walang kokontra




masarap magsulat.
minsan, gusto mong magsulat dahil maraming pumapasok na ideya, wala ka namang papel. minsan, may papel ka nga, wala ka namang ballpen. minsan, may ballpen ka nga, wala namang tinta.
ang masaklap n'yan, minsan pag and'yan na ang papel at ballpen na may tinta, nawawala naman ang ideya.

masarap magmahal.
minsan, gusto mong magmahal dahil maraming mailalabas na pagmamahal, wala namang pwedeng mahalin. minsan, may p'wede ka na ngang mahalin, wala namang panahon para mailabas ang pagmamahal. minsan, marami ka ng panahon para magmahal, napapalayo naman sa 'yo ang gusto mong mahalin.
ang masaklap n'yan, pag and'yang malapit na ang taong p'wede mong mahalin at marami ka na ring panahon para magmahal, nawawala naman ang pagmamahal.

buti na lang may blog. p'wedeng magsulat kahit walang papel at ballpen. ideya? madali na 'yun. nand'yan naman ang pagmamahal. maraming p'wedeng isulat tungkol sa pagmamahal.

masarap magsulat. masarap magmahal. masarap magsulat tungkol sa pagmamahal. o, wala nang kokonta, ha? ang kumontra, pangit! :)

4 Comments:

  1. Mel Avila Alarilla said...
    Hi miss kurdapya,
    Yung post mo parang pinilit. He, he, parang wala kang ideya kung anong isusulat mo at basta nag compose ka na lang at bahala na kung saan makarating. Dinaan mo na lang sa astang astig na walang kokontra. He, he, he, iba ka talaga. Hindi halata.
    O okay na ba ang tiyan mo? Hindi mo na ba kailangan ang diatab o lomotil?
    Pero ano pa man ang isulat mo mananatiling die hard ako sa blog mo. Friend yata kita. Sabagay ang blogging ay libangan ding pwede mong butintingin para pampalipas ng oras. Kaya lang, paano ang readers mo? Magtityaga ba sila palagi? Food for thought lang. Wag kang ma pressure sa comment ko. Ganon ako sa friend, prangka. Pero sabi ko nga loyal fan mo ako. Lagi kong bibisitahin ang blog mo. Authograph naman. *lol* Me joke ako sa yo, luma to pero maaaring di mo alam.

    Naglalakad kami, natinik ako, ilan kami?

    Sirit?

    Sagot: Tatlo
    Bakit?

    Bilangin mo- si Naty, si Nick at ako. eh di tatlo.

    Wag mong ibato sa akin yung hawak mo. Alam ko corny.

    Sorry ulit, kala ko blog ko ito talaga. Bye na nga at God bless you and your family with all the best things in life.
    Emmyrose said...
    kapitbahay, hindi po ako kokontra kse maganda ako hehe anyways, I agree with bro.mel mukhang wala ka lang maisulat kaya nangulit ka na lang ;)
    Miss Kurdapya said...
    @Bro.MEL, Pinatawa mo ako ng malaks sa sinulat mo..korek ka dyan...ayaw gumana ng utak ko..hahaha! ano laman? madami...ayaw lang mag tugma-tugma...sana makabawi ako sa susunod.....pero isa lng masasabi ko.. ANG CORNY MO! hahahahaha!!!! SALAMAT ULIT! at next time.. joke ulit!

    @Emmyrose, halata ba? hahaha...bakante utak ko simula kagabi..hindi ko alam kung bakit...magulo in other words..hehehe...sana makabawi sa susunod na mga entries
    xxiv. said...
    ito ay kinopya ni miss kurdapya mula sa http://larga.blogspot.com.

    miss kurdapya, konting respeto naman. parang napakarami mo na yatang nakuhang article mula sa blog ko at inaaring sarili mong karanasan.

Post a Comment