paglisan



pakinggan nyo yung kanta habang binabasa post ko ngayon, ng maramdaman nyo yung sakit na nadarama ko at luhang umagos.eto pinakikingan ko habang binubuo ko ang artikulo na ito... .salamat.


Minahal kita kahit mali, hinintay kita nang sobrang tagal, nagbigay ako kahit ubos na, nagparaya kahit sobra na. Lahat na ginawa ko, hindi pa ba sapat ang lahat ng yun para mahalin mo ko?

Pag may nawawala satin madalas makaramdam tayo ng lungkot o panghihinayang. bagay man o tao....minsan nawawala sila ng di inaasahan o minsan pinili mong pakawalan sa isiping yon ang makakabuti.

May mga pagkakataon naman na lahat ginagawa mo para lang manatili sila satin pero siguro sadya na rin ng tadhana na mawalay tayo sa kanila para matuto tayo, matutong tanggapin na walang permanente sa mundong ito. matutong tanggapin na di lahat ng tao ay panghabambuhay mo makakasama maging ito ay kapamilya, kaibigan o minamahal. matutong tanggapin na may mga bagay o tao na kailangang mawala o mawalay sayo para malaman mo ang kahalagahan nila. di ba ganon naman yon kadalasan..pag wala na dun mo napagtatanto ang kahalagahan nila sa buhay mo.

Marami ng nawala sakin. materyal na bagay, mga taong minahal, pinahalagahan, inalagaan sa puso at kailangang pakawalan. maraming bagay ang sinakripisyo ko. materyal lang yon, maari mong makuha basta't paghirapan at pagsikapan. marami ng taong nawala sakin...mga mahal ko sa buhay na kasama na ni God.

Yung iba nawala dahil yon ang gusto nila, dahil mas masaya sila sa natagpuan nilang buhay kasama ang iba. yung iba nawala dahil kailangan ko silang pakawalan para sa kapakanan ng iba...para sa kapakanan ko, at yung iba sadya kong pinakawalan dahil alam ko na yun ang tama at mas makakabuti para sakin.

sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nakadama ng ganito....yung hinayaan mong mawala yung taong "akala" mo mahal ka pero sa isang banda dumating sa realization mo na lahat e "waste of time" and "waste of effort".

Gagaan ba ang feeling kung pakawalan ang isang tao na kahit gusto mong maging bahagi ng buhay mo? napapaisip ka..."is he worth it?" tapos sasagot ang konsensya mo..."di ka dapat manghinayang dahil tama lang ginawa mo!" imbes na lungkot, saya at kaluwagan sa dibdib ang kapalit ng pagkawala. sa puso mo marahil sinungaling, pero mahirap ba paniwalaan ang isip na "im better off without him".

Wala akong ibang pangarap kundi ang makasama ka. Wala akong ibang inisip kundi kung paano ka mapaligaya. Wala akong ibang pinagdasal kundi sana ikaw na nga. Pero wala naman akong magawa para maging tayong dalawa

Dahil wala na tayo, siguro di yun kawalan sayo, di yun makakaapekto sayo. Pero gusto ko lang malaman mo na malungkot ako. Bakit? Kasi wala kang ginawa. Hinayaan mo lang akong mawala

SALAMAT.. sa nakaraan, sa mga ala-ala, sa mga nabuong pangarap, at sa leksyong natutunan,
PAALAM... wla na kong babalikan, di na dapat pagsisihan ito ay isang pasasalamat at pag papaalam sa iyo, bilang isang magandang bahagi ng aking nakaraan.

14 Comments:

  1. Hindi-nagpakilala said...
    Naman sister nakaka emote naman ang iyong musika,parang gusto ko din mag emote, kaya lang alam mo naman ako sabi mo nga strong personality ko, kaya pag senti ang mga kaibigan ko hindi ako pwedeng senti he he he, at least nga ikaw kaya mong iiyak sa iba ako, hinde,,, iiyak ako sa kwarto ko paglabas ko akala mo walang nangyaring sakit,

    hay sister alam mo faith lang talaga ang dapat hindi natin aalisin sa ating sarili, marami din akong natutunan sa mga dumaraan na panahon. mahirap talagang mag let go pero sabi nga pagmahal mo ang isang tao pabayaan mo pagbumalik eto ay para sayo kung hindi hindi kayo para sa isat isa.

    Pero aayon si tito mel sa akin. nadadaan sa panalangin yan, ako yun ang pinang hahawakan ko, pag wala ka ng magawa LET GO AND LET GOD..Miss you sis
    Mel Avila Alarilla said...
    Hay naku miss kurdapya, sana huling sulat mo na iyan para sa kanya. Mas maganda sigurong ipadala mo na lang lahat ng nilalaman ng puso mo sa kanya para magkaalaman na kayo. Hindi na healthy yung matagalang pagsisintimiento. Lingering loneliness, na mauuwi sa depression at kung anu ano pang sakit. Ke ma gets mo o hindi, susceptible ka rin sa mga evil spirits katulad ng spirit of melancholy at spirit of bitterness pag matagalang windang ang puso mo. Baka mauwi yan sa extreme hatred na sanhi ng spirit of bitterness. Tama na. Sobra na. Palitan na. Hindi kita pinagagalitan my frend, pinaaalalahanan lamang. Ang lahat ng sobra ay masama. Time to move on with your life. God bless you with the wisdom to know God's time for everything.

    Gumagalang,
    Kuya Tukmol Biglangdakma
    Hindi-nagpakilala said...
    That's sad. Di ko siya masyadong binasa. Una pa lang kasi nakakaiyak na. Haha! Full of sadness and pain.

    Read my entry:
    http://eclipse-paris.blogspot.com/2007/08/
    learn-and-let-go.html

    Tungkol din sa heartaches yan :D Andiyan na lahat na gusto kong sabihin ^_^
    Miss Kurdapya said...
    SIS MOCCALYN,

    Hayaan mo na ako na lang.. at least meron isa sa atin na makakapitan..:)..Wag ka mag alala.. hindi ako nawawalan ng tiwala at pananampalataya..tulad mo sa bawat yugto ng buhay ko madaming aral ako na natutunan.
    Miss Kurdapya said...
    KUYA MEL,

    Sisikapin ko na ito na ang huling mensahe para sa kanya... NATAPOS na ang lahat ng sinulat ko ang artikulo na ito...TINAPOS ko na.. WLA NA..BREAK NA! huhuhu! mASAKIT PLA..PERO alam ko naman sa simula lang yung pain..kakayanin ko yun.

    Sa totoo lang, mas gumagaan ang lob ko kapag nasasabi ko yung bigat ng kalooban ko.. wala naman ako masabihan dito sa bahay namin...walng may alam kung ano pinagdadaanan ko etong mga nakaraang bwan...tulad ni sis moccalyn..hindi ako ang tipo ng tao na nag-oopen up ng nadarama ko..madalas din ako'y nakakulong sa aking munting silid umiiyak at sa pagsusulat ko nilalabas ang lahat...PAGBIGYAN mo na ako... PLSSSSSS.... ;)hehe..

    Alam ko naman..nagbago mood ng blog ko.. pero, sabi nga.. kapag may ulan may bahghari pagkatapos nita.. kapag may dilim..may liwanag..kpag may bintana na nagsara..may bagong pinto na magbubukas....

    Malakas pa naman ako kay Lord...di nya ako papabayaan alam ko yun...nangalabit lang Sya sa akin...

    Salamat sa dasal..sana.. dagdagan mo pa.. :)
    Miss Kurdapya said...
    @PARIS

    kasi naman kaya nakakiyak..talagang pati puso ko..naiwan sa artikulo na yan...hehe

    hINDI KO mabuksa yung link na binigay mo. naka PRIVATE ang settings ng blog mo...
    Mel Avila Alarilla said...
    Sori ate, medyo nasermonan yata kita. Naiintindihan kong kailangan mo ng release valve sa pent up emotions mo. Pasensya ka na kung umiral ang pagiging self righteous ko. Pinitik ako ni Lord dahil don. Masakit ang pagkakapitik. Namula ang tenga ko. Araaaay. Salamat din pala sa magandang koment mo sa post ko sa Random Thoughts. Pero sa totoo lang, di ako naniniwala na hindi ka marunong kumanta at sumayaw.oows, baka pag nakakita ka ng maikropon sa videoke pubhouse eh hindi mo na bitawan at pati kanta ni Mike Hanopol at Pepe Smith eh banatan mo. At pag napunta ka naman sa dance floor ng disco eh baka hubarin mo ang sapatos mo at bumanat ng sayaw ala Vanessa Hudges. Sinong binola mong hindi marunong kumanta at sumayaw,bilugin mo ang ulo ng lelang mong panot, he, he, (buhay pa ba ang lelang mo? Baka multihin ako nun kung dedbol na) Joke lang. nak on wud, kung buhay pa, binabawe ko Lord yung sinabi ko, sori po talaga. Masakit pa yung pitik Nyo sakin sa tenga.
    Binago mong template mo ah. O baka sa pabago bago mo ng template eh maerase yung ngalan ko sa link mo.
    Sige ka susugurin daka.

    Katulad mo nagpapasaya din ng araw ko ang pagbabasa ng post mo. Natutuwa nga ako at nagrespans na rin si byotipol. Isa pang nakatutuwang pangalan. Sana kalog din siya katulad mo para marami na tayong gamol sa mundo, he, he, he,
    O ibaba mong kilay mo. Alam kong sinasabi mo- ako lang ang gamol, he, he, he, gamol nga, jologs naman, aray ko. Sige na nga huwag mo na akong ipagtulakan at aalis na po. Sa susunod. Mwaaah, ha, ha, ha, babayu. God bless kapatid.
    Orlando Rubio said...
    thanks for adding me as your friend. I am sorry for your grieve.
    Add me in your blog roll if you like and I would be happy. See you again and more power to your blog.
    Hindi-nagpakilala said...
    aww... sad na akey.. ate, u want ako na lang ang jowain mo?

    pero walang sex, walang holding hands, walang kiss ah?

    kukulutin kta. papasayahin. iinvite sa mga inter-gay beauty pageant. pagagandahin. uhmm anez pa ba? tapos iakw na din gagawin kong p.a. just in case madiscover akiz sa GMA or Abs... hihi..
    Emmyrose said...
    I've got one word for your post.. OUCH! ayoko na mag-comment baka magkaiyakan pa tayo hehe

    Anyway, check this out I gave you an award...
    http://www.emmyrose.com/2007/09/20/you-make-me/

    I linked you there, sana link mo din dito ung blog ko na un'
    Miss Kurdapya said...
    KUYA MEL,

    ok nga sinabi mo.. natauhan ako ng kaunti..hehehe.. lahat naman tinatanggap ko eh! as in lahat ng sinsabi, kasi syempre, mas nakikita ng hindi nakakarama kung ano yung tama.. :) kahit masakit sa akin..hehe
    Miss Kurdapya said...
    EDWARD,
    salamat!.. cge add kita..add mo ako.. hehe..:) see you madalas sana.
    Miss Kurdapya said...
    BARBARA BAKAL,

    pwede ba tayo na lang? alam ko na kaya mo ako patawanin, at kaya din kita patawanin, PERO... WALANG KISSING, HOLDINMG HANDS at AKAPAN? PANO NA YUN? haha... mukhang diring diri ka na sa akin noh?? hehehe...
    Miss Kurdapya said...
    EMMYROSE,

    salamat sa award! tama yan.. wag ka comment sa feelings mo at baka pati ikaw... matulad sa akin.. minsan daw sabi nila nakakahawa ang ganitong situation..hehehe cge link ko na blog mo na isa...salamat sa famas award!!

Post a Comment