba ung pangalawang koment ko duon sa huling blog mong paglisan?
    Hindi ko kasi nabasa?
    Miss Kurdapya said...
    KUYA MEL,

    pasensya na at hindi ko alam kung ano nakalikot ko at bigla na lng ang mga comments kailangan ko pa basahin.. ikaw lang naman malakas ang loob sermonan ako! hahahaha! pero, kailanagn ko yan! hehe

    salamat! salamat! wala na ata ako sasabihin sa twing sasagot ako sa comment mo kundi salamat!..susundin ko lahat ng sinbi mo at kapag bigla ako hindi na sumulat.. kinuha na ako ni LORD.

    pero, sa totoo lang, nag tataka ako, kung bakit bigla.. pagkatapos ng dalawang araw ng iyak ng iyak ako.. nagbago ang lahat! sa isang iglap. wla na ako sakit na nararamdaman sa puso ko. Para ako biglang merong tumabon sa buong katawan ko. Hindi ko mapaliwanag. Pero, sa puso ko alam ko kung ano yun talaga!

    salamat! at lagi mo ako at si emmyrose sali sa panalangin mo ha. slamat!
    Hindi-nagpakilala said...
    Maraming pagkakataon na tao ang kumakalimot at ng iiwan sa Kanya pero Sya, hindi niya tao iniiwan.

    ^ Naniniwala ako diyan. Minsan nga kung kailan natin siya kailangan ay dun lamang natin siya naaalala :(
    Hindi-nagpakilala said...
    Hello sister kurdapya

    everything happens for a reason, yan ang laging kong nilalagay sa isip ko, Isa pa ang pinanghahawakan ko is FAITH. sabi nga sa bible di ba kung mega munggo kang pananampalataya walang impossible sa ating Diyos.

    Yun ang sekreto ko, dumating man un mga pagsubok, mga sakit sa dibdib. Iniiyak ko talaga sa room kung mag isa yan, As in hagulgol with matching sipon at tawag ke Lord. ako nga din nagugulat sa sarili ko bakit feeling ang lakas ng loob ko TITO MEL, Pero dahil nga un faith lang ang alam ko ngayon na makakapag palakas sa akin Hindi ko binibitiwan.Im sure yan ang nararanasan mo ngayon sis, kaya nawala ang sakit agad kasi hinihilom ka nya.

    sabi nga ng psychologist kong friend, GRIEVE, BE HEALED, LIVE again And MOVE ON..........ngeek ako ba ito eh he he he
    Emmyrose said...
    Sa haba ng comment ni kuya Mel tingin ko you wont need my comment na, I'll second the motion na lang..

    Basta relate ako uli ako sayo when I was on the verge of dying sinabi ko kay Lord, teka muna hayaan nyo muna ako makapag-asawa at makapag-luxury cruise man lang ako sa Europe.

    But seriously aside, anytime that the Lord will take me I'm ready kse I know I have accepted Him in my life and I have entrusted Him everything kaya kahit na ano pa dumating sakin carry lang..

    Kaya natin yan' kapatid!
    Miss Kurdapya said...
    PARIS,

    hay.. madaming beses na ganyan ako.. kaya cguro, kinalabit na ako talaga.
    Miss Kurdapya said...
    MOCCHALYN

    sister, oo ikaw nga yang nagsasabi na yan!..maganda ka nga magpayo eh. pero, ang sa akin, hindi ko talaga maintindihan, bago ngyari yung "KALABIT" sobrang lungkot ko, at iyak ng iyak.. nakita naman sa mga post ko eh..pero after nun..eto ako..parang walang ngyari.. walang pain na nararamdaman...

    sabi ko nga... HE WILL TOUCH YOUR LIFE TO THE MOST UNEXPECTED TIME.

    sobrang happy ako as in!
    Miss Kurdapya said...
    EMMYROSE,

    sister, oo nga. lumabas ang tunay na pagkatao ni BRO.MEL.... nakaka antig mga sinabi nya, katumbas ng 30 na toa na nag comment at bigay ng payo sa dami ng sahog at matutunan mo sa kanaya!

    hanggang ba dyan sister.. ..parehas pa din? pati pag aasawa at tour? hehehe..

    Kung ikaw handa na mamatay..ako? honestly... hindi ko maisip pa.. cguro, madami pa ako talaga kailanagn gawin sa mundo. tama kayo..na hindi ko pa Siya na accept sa buhay ko...:) at yan ang mission ko ngayon...:)
    Emmyrose said...
    Sige kapatid tutulungan ka namin sa mission mo na yan'

Post a Comment