Madaming bagay akong pinagsisisihan na di ginawa sa buhay ko. Pero halos lahat ay kinalimutan ko na't binalewala. Isang bagay lang ang hindi. Yun ay nang hindi ko sinabi sa iyo kung gaano kita ka mahal dati kahit alam kong may mahal ka nang iba. Sana hindi ako ngayon umiiyak dahil sa kanya ako napunta......
Habang ginagawa ko itong article na ito, hindi ko ikakaila na may mga luha na pumapatak sa akin mga mata ko ngayon. Hindi ko alam kung ano talaga ang rason sa pagkalungkot ko. pero isa lang alam ko...hindi ako masaya kung ano man sitwasyon ko ngayon sa buhay, pagibig at sa kung ano ano pa.... cguro dala na din ng tugtog na pinakikingan ko ngayon( nyek!)..tamang senti at depressed lng cguro.
Masama ba ang magmahal? Minsan, maaaring masama na nga ang magmahal, lalo na kung labis labis. Nagmahal ka nga ngunit hindi ka naman masaya na. Mahirap din minsan kung nagpapakamartir ka sa isang taong hindi kaya pantayan ang pagmamahal mo kasi sa huli, ikaw ang malulungkot, ikaw ang luluha. Hindi naman ako naging masama para ipagkait sa akin ng tadhana ang kasayhan sa buhay at sa isang relasyon.
Bakit ang love, parang isang entity na lang. When it comes, it comes. When it leaves, it disappears.
Sobrang lungkot ko ngayon at hindi magtugma ang utak at puso ko.
11 Comments:
Subscribe to:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Kahit naman meron kang karelasyon ngayon hindi pa din mawawala na magkakaron ka pa din ng kalungkutna kagaya ng kung hindi kayo nagkakaintindindihan.
Ganoon nga ate, ilibing mo na sa limot ang tange mong pagibig at ikaw ay tumanaw sa dako pa roon kung saan naghihintay sa estasyon ng MRT ang tunay mong pagibig. He, he, he, asiwang asiwa ka na siguro sa aking kakornihan. Ewan ko ba kung bakit ikaw ang napagdidiskitahan ko ng pangungulit. Cge na nga exit na ulit ako. Ngiti naman diyan.
Gumagalang,
Kuya Tukmol
Naniniwala na ako na magkapatid ata tayo sa tadhana at sobrang ramdam ko ang pagsesenti mo..
I can't give you a clear perspective about love dahil windang din ako sa salitang 'yan.. teka nabasa mo na ba 'to:
http://emmyrose1028.blogspot.com/2007/07/bus-analogy-of-love.html
bka sakali makarelate ka...
hindi ko alam na dumadating pla na magiging ganito kalungkot ako. Akala ko, lahat ok na..
salamat sis
hindi mo kaya mag seryoso sa tagalog..kenkoy ka pa din..hehe..
pero napatawa mo ako.. kailangan ko nga ng mga dasal ng isang kaibigan tulad mo.. SALAMAT ng Madami.. sa hirap at gulo ng utak ko ngayon... sa KANYA na lang ako kumukuha ng lakas.
SALAMAT!
sister, cguro nga MAGKAPATID TAYO SA TADHANA. hehe..
bwisit na pag=ibig yan.. winiwindang tayo talaga! hehe
nabasa ko post mo.. mukhang napag iwan na ako ng bus..hehe.. mukhang yung bus na dapat ko sakyan na sakyan ko na...kaso.. biglang nasira ang aircon at na flat pa.. kaya ngyon.. nag aantay ulit..
sobrang ganda sis ng article mo!
Iba ka rin talaga. Akalain mo bang magiwan ka ng isang Tagalog message sa guest box ng World United Bloggers. Oo, nga personal message yun para sa akin at touch naman ako pero pano yung iba na hindi nakakaintindi ng Tagalog. Malay ba nilang minumura mo na pala sila. Naalala ko yung sinabi ko sa yong tinext kong kaibigan ng *lol*. Sagot ba naman sa akin- lol ka rin. Akala minura ko. Heh, corny talaga at me rerun pa. Pero pinabilib mo ako ng todo ng mabasa ko ang comment mo sa blog ni David Santos isang Portuges. Aba nakapag straight Espanol ka. Duda ko tuloy me Spanish blood ka. Tisay ka no?
He, he, kaya pala iyakin ka. Alam mo ang mga Espanol very emotional at hot blooded, me dugong torero. Alam mo palaisipan ka talaga sa akin. Ewan ko ba kung bakit napakapangit na caricature ang ginamit mo at pangit din ang pangalan pero nung makita ko ang picture mo ay napakaganda mo naman. Iba ka talaga. Me pagkamisteryosa. Pero hindi ka naman white lady no?
Bakit ba pag nagkokoment ako sa post mo napagkakamalan kong blog ko ito. cge na. Alis na ako. O yung muta mo tanggalin mo na sa mga mata mo. Ngiti naman diyan.
at dahil jan, log out na akiz at hhnap ng boylet na para sayo. pero ciemrpe, tikman ko muna. dba parang sasakyan lng, may test drive? hihi
pasensya na po at hinalungkat ko este, pinakialamanan ko ang Worl United Bloggers...hehe.. wala lang, as in pilit ko binabasa mga sinasabi nila pero ang hirap! hehe! Yung kay David naman, meron po ako konting kaalamanan sa spanish..hehe...kaya nag marunong ng konti..bwahahaha!
Hindi ko alam talaga bakit KURDAPYA at yung picture na yan nagustuhan ko... basta naramdaman ko na lang na yun talaga..... parang sa relasyon, kapag nakita mo na yung hinahanap mo, masasabi mo na IKAW NA NGA!
Napaka misteryoso? hmmm..hindi lang ikaw ang nagsabi sa akin nyan..haha! hindi daw nila mahuli ang URI ko.. sabi ko nga URI??? ano ako? animal? hahaha!!!! cguro nga talagang masabi ko yung nararamdaman ko ng walang nakaka alam na ako yun.. sa tunay na buhay ma secretong tao ako kahit sobrang daldal.. Sobrang sarap ka nga kapag nag cocomment eh.. merong sense lagi at aral..
yung luha ko hindi pa muta.. hindi pa natutuyo eh.. lumuluha pa din..hehe
mega change over ako from 2 column layout to 3 column.
cge.. kahit SHARE tayo sister.. ok sakin.. MWF syo, TTHS sa akin... hehe....pag sunday rest.. :)
Pero ano pa nga ba ang isang kaibiagan kung hindi ka rin lang dadamayan sa oras ng kanyang kalungkutan, cge na nga, nagpost na po ako para sa inyo. Pasensya na lang kung napaka corny ng post ko kasi I write by inspiration. Naks ingles yun ha. O ano lipat na at baka burahin ko pa yung post ko pag hindi ko nakita agad ang komento mo. Cge, exit na ako at tandaan mo 24 oras lang ang taning ng post na yun, he, he, parang blackmail no? at pag sapit ng 24 oras ay magse self destruct na yon. Babayu
Gumagalangang ang walang kagalang galang,
kuya Tukmol