Periplaneta americana Linnaeus yan and scientific name ng IPIS at Rattus norvegicus ang scientific name ng DAGA..kaninag hapon meron ba naman lumilipad na ipis na dumapo sa likod ko habang nag telebabad ako. anak ng pitong pugo! napatalon ako sa takot! napa tili ako sa gulat! at napa sigaw ako sa kadirihan..kinilibutan buong katawan ko,sa buong buhay ko, ipain mo na ako sa tigre wag lang sa dalawang kinatatakutan ko at pinandidirihan talaga....DAGA AT IPIS!.
Pero, naisip nyo ba na merong mga tao na kumakain ng ipis at daga? hindi ko maintindihan paano nakakayanan makain nila ito? naiisip ko pa lang nasusuka na ako. Pasensya na po kung isa kayo sa kumakain ng daga or ipis...sariling opinion ko lang ito. meron ako napanood at talagang hindi ko ito matignan ng diretso sa mata, naduwal talaga ako ng nakita ko ito.
*BABALA sa MANONOOD
WAG PANOORIN KUNG MAHINA ANG SIKMURA **
PART 1
PART 2
PART 3
Napakaganda ng post mo ngayon. Nakaka panindig balahibo. Maganda yung ginawa mong research sa youtube para sa segment ng Imbestigador na ito. Alam mo, maraming herbal medicines ang mga intsik na isa sa ingredients nila ay ipis. Ni hindi nila itinatago ito sa label ng contents ng gamot nila. Meron yatang power of regeneration ang ipis na hindi pa natutuklasan ng tao. Maski anong palo natin sa ipis ay pilit pa ring bumabangon maski halos pisak na pisak na ang katawan nito. Meron akong naging personal witness sa isang nakamamanghang bagay sa ipis. Nang minsang pinalo ko nang paulit ang isang ipis hanggang sa hindi na ito gumalaw at animo patay na, ay may lumapit na isang malaking ipis at parang binugahan ng kung ano ang bibig ng "patay" na ipis. Laking mangha ko ng bigla na lamang tumakbo ang patay na ipis na parang walang nangyari sa kanya.
Meron pa akong isang misteryong natuklasan sa kanila. Ako ay diabetic at palagi na lamang akong nagigising sa gabi sa kagat ng ipis. Kaya palagi na lamang akong me tsinelas sa tabi ko pampatay sa ipis. Naisip ko na maaaring nagsesecrete ang katawan ko ng excess sugar katulad ng matamis na ihi ng diabetic na pinuputakti ng langgam. Hindi ako marumi ano kaya ako kinakagat ng ipis. Parang nakikita ko ang pagngiti mo sa posibilidad na ito.
Tungkol naman sa daga, lumaki ako na nagpapabalik balik sa Manila at Meycauayan, Bulacan. Maliit pa ako ay alam ko nang kumakain ng dagang bukid ang mga taga baryo. Pero ni minsan ay hindi ako tumikim nuon. Sabi nila ay malinis daw ang dagang bukid, katulad ng palakang bukid, dahil puro palay lang ang kinakain nila.
He, he, pasensya ka na sa haba ng comments ko. Nakalimot ako. Akala ko blog ko ito. Pero sa tuuto lang, at home na at home ako sa blog mo, dahil kalog ka., He, he, *lol* Alam mo bang marami ang hindi nakakaalam ng *lol* o lots of laughter (parang canned laughter ng American sitcoms)sa mga kababayan natin. Minsan nag lol ako sa isang kakilala sa text at sumagot ba naman ng lol ka rin. Akala minura ko siya, He, he, he, aray ko.
Sige na. Sori, napagbalingan kita ng kacornyhan ko ngayong araw.
Thanks ulit and God bless you with the exuberance of youth, unspoiled by the crass materialism all around.
cge, gagawan pa ako ng research tungkol sa ipis at diabetes..kung ano ang relasyon nila.. buti na lang ipis lang ang kumakagat sayo at hindi daga!
sobrang ganda ng iyong comment...at kahit ano pa ang sabihin ng iba..hindi ako mapapakain ng ipis o daga..at buti na lang, hindi ako mahilig uminom ng herbal meds ng intsik..hehehe
sobrang salamat talaga! hangang sa susunod!