nagising ako kaninang umagang madilim pa ang paligid. maaga pa. pwede pa kong matulog ulit. pero di na 'ko nakatulog ulit. bigla akong gininaw. pinanindigan ng balahibo. kinuluan ng t'yan.
pinilit kong wag pansinin ang t'yan ko. ayokong bumangon. di pa oras para mag-ayos papasok sa trabaho. masarap pang magnakaw ng ilang sandaling tulog. minsan na nga lang ako makalapat sa malambot na kutson ng kama ko, pipigilan pa ako ng t'yan kong ito. hindi ako papayag.
pero natalo ako. hindi ako tinigilan hangga't di ako tumayo, lumabas ng kwarto at patakbong binagtas ang 13 baitang ng aming hagdan. di na ata aabot. lalabas na. malayo-layo pa ang banyo.
madilim pa ang kabuuan ng bahay, pero hindi ang kusina. gising na ang nanay ko, may nilulutong kung ano. may sasabihin sana s'ya nu'ng nakita n'ya akong nagmamadaling papunta ng banyo, pero di ko na narinig. nagmamadali ako. mamaya na ang chika.
aabot, o aabutan? kailangang umabot. di ko na hinangad na maghagilap pa ng dyaryong mababasa. wala ng panahon para doon. pang-normal na transaksyon lang ang nangangailangan ng dyaryo o kahit na ano'ng mababasa. iba 'to. emergency 'to.
pagpasok sa loob ng banyo, pagkasarang-pagkasara ng pinto, umupo na ako. sakto. umabot. whew! buntung-hininga.
pagkatapos ng transakyon (debit sa akin, credit sa inidoro), nakangiti akong lumabas ng banyo. wala na ang nanay ko sa kinatatayuan nya, pero di ko na sya hinanap para itanong pa kung ano ang sasabihin nya sana kanina. tumuloy ako sa k'warto ko para magnakaw ulit ng ilang sandaling idlip.
di pa ko nadadala ng tulog ko sa malalim na estado ng rapid eye movement, nang bigla na naman akong gininaw, pinanindigan ng balahibo, kinuluan ng t'yan. oh no, not again!
may sumpa 'ata ang siopao na may itlog na maalat na kinain ko kagabi.
-----------------------------------------------------------
dahil sa pangyayaring ito, eto ako at natengga sa bahay, o mas tamang sabihin, sa banyo. pero handa na ako. iniwan ko na ang bagong magazine na binili ko sa loob ng banyo, para kung kelan man sumumpong ulit ang makulit kong t'yan, madali ko na madadampot ang babasahin. sayang ang oras. maraming dapat gawin kaysa tumambay lang sa loob ng banyo para mailabas sa katawan ko ang sumpa ng siopao.
Mahilig ka rin pala sa "toilet humor." He, he, he, kadiri to death. Joke lang. Wala akong masabi baka mahawa pa ako sa pagkulo ng tiyan mo. Kaya ikaw, miss kurdapya, sa susunod, pipiliin mo ang kakanin mo, para hindi ka nakikipag patintero sa takobets. (Ala Dona Adelaida sa John & Marsha, naabutan mo na ba yun?) *lol* Meron pala akong padadala sa 'yo via Federal Express- isang carton ng Diatabs at Lomotil, he, he, he, *lol* Alam mo bang nang tinatype ko ito ay magaalas sais na ng umaga at magsisimba pa ako pero parang ayoko na munang mag almusal dahil nawalan ako ng gana sa artikulo mo, he, he, he, joke lang. Anyway, ipagpipray kong gamutin ni Lord ang kumukulo mong tiyan. Bye now, nakalimot ulit ako na hindi ko nga pala blog ito. Pasensya na sa pag sakop ko sa blog mo. Send the bill, I'll pay it in dollars. Joke lang baka kumagat ka at singilin mo nga ako. Pagpalain ka ng Diyos ng mas matibay pang tiyan na hindi magpapaalis ng gana kong kumain ng almusal. Tenk u. Bow.
sgurado ka ba na siopao at hindi ang ulam sa ibaba ng blog mo ang nakain mo he he he oh no!!! baka me halo kasi siopa lol Joke lang.he he he sobrang busy sis, me flu, tapos sister ko na ceasarian, alaga ng mga neice dito, waaaa, tamad nga ako mag update ng blog...
sa susunod pagsakit ng tiyan initial dosage ng diatabes 2 agad. eto ang parmasiyutika mong kaibigan
moccalyn
I just wanted to stop by and say, "Hi!" Unfortunately, I'm not familiar or fluent in your native tongue. But I do agree with your prophetic sidebar! I am one that believes in destiny as well. And I hope you keep following your dreams!
Please feel free to stop by my corner of the blogosphere! I'm always looking for destiny-minded comments from fellow blogger friends.
Thanks much!
Quest For Comedic Stardom
http://standup101.blogspot.com
@moccalyn...hehehe...malabo yung nasa baba..hmm..hindi ko naisip ang siopmeow??? hehehe..hindi na..salamat!
@lucy..we may have different dialect..but there's one thing common with us...we belive in destiny and love..:)
@rs2..thank u.