espesyal na ensaymada



habang ako ay nag gagawa ng blog at nag check ng email ko, biglang kumatok si inday at may inabot na box sa akin. nagulat ako.. pero si inday merong mga ngiti sa mga mata nya na hindi ko mawari kung ano yun. isang DHL package. Ano? package ba kamo? OO tama.. isang package nga.....Dahan dahan ko itong binuksan at isang dosenang nagmumurang pulang rosas ang tumambag sa aking mukha! WHAAAAAT!!!???? ROSES ? napa OH YES! ako, bulaklak nga..naantig ang puso ko..nangilid ang luha ko. na tats ako sa madaling salita(to affect with some feeling: , bagbaginako in other words..:) Nasa college pa ata ako ng huling maka tanggap ng bulaklak..mga ilan years ago na din yun, akala ko nga kapag deadbol na ako dun na lang ulit makaktanggap ng bulaklak hindi naman pala.....parang nanariwa ang aking pagiging teenager, na napupuno ng bulaklak ang kwarto at salas namin dahil every other day meron nagbibigay ng dosedosenang bulaklak (kasi, mura bulaklak nun sa dangwa!) hehe... Sinong salarin? sinong nag padala... binuksan ko ang card na kasama nito , at galing pla ito sa aking isang kaibigan na nasa malayung lugar.

Huwag na masyadong matanong kung bakit ako pinadalhan..cguro dahil ako'y maganda? eeee...siguro ako'y mabait?eeee...siguro meron siya kailangan sa akin? hmmm...eeeee...siguro sya ay nagsisisi dahil lagi nya inaalisputa pagkatao ko. ah alam ko na! siguro dahil wala na siya pag lagyan ng pera nya kaya gumastos na lng sya. hahaha! Natutuwa ako sa totoo lang , dahil kapag kami ay nag uusap nito, alaskahan, laitan ng pagkatao at murahan palagi, malabo matapos ang usapan namin ng walang "tanga" "gago" "baliw" "sira" "engot", Yun pala, meron natatago na ka sweetan ang kaibigan ko na ito.

Mabait lang cguro yung kaibigan ko at napaka maalalahanin...kung sakali mapadpad sya sa blog ko eto sulat ko para sa kanya.

mahal kong kaibigan,

salamat sa bulaklak na pinadala mo, sobra mo akong napasaya at na tats. kung ikaw ay magpapadala ng bulaklak ulit, at wala ka na ulit mapag lagyan ng pera mo, samahan mo na din ng tsokolate at money order...hehehe..:)

nagmamahal ng lubos,
kurdapya

ps. walanghiya ka pla, at natinik ako dahil inayos ko yung bulaklak para ilagay sa tabi ng kama ko. masama ata loob ng pagbigay mo? hehehe.. buo na ulit araw ko! ;)


naisip ko tuloy, para pala akong isang espesyal na ensaymad na may queso de bola at mantiquilla sa ibabaw...hmmmm..masarap..... ;)

15 Comments:

  1. Hindi-nagpakilala said...
    heheh, ang kulit ng post reply mo sa kanya kung sakali. but i know, nag enjoy ka sa plawers na yun.

    makikibisita po sa inyong natatanging tahanan :D
    Mel Avila Alarilla said...
    Well, matapos yung mga makabagbag damamin na pangyayari eh maganang istorya naman ito. Pero alam mo, baka yung nangyari sa yo duon sa previous post mo eh siya ring nangyari sa kaibigan mo. Napagkamalan mo ang feelings nuong kaibigan mo sa previous post mo pero ikaw pala ay me itinatagong pagnanasa, ehe, pagibig pala he, he. Baka ganun din yung nagpadala ng flowers sa iyo. Baka kala mo kaibigan lang pero meron pala siyang gusto sa iyo. Alam mo, sa hirap ng buhay ngayon at sa pagiging thoughtless ng mga lalake (karamihan), eh hindi magpapadala ang lalake sa iyo ng roses kung hindi ka niya gusto. Maaaring natauhan siya nung nagkahiwalay kayo at ngayon ay nagpapahiwatig siyang gusto ka niya. O baka naman nakita niya yung previous post mo na me provocative picture at biglang nagising ang kanyang pagkalalaki, he, he, Naisip niyang napakalakas pala ng sex appeal mo at yun nga, naalala niyang me gusto pala siya sa iyo. Joke lang ha, walang pikunan. ang pikon me kulugo sa pwet, he, he.

    Yung sakin eh pawang sapantaha lamang ha. Pag nagpadala pa siya ng tsokolate at money order eh talagang ibang usapan na iyun. Nagutom tuloy ako sa ensaymada at hot tsokoleyt. Masarap yung sa Dulcinea kaya lang malayo ang samin at wala akong pera.

    Maiba ako ng usapan, okey ako sa ideya mong shared blog. Ikaw na ang magdesign at magumpisa. Bigyan mo lang ako ng access sa blog site para makapagsulat din ako. Gawin nating contrast. Kenkoy ka, seryoso ako. Bahala ka nang umisip ng title. Copy at paste mo na lang yung litrato ko sa blog ko o kaya'y ihanap mo ako ng pangit na caricature katulad nung sa iyo. Bahala ka na. Pakipaapprove lang muna yung title bago mo ilaunch.

    Sige exit na ako at thanks sa maganda mong post. God bless.
    Mel Avila Alarilla said...
    Oops, ay mali. Magandang istorya, hindi maganang istorya. Sori, tipograpical error. ciao.
    bb.kalabasa said...
    natawa naman ako sa sulat mo sa kaibigan mo, cguro tama si mel, na baka in love kaibigan mo sayo. Baka tama ka din, mabait lang sya sayo. pero, ikaw lang naman ang may alam kung ano totoo kapatid.

    aabangan namin at susubaybayan ang mga susunod na kabanata ng istorya mo. sana meron to be continued....hahaha
    Miss Kurdapya said...
    @DAPS...salamat sa pag daan..oo yun talaga gusto ko sabihin sa kaibigan ko..hehe
    Miss Kurdapya said...
    @KUYA MEL,

    malabo pa cguro sa sabaw ng pusit magkagusto sa akin yang kaibigan ko na yan.. una sa lahat...kahit baligtarin ang mundo... walang mararamdaman na sexual sa akin..hehehe... diretso katawan ko,walang bewang at tingin nya sa akin ay parang isang lalaki na nag anyong babae..hahaha!

    pangalawa, laki at tumira yan sa ibang bansa.. ang gusto nyan babaeng mahalay... at cgurado ako na hindi ako yun..hahaha

    ..meron ako email sayo tungkol sa blog na bubuksan natin..:) salamat sa comment mo..tawa ako ng tawa talaga
    Miss Kurdapya said...
    BB. KALABASA

    sabi nga nila..kapag sincere ka sa kaibigan, masasabi mo lahat! hehe..

    cge, abangan natin kung merong..

    ..to be continued..hehe
    Hindi-nagpakilala said...
    How sweet! ang ganda ng roses ^__^
    Miss Kurdapya said...
    @PARIS
    ..salamat sa comment..pasyal ka ulit..:)
    Hindi-nagpakilala said...
    ayeeee.
    dalaga na ikaw.
    :)
    Miss Kurdapya said...
    @XIENAHGIRL

    hehe..oo nag dadalaga na ako...kaya paurong..hahaha!..salamat sa pagdaan at see you sa blog mo!
    Emmyrose said...
    naks naman my dear, may paflowers-flowers ka pa ngayon (hay inggit) pero next time na magpadala uli si frend mo at may chocolate na i-share mo naman ha sayo na ang flowers penge na lng ng tsokolet :)
    Miss Kurdapya said...
    @EMMYROSE

    wag ka na mainggit..share tayo kapag may tsokolate na susunod hehe.... :)
    david santos said...
    missekurdapya, tu és fantástica. Fala-me, como é que escreves tão bem português?
    Estou à espera de uma resposta. Pois também quero aprender a escrever felipino.
    Muito obrigado.

    David Santos
    Miss Kurdapya said...
    @DAVID SANTOS

    Agradeça-o tanto. eu não sou fluente escrever Portudese mas tento meu melhor.

Post a Comment